This chapter is dedicated to: baekhokang89
KABANATA 57:
MARY'S POV
Dahil sa Hellion Quadruplets kaya naniniwala na akong totoong nag-eexist ang love. Naniwala ako dahil sa pagmamahal na pinaparamdam nila sa akin. Dahil sa apat na magkakambal kaya masasabi kong may kwenta naman pala ang buhay ko dito sa mundo.
Lumipas na rin ang ilang araw naming pananatili dito sa resthouse nila, mabuti na lang din wala na ang bagyong sumalanta sa bansa namin kaya naman bumalik na sa normal ang lahat. Mataas na rin ang tirik ng araw at natuyo na ang mga putik.
Katulad nga nang sabi ni Lucien sa akin, hinayaan nila akong makabawi ako ng lakas. Napaka-wild pala talaga nilang apat! Buti na lang din hindi na nasundan yung ginawa naming milagro ni Lucien dahil tiyak na masisira na yung kama dahil sa lakas at bilis nilang bumayo.
They look like sex gods in my eyes. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakayanan at natiis ko lahat ng kirot at sakit sa kabila ng laki at haba nung mga sandata nilang apat.
"Tapos ka na ba diyan, my little kitten?" tanong sakin ni Lucien na ngayon ay kasalukuyang nilalagay sa mga plato yung niluto niyang breakfast.
Ngumiti ako, "Yup. Ilalagay ko lang ang mga ito sa tray para hindi ako mapaso," sagot ko sa kanya.
Mabilis ko namang pinaglalagay yung mga tinimpla kong kape para sa aming lima. Ako mismo ang nagtimpla nun dahil nag-request sa akin si Lucius na timplahan ko daw sila ng kape. Panibagong umaga na naman kasi ngayon at balak namin na kumain ng almusal sa veranda dahil maganda ang tirik ng araw sa labas.
Si Lucien naman ay pinaglalagay lang din niya yung mga pagkain sa tray para isahang bitbit na lang bago kami sabay na nagtungo sa veranda habang maingat naming buhat-buhat ang tray para hindi namin ito mabitawan.
"Nasaan ba kasi si Lyrius? Kung saan-saan na naman nagpupunta ang lalaking yun imbes na tulungan tayo dito," mahinang asik ni Lucien nang makarating kami sa veranda at pinaglalapag lang namin sa pabilog na lamesa yung tray.
"Sabi niya tutulungan daw niya si Lician na magsibak ng kahoy," sabi ko sa kanya nang maalala ko ang sinabi ni Lyrius kanina dahil sa nagpaalam pa muna siya sa akin bago siya lumabas.
"Tsk, tutulong? That guy? Baka panay lang siyang reklamo imbes na tumulong sa pagsisibak ng kahoy," ani Lucien at sabay kaming natawa.
Kailangan daw kasi ni Lician na magsibak ng kahoy para mamaya sa fireplace sa kwarto namin. Kahit wala na ang bagyo ay sobrang lamig pa rin dito sa resthouse nila lalo na pag sumasapit ang gabi at madaling araw.
Jusko po! Kung hindi nga lang talaga naubusan ng kahoy si Lician kagabi para sa fireplace namin ay hindi ko pa malalaman na nasa Baguio pala kami! Kaya pala ang tagal ng biniyahe namin nung sumama ako kina Lucien at Lyrius nung papunta kami dito, yun pala ay nasa Baguio na kami. Ilang araw na kaming nandito sa resthouse nila pero kagabi ko lang nalaman kung saang lugar kami.
Bumalik naman si Lucien sa loob para kunin yung mga naiwang pagkain sa kusina habang ako ay pinagbantay niya ng pagkain namin dito dahil baka daw biglang may sumulpot na hayop at kainin yung mga niluto niya.
Well, hindi na ako magtataka kung may pakalat-kalat na mga wild animals dito dahil nakatirik ang resthouse na 'to sa gitna nang kagubatan. Huwag lang sana akong makakita nung mga hayop tulad ng wild boar o ahas dahil malaki ang takot ko sa mga ganung klaseng mga hayop.
Bumalik naman agad si Lucien dala-dala yung ibang mga pagkain. Tinulungan ko naman siya na ayusin yun sa lamesa bago niya itabi yung mga tray.
"Sexy love!"
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...