WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!
• • •
This chapter is dedicated to: Mai324
Warning: SPG!
KABANATA 24:
MARY'S POV
Kahit papaano ay matiwasay kaming natapos kumain ng tanghalian sa kusina kahit na magugulo ang Hellion Quadruplets lalo na si Lyrius na hindi nagpapatalo sa tatlo niyang mga kakambal. Panay sila sa asaran at hindi rin sila humihinto sa bardagulan pero nakahinga ako ng maluwag dahil wala kahit isa sa kanila ang napipikon. Kung hindi ko lang talaga sila sinuway ay tiyak na hindi sila titigil sa asaran.
"Sexy love! Nabusog ka ba sa niluto ni Lucien?" tanong ni Lyrius sa akin sa malakas na boses.
Nasa loob pa kasi siya ng kusina at siya ang pinaghugas ni Lucius ng mga pinggan. Bumusangot naman ang mukha ko dahil sa tinawag niya akong sexy love. Talagang pinanindigan na niya na tawagin akong ganun ah? Sabagay, mas nako-kornihan ako kung tatawagin niya akong mahal kaya mabuti na rin siguro yung sexy love pero naiilang pa rin ako sa endearment niya sakin.
"Nabusog naman, masarap kasi magluto si Lucien." sagot ko at sapat na siguro ang lakas ng boses ko para marinig niya ako.
Matamis namang ngumiti si Lucien sa akin, "Thank you, my little kitten. I'm glad you liked it," aniya.
Totoo naman kasi na masarap yung pagkakaluto ni Lucien sa beef caldereta. Kasalukuyan din akong narito sa sala nila kasama yung tatlo. Nanood lang din kami ng movie na sinalang ni Lucien, hindi ko lang alam kung anong name nung movie dahil sa ngayon ko lang ito napanood. Ayaw pa kasi nila ako paalisin dito sa bahay nila at gusto pa daw nila na maka-bonding ko muna sila kahit ilang oras lang dahil apat na araw daw nila akong hindi makikita. Pero wala silang kaalam-alam na sasama ako sa Lilura Isla. Wala silang ideya na ang pupuntahan kong bakasyon at ang outing nila ay iisa.
Syempre ayoko namang masira yung mga naisip na plano nila Tita Harmony at Tito Shawn sa pagdi-disguise ko. Pinaghirapan pa naman nilang pag-isipan yun kaya dapat lang na kina Tita Harmony ko muna sasabihin na kilala ko yung mga anak niyang barako. Natapos naman si Lyrius sa paghuhugas ng pinggan at agad siyang naupo sa paanan ko. Tahimik lang din akong nanonood ng movie nang saktong bed scene na yung pinapalabas sa TV.
Kitang-kita nang dalawa kong mata kung paano maghalikan yung dalawang bida at dahil sa malakas ang volume ng speaker ay rinig na rinig ko yung ungol nung babae. Shit! Wala sa sariling napalunok ako bigla sa sarili kong laway. Bigla na lang ding bumaling ang tingin ko kay Lician na seryosong nanonood ng movie at hindi man lang siya kumukurap. Nang tignan ko naman yung tatlo ay ganun din ang ekspresyon nila kagaya kay Lician.
Parang wala nga lang sa kanila yung panonood ng bed scene samantalang ako ay medyo nakadama ng ilang at umiinit rin ang magkabila kong pisngi dahil na rin sa hiya. Oo, inosente pa talaga ang dalawa kong mata. I have never tried to watch porn movies. Sabi ng mga kaklase ko ay wala naman daw mali kung manonood daw ako ng ganung klaseng movies especially yung may malalaswang scene. Pero kahit na anong pilit nila sa akin noon ay ayoko talagang manood nun dahil feeling ko nadadagdagan lang ang kasalanan ko.
"Why are you blushing?" Nabigla naman ako nang narinig ko ang boses ni Lucius sa tenga ko. Dama rin ng balat ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa akin. Nang lingunin ko siya ay nakatitig lang siya sakin at halatang nagtataka.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Ficción General[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...