This chapter is dedicated to: joymaq
KABANATA 47:
MARY'S POV
They say everything happens for a reason. Ang rason na yun ay maaaring magpabago sa isang tao, o di kaya ay sobrang sakit at mahirap talagang tanggapin sa umpisa. Habang ang iba ay sinasabi nilang may dahilan kung bakit nangyayari sayo ang lahat ng ito, dahil ang rason na iyon ay para na rin sa kapakanan mo ngunit hindi mo naman ito agad mauunawaan.
Katulad na lamang na nangyari kay Mommy Eleanor. Pumayag siyang ibigay ako kay Mommy Beatrice kahit na sanggol pa lang ako para hindi ako malagay sa kapahamakan. Naging mapait sa amin ang tadhana at iyon ang ipinagtataka ko kung bakit sa amin pa ito nangyari sa amin.
My mother and twin sister are gone. Nawala sila sa mundong ito at tanging alaala na lang ang naiwan nila sa mga taong nagmamahal at nakakakilala sa kanya. Ang unfair lang dahil wala man lang akong memories na pwede kong maalala dahil hindi ko man lang sila nakita o nakasama.
I haven't seen my dad in five days pati na rin ang Hellion Quadruplets. Limang araw akong nanatili dito sa Hacienda ni Don Isandro at sa loob ng araw na yun ay hindi ko man lang tinangkang lumabas sa kwarto.
I stayed in my room for five days. Nagkulong lang ako at nagmukmok dahil sa mga nangyari this past few days. Hindi rin naman ako pinilit nila Don Isandro na lumabas ng kwarto dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ko.
Dito na rin ako sa kwarto kumakain dahil dinadalahan naman ako nung mga katulong nang makakain ko. Minsan naman ay pinupuntahan ako ni Don Isandro dito para kamustahin ang lagay ko. Nai-stress ako ng sobra at nagkaroon din ng anxiety. Halos nakahiga nga lang din ako sa kama at tinatamad.
Palagi rin akong nakakatanggap nang text message galing sa Hellion Quadruplets. Maski sila Riven ay tine-text ako at kinakamusta ako ngunit hindi ko sila magawang replayan. Kahit tawagan pa nila ako ay hindi ko naman iyon sinasagot. Hindi ako nagparamdam sa kanila kahit man lang text ay wala rin silang natanggap galing sa akin.
Katulad nga ng sabi ko, gusto ko muna ng break o kahit peace of mind man lang para kahit papaano ay mabawas-bawasan ang mga iniisip kong problema. I'm glad na hindi ako pini-pressure ni Don Isandro at hindi rin niya ako pinipilit na lumabas sa kwartong 'to para masikatan man lang ako ng araw.
Pero sa loob ng mga araw na yun ay narealize ko na hindi dapat ako magmukmok dito sa loob ng kwarto. Hindi dapat ako nagkukulong dahil wala namang mangyayari sa akin kung nandito lang ako. Oo, masakit pero dapat ko lang sigurong harapin lahat ng mga ito.
Kailangan kong tanggapin ang katotohanan kahit mahirap. Ika nga nila, hindi ka naman bibigyan ng pagsubok ni lord kung alam niyang hindi mo kaya. Hindi dapat ako magpatalo o sumuko dahil sa mga pagsubok o problema na dumarating sa buhay ko. Bagkus ay dapat gawin ko pa itong aral at inspirasyon para kung sakaling may dumating ulit na panibagong pagsubok sa akin ay mas matatag na ako.
Kaya naman paggising ko sa umaga ay agad akong bumangon sa kama para makaligo na. May mga damit naman ako dito na mismong si Don Isandro ang nagpabili. Masasabi ko talagang mayaman siya dahil meron siyang mga sariling utusan na pwedeng kumilos para sa kanya.
Kahapon nga lang ay may dumating dito na babaeng nagpakilalang isang fashion designer dahil hinatid lang nito ang mga damit at sapatos na para sa akin. Pinakilala ako ni Don Isandro sa kanya ngunit hindi naman nagtagal ang babaeng yun dahil wala ako sa mood na makipag-usap kahit kanino.
Pero nakapag-desisyon na ako. Hindi dapat ako nagkukulong dito. Gusto ko rin kasing tanungin si Don Isandro tungkol sa iba pa niyang mga nalalaman lalo na kung saan ang puntod ni Amara. Gusto kong bisitahin ang kakambal ko, gusto kong makita ang kanyang lapida at mas lalong gusto kong makita o makilala ang pamilyang kumupkop sa kanya.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Ficción General[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...