Epilogue

50.8K 1.4K 658
                                    

Epilogue

MARY'S POV

Akala ko hindi na ako sasaya, akala ko habang buhay nang magiging miserable itong buhay ko. Lintek kasi itong si tadhana, masyadong mapaglaro! Pero hindi ko lubos akalain na mayroon palang dahilan ang tadhana kaya nangyari ang lahat ng mga ito sa akin.

Ang pinaka-nagustuhan ko sa mga nangyari sa buhay ko? Iyon yung pinanganak ako ni Mommy Eleanor sa mundong ito kahit nung una ay hindi ako naging masaya pangalawa, nalaman ko rin kung sino ang tunay kong ina.

Pero ang higit na pinaka-paborito ko sa lahat na nangyari sa akin? Iyon ay gumawa ng paraan ang tadhana para makatagpo at makilala ko ang Hellion Quadruplets. Akala ko talaga ay hindi na ako sasaya, akala ko ay habambuhay nang magiging malungkot itong buhay ko.

Hanggang sa nalaman ko ang buong katotohanan na tinago sa akin nila Dad. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang first love noon ng Hellion Quadruplets ay s'yang kakambal ko. Si Amara, she's my superfecundation twins. Magkakambal lang kami sa ina ngunit magkaiba kami ng ama.

Hindi ko alam na pwede palang mangyari ang bagay na yun kaya nung una ay hindi ako naniniwala pero mismong sila Dad na ang nagsabi sa akin na kakambal ko si Amara. Hindi ko rin lubos akalain na maaari palang magkaroon ka ng kakambal kahit na magkaiba pa kayo ng ama.

Habang iniisip ko ang mga yun ay saka ko lang narealize na sobrang dami na palang nangyari sa buhay ko. Ang dami ko na palang pinagdaanan subalit alam kong may darating pang pagsubok na dapat ko pang pagdaanan.

Nalaman ko na may kakambal ako, lumabas ang katotohanan kung sino ang tunay kong ina at higit sa lahat ay ang pag-kidnap ni Leighton sa akin noon na halos kamuntikan na rin niya akong mapatay.

And I can't believe na nakayanan kong malagpasan lahat ng mga nangyaring problema sa amin. Sa tulong nila Lucius at ng mga mahal ko sa buhay, may dahilan ako para lumaban at lagpasan ang lahat ng mga pagsubok na darating pa sa buhay namin.

"Mary!"

Tila nabalik naman ako sa reyalidad at nawala ang pagbabalik-tanaw ko sa aking nakaraan nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko naman agad kung sino yun at nakita ko ang kaibigan kong si Riven.

"Hindi ka pa ba pupunta sa auditorium? Magsisimula na yung school play nung mga bata," wika niya sa akin.

Doon ko naman napagtantong nandito pala ako sa school at hindi pa ako nakakarating sa auditorium. Kanina ay naglalakad lang ako sa hallway pero nahinto ako nung makita ko sa bulletin board yung mga drawing nila Artemis hanggang sa napabalik-tanaw ako sa mga nangyari sa nakaraan.

Oo nga pala, ngayon na ang school play nila at paniguradong kanina pa nila ako hinihintay ngayon sa auditorium. For sure naroon na rin sila Dad para manood.

"Nasuot na ba nila ang costume nila?" tanong ko kay Riven bago kami sabay na naglakad papunta sa auditorium kung saan gaganapin ang school play ng mga bata.

"Yup, naasikaso na daw sila nung Teacher nila at nasuot na nila yung mga costume nila." sagot niya kaya napatango-tango lang ako, "Bakit ikaw lang ang nagpunta dito sa school? Nasaan sila Lucien?" tanong niya nang marealize niyang hindi ko kasama ang mga asawa ko.

"Papunta na sila Lucien dito, medyo male-late lang sila dahil sa umattend pa sila sa board meeting sa company nila." sagot ko sa kanya.

Tumawag naman sa akin sila Lician at sinabi nila na medyo male-late lang sila dahil kailangan nilang tapusin ang board meeting na yun lalo pa't importante yun sa kanila.

Lately kasi ay napapansin nila na parang may mali sa kompanya na mismong hinahawakan nilang magkakambal. Parang nababawasan ang pera ng kompanya nila.

Nung una ay hindi na muna nila pinansin dahil maliit na pera ang nababawasan kahit na wala naman silang nila-launch na bagong project. Hanggang sa napapansin nilang habang tumagagal ay lumalaki na ang halagang nawawala sa company nila.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon