KABANATA 15

41.9K 1.2K 326
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

KABANATA 15:

MARY'S POV

Matapos akong mapiyansahan nila Dad at Tito Shawn sa presinto ay agad kaming nagtungo sa Hacienda para hakutin ko na ang mga gamit ko. Naging madali lang din ang proseso ng piyansa ko dahil hindi na nagawang magsampa ng kaso sila Catalina at Hideo sa akin. Bakit? Dahil sa binantaan sila ni Tito Shawn kaya natakot sila sa kanya. Kanina ko lang din nalaman kung sino siya habang bumabiyahe kami papunta sa Hacienda. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin nung nakita ko siya kanina dahil siya yung mayaman at sikat na baklang fashion designer dito sa bansa namin maski na rin sa ibang bansa.

Si Shawn Rodney o mas kilala siya bilang Madam Rodney at napakasikat niya. Hindi biro ang kasikatan at yaman niya. Ilang beses na ring naitampok sa iba't-ibang istasyon ng TV yung mga gawa niyang design ng mga dress at gown.

Naging designer rin siya ng mga sikat at naggagandahang Beauty Queen sa iba't-ibang bansa. Natatandaan ko pa nga na isa rin siya sa mga naging judge ng Miss Universe noon pero hindi ko lang matandaan kung anong taon iyon. Kaya hindi biro na makilala ko siya at nalaman ko pang siya ang jowa ni Dad.

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na dumating sila kanina sa presinto kahit na galit ako kay Dad at ayaw ko siyang makita. Nabalitaan daw kasi ni Dad mula kay Caerus ang nangyari sa akin. Tumawag pala ang half brother kong iyon kay Dad kaya walang pandadalawang-isip sila Tito Shawn na puntahan ako.

Pati si Riven ay nalaman niya ang nangyari nung marinig niya si Mom na may kausap sa telepono kaya kahit na malalim na ang gabi ay bumiyahe pa rin siya para mapuntahan lang ako. Kaya heto ay sinamahan ako nila Dad para ma-impake ko ang mga gamit ko. Noon pa naman talaga ay gusto ko nang umalis sa pamamahay ni Mom pero wala naman akong sapat na pera para buhayin kong mag-isa ang sarili ko lalo pa't hindi pa ako nakakapagtapos ng kolehiyo. Hindi madali ang buhay sa panahon ngayon.

Oo nga't malaki-laki na rin ang mga naipon kong pera. Hindi ko masyadong ginagastos yung mga allowance na binibigay sa akin ng magulang ko pero natitiyak ko pa rin na hindi pa iyon sasapat para sa akin. Mahirap pa namang makahanap ng murang apartment na pwede kong upahan, iisipin ko pa ang mga pang-araw araw kong kailangan pati ang mga bayarin kaya kahit na gusto ko nang lumayas sa Hacienda ay hindi ko pa rin nagawa. Tiniis ko munang pakisamahan sila Mom lalo na ang bwisit kong half sister.

Pero ngayon ay mukhang dininig na ang matagal ko nang pinapanalangin dahil mismong si Tito Shawn na ang nagsabi na kukunin na nila ako sa poder ni Mom at patitirahin pa niya ako sa pamamahay niya. Pagdating na pagdating namin sa Hacienda ay agad na akong umakyat sa kwarto ko. Halos takbuhin ko na nga yung hagdanan para lamang makarating ako agad sa itaas.

Pagpasok ko palang sa kwarto ko ay dumiresto ako agad sa walking closet ko para iimpake ang mga damit ko kasama na rin ang mga importante kong gamit. As in lahat-lahat ng mga gamit ko ay dadalhin ko dahil na rin sa iyon ang utos sa akin ni Tito Shawn kanina. Wag daw akong magtitira para daw hindi na ako babalik dito kung sakaling may nakalimutan akong gamit.

Syempre, masaya ako at pumayag ako sa kagustuhan ni Tito Shawn na kunin na nila ako mula kay Mom. Makakaalis na rin ako sa peste at mala-impyernong pamamahay ng magaling kong ina. Hindi ko na rin makikita si Catalina at lalong wala nang bubwisit sa araw ko dahil malalayo na ako kay Hideo.

Feeling ko nga ay hulog ng langit si Tito Shawn sa akin. He became my savior kahit na kanina lang kami nagkita at nagkakilala. Dahil sa ginawa niya ay malaki na tuloy ang boto ko sa kanya para kay Dad. Susuportahan ko talaga sila sa relasyon nila lalo na sa kasal nilang dalawa. Sabagay, wala naman sa aking problema kung isang bakla ang mapangasawa ng Daddy ko. Mas okay pa nga si Tito Shawn kaysa kay Mom, at least alam ko at nakikita kong masaya si Dad sa piling ni Tito Shawn.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon