KABANATA 26

42.4K 1.1K 380
                                    

WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!

• • •

This chapter is dedicated to: klhainace

KABANATA 26:

MARY'S POV

Puno nang katanungan ang mga mata kong nakatingin kay Tita Harmony. May sakit sila Lucius? Pero ano naman ang sakit nilang apat? Bakit ako biglang kinabahan na ewan? Hindi naman sinabi sa akin nila Lucius na may sakit sila. Wala silang binabanggit sa akin tungkol roon.

"Bakit? A-ano po bang sakit nila Lucius?" garalgal kong tanong kay Tita Harmony. Huminga pa siya nang malalim at nag-aalalang tumingin sa akin. Hinatak pa niya ako para makaupo ako sa kanyang tabi. Ang dalawa ko namang kamay ay hawak-hawak niya ng mahigpit.

"It all started because of Amara. Amara was their classmate when they were in grade school. She's also their childhood friend and first love. Si Lucien ang unang nagkagusto sa kanya hanggang sa hindi namin akalain na pati yung tatlo ay nagkagusto na rin kay Amara. Hindi rin namin alam ng asawa ko na may sakit ang mga anak namin sa pag-iisip," paunang paliwanag ni Tita Harmony at nagulantang naman ako sa aking narinig.

Amara? First love nila Lucien? May sakit sa pag-iisip ang Hellion Quadruplets? Lalo namang kumabog ang puso ko. Kung kanina ay kinabahan ako at nag-alala pa para sa kalagayan nung apat, ngayon naman ay nakadama ako ng takot at pagkabahala para sa sarili ko. Pero bakit parang normal lang sila? Kapag kinakausap nga nila ako ay parang wala silang sakit sa pag-iisip.

"They have a mental illness, Mary. They have Obsessive-Compulsive Disorder o mas kilalang OCD. Hindi ko rin kasi alam na meron palang ganun sa ibang pamilyang Hellion at namamana pala ang ganung klaseng sakit. Nung nalaman namin na may ganung sakit ang Quadruplets, inamin sa akin ng ilang kamag-anak ng asawa ko na meron sa iba nilang angkan ang nagkakaroon ng OCD. Tulad na lang ng iba nilang lolo at tito nila na nagkaroon din ng ganitong klaseng sakit sa pag-iisip," mahaba niyang turan.

Nag-loading pa sa utak ko ang mga sinabi ni Tita Harmony. Hindi rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Obsessive-Compulsive Disorder? Hindi ko alam na may ganun palang klaseng sakit sa pag-iisip.

"Hindi ko po kayo maintindihan," sabi ko sa kanya dahil talagang hindi ko siya maintindihan.

"Isa itong uri ng sakit kung saan nawawalan ng self control ang taong may OCD dahil sa matindi niyang obsession sa isang bagay at kahit maging sa tao. Pwede silang maging agresibo at makapanakit ng kahit sinong tao. At dahil kay Amara kaya nagsimula ang ganung klaseng sakit ng mga anak ko. Naging obsessed sila sa babaeng yun simula nung tumungtong sila sa highschool. Mas lalo ring na-titriggered ang sakit nila dahil sa matinding selos, pagnanasa at pagmamahal nila para kay Amara,"

Naintindihan ko naman agad ang mga paliwanag ni Tita Harmony pero ilang minuto muna akong hindi nakapagsalita. Pilit ko pang sini-sink in sa utak ko ang mga nalalaman ko tungkol kina Lucius lalo na sa sakit nila.

"Yung Amara? Nasaan na po siya? Ano pong ginawa nila Lucius sa kanya? Gagaling pa po ba ang mga anak niyo?" sunod-sunod kong mga katanungan. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kakaisip tungkol roon. Kaya pala gusto ni Tita Harmony na mag-disguise ako para sa sarili kong kapakanan. Pero huli na. Kilala na ako nang Hellion Quadruplets. Nagawa na nga nila akong halikan at tikman ang aking katawan.

"Si Amara, patay na siya." malungkot na pag-amin ni Tita Harmony dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko sa aking katawan.

"P-patay na? P-paaano?" gulat kong tanong at hindi ko rin maiwasang matakot nang marinig ko iyon.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon