KABANATA 33

43.4K 1.3K 232
                                    

This chapter is dedicated to: DhieDhin

KABANATA 33:

MARY'S POV

Laglag ang panga ko nang makita ko ang paglilipatan naming yate. This yacht is huge, luxurious and obviously expensive! Hindi ako makapaniwalang makakasakay ako sa ganitong klaseng kalaki at kagarang yate. Feeling ko ay ang yaman-yaman ko kapag nakasakay ako sa mga ganitong sasakyang pang-dagat.

Sinalubong naman kami nung yacht captain at ang mga crew niya nang tuluyang kaming nakalipat at nakasampa nung Hellion Quadruplets sa malaking yate. Ibang-iba ang yateng ito kumpara sa sinakyan namin kanina.

May mahabang lamesa na babasagin, nakikita ko agad yung mga kwarto, meron pang swimming pool, jacuzzi at paniguradong kasya-kasya kami roon! Mula sa itaas ng yate ay nakikita ko naman ang mahabang sofa at sa tingin ko ay pwede iyong pag-tambayan.

"Kaninong yate 'to?" mahina kong tanong kay Lucien dahil siya ang nasa tabi ko.

Si Lucius kasi ay seryosong kinakausap yung yacht captain pati ang iilang mga crew na medyo may mga edad na. Wala man lang akong nakitang mga halos kaedaran lang namin.

"Kina Dad, nagpaalam kami na hihiramin namin 'tong yate nila. Yung ginamit nating yate kanina, pagmamay-ari ni Lucius yun." sagot niya sakin bago niya ako mahinang hinapit palapit sa kanyang maskuladong katawan.

Woah. Sobrang yaman nga talaga nila. Pati si Lucius ay may sarili na ring pagmamay-aring yate. Hinayaan ko na lang si Lician na nakapulupot ang kanyang braso sa beywang ko.

Pinakilala naman ako ni Lucius sa mga crew pati na rin doon sa yacht captain na nakipag-kamay pa talaga sa akin. Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila nang batiin nila ako.

Maya-maya lang din ay umalis na rin sila sa harapan namin para gawin na ang kanilang mga trabaho. Narinig ko pang inutusan ni Lucius yung ilang crew na magdala ng mga makakain namin kahit na kakatapos lang naming mananghalian kanina.

"Wala ba kayong balak maligo sa pool?" tanong sa amin ni Lyrius.

Hinubad pa niya ang kanyang pang-itaas na damit at hinagis lang niya yun sa lounge chair malapit lang sa amin. Lumantad tuloy sa harapan ko yung maganda niyang pangangatawan lalo na yung anim niyang nagtitigasang pandesal.

"Mamaya na lang ako maliligo sa swimming pool," sagot sa kanya ni Lucien bago siya naupo sa lounge chair.

Parang halos maging higaan na nga iyon eh kaso nga lang gawa lang ito sa plastic. Umiling-iling naman yung dalawa at mukhang wala rin silang balak maligo sa swimming pool

Tumingin naman sa akin si Lyrius, "How about you, sexy love? Ayaw mo bang maligo dito sa swimming pool?" he asked.

Talaga ako pa ang tinanong niya. Hindi nga ako marunong sumisid o lumangoy sa dagat 'e, paano pa kaya dito sa swimming pool na mukhang aabot yung taas hanggang sa ulo ko? Baka malunod lang ako.

Iniling-iling ko naman ang aking ulo, "Wag na, hindi naman kasi ako marunong lumangoy," pag-amin ko sa lalaking ito.

"Really? Kung gusto mo turuan kitang mag-swimming?" suhestiyon bigla ni Lucien sa akin.

"Akala ko ba mamaya ka na maliligo dito sa swimming pool?" nakataas-kilay na tanong ni Lyrius.

"Bakit pa mamaya kung pwede naman ngayon?" nakangising tanong ni Lucien bago siya tumayo at hinubad rin niya ang kanyang pang-itaas na damit.

"Let's go, my little kitten. We will teach you how to swim," aya ni Lucien sa akin pero mabilis ko silang inilingan ng ulo.

"B-baka malunod ako. At saka wala rin akong pamalit na damit," nag-aalala kong sabi sa kanila. Wala pa naman akong kahit na anong dala-dalang damit. Kaya nga ako pinahiram ni Lucien ng t-shirt niya eh.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon