This chapter is dedicated to: Gheloumarize
KABANATA 60:
MARY'S POV
Sinapo ko ang aking ulo nang maramdaman ko ang pananikit nito. Mabilis akong tumingin kina Lucius at Lician na parehong nakapikit at tila iniinda nila ang kanilang sakit na nararamdaman. Tuluyang nagsibagsakan ang mga luha ko. Duguan ang kanilang mga ulo. My whole body also went numb. Hindi ko man lang magawang magalaw ang mga paa ko.
Maingat ko munang inilapag yung tuta sa gilid ko bago ko binalik ang aking tingin sa dalawa kong kasama. They both groaned in pain. Doon ko lang ding napagtantong basag ang windshield ng kotse ni Lician, nakayupi na rin ang hood at umuusok pa ito dahil sa lakas ng pagkakabangga kanina.
Kahit ang pulang kotseng bumangga sa sasakyan namin ay warak rin ang hood niya, basag ang windshield maski ang headlights. Mabuti na lang ay tumigil na siya sa pagbangga sa amin ngunit masasabi kong mas malala ang sinapit namin. Ang ilang bubog nga ay nagtalsikan dito sa loob ng kotse.
Buti na lang ay hindi tumatama sa mga mukha namin subalit tumalsik naman ang ibang bubog sa mga katawan namin. Pasalamat na lang din ako ay mabilis kaming kumilos dahil iniharang namin agad ang mga kamay namin sa katawan namin para hindi kami masyadong matamaan ng mga bubog.
"L-lucius.." garalgal kong tawag sa pangalan ni Lucius.
"Mary!" bulalas niya nang sa wakas ay tila nagkaroon na siya ng malay.
Nilingon niya ako at bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Sunod-sunod pa siyang napamura ng mga malulutong. May sugat siya sa kanyang noo at iyon ang dahilan para magkaroon siya ng dugo sa ulo. Ganun din si Lician na sa wakas ay tila parang natauhan na din.
"A-ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yeah, we're fine. We need to get out of here," wika ni Lician ngunit hindi naman nila magawang magalaw ang kanilang katawan, marahil ay sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin kanina.
Kahit nga ako ay hindi pa makagalaw lalo na ang dalawa kong paa na hindi ko man lang magawang iangat. Nahihilo pa ako at hindi rin ako masyadong makatingin ng maayos sa kanila.
"Fuck! Sino ba yung bumangga sa atin?!" nahihimigan ko sa boses ni Lucius ang matinding galit nang itanong niya iyon.
Pero agad akong natigilan nang may maalala ako bigla. Sila Lucien at Lyrius! Nabangga din sila kanina dahil nasa likuran lang namin yung kotseng minamaneho ni Lucien.
"S-sila Lucien," sambit ko sa kanila.
Natigilan naman sila Lucius at Lician nang sabihin ko yun. Halos sabay pa silang napatingin sa labas ng bintana na nabasag na rin para i-check ang kalagayan nung dalawa na nasa kabilang kotse.
"Shit, shit! Nakataob ang sasakyan nila!" galit na bulalas ni Lician dahilan para halos mapigilan ko ang aking paghinga.
N-nakataob ang sasakyan nila? Totoo ba yung sinabi niya? Hindi kaya ay nagkamali lang siya sa nakita niya? Pinilit ko ang sarili ko na magalaw ang aking katawan para matignan ko rin ang kotse ni Lucien. Nagtagumpay naman ako dahil nagawa kong umupo ng maayos kahit na ang kalahati kong katawan ay hindi ko masyadong magalaw.
Pilit akong tumingin sa labas ng bintanang nasa gilid ko, may kaonti itong crack ngunit wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay sila Lucien dahil hindi naman sila kasama sa iisang sasakyan. Natatakot din ako para sa kaligtasan naming lima.
Naghalo naman ang takot at kaba ko nang makita ko ang sasakyan ni Lucien at tulad nga ng sabi ni Lician, nakataob nga ito. Napahikbi na lang ako at nagsibagsakan rin ang mga masagana kong luha. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang dahil sa sinapit namin ngayon. Basag rin ang windshield at mga bintana nung kotse ni Lucien. Pero hindi ko sila makitang dalawa ni Lyrius dahil madilim na sa labas.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Ficción General[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...