This chapter is dedicated to: MissGalaxyGlow
KABANATA 67:
MARY'S POV
The day has passed so fast, I didn't notice that it had been a week since Leighton kidnapped me and took me to Surigao, Del Norte. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang dalhin niya ako sa lugar na yun para maisagawa niya ang kanyang plano na pabagsakin at sirain ang Hellion family.
Pero hindi siya nagtagumpay sa mga plano niya. Oo, nagawa niyang ipagkalat sa publiko yung tinatagong sekreto ng mga Hellion tungkol sa polyamorous relationship nila.
Pero dahil sa yaman at impluwensya nila Tito Liam maski ang mga ama nilang sila papa Lorcan ay nagawan nila ng paraan para matigil na ang pagkalat nung sekreto nila sa social media.
Napilitan din silang maglabas nang pahayag na walang katotohanan yung kumakalat tungkol sa pamilya nila para hindi tuluyang masira ang kanilang pamilya. Nung isang araw lang kasi ay pinagpiyestahan sila Tito Liam ng mga media reporters para ma-inteview sila kaya naman no choice sila Tito kundi magsalita para tigilan na sila.
Kaya matapos ang ilang araw ay hindi na muling pinag-uusapan ang pamilyang Hellion. Natigil na ang pagsi-tsismis sa kanila nung mga tao na walang ibang ginawa kundi makisali sa issue na hindi naman nila talaga alam ang buong kwento.
Nakatanggap pa tuloy ng pangba-bash sila Tita Harmony maski si Mamita Ael at sinabihan pa daw silang hindi marunong makuntento sa lalaki kaya naiinis talaga ako sa mga taong mahilig manira at makisawsaw.
Buti na lang talaga ayos na ang lahat, ang iniisip na lamang namin ngayon ay ang kalagayan ni Leighton. To be honest ay pupuntahan namin siya ngayon sa mental hospital kung saan siya naka-admit. Gusto lang namin siyang dalawin at gusto din naming malaman kung nagkakaroon na ba siya ng improvement.
"Naka-ready ka na ba, sexy love? Nakahanda na rin yung kotse sa ibaba," narinig kong salita ni Lyrius.
At dahil nasa harapan ako ng malaking salamin at kasalukuyang nagsusuklay ng buhok ay kinailangan ko pa siyang lingunin. Nakita ko naman na nakahanda na rin siya at ganun din sila Lucius, gusto rin kasi nilang sumama sa pagdalaw sa pinsan nila.
"Yup, ready na ako." nakangiti kong sagot sa kanya.
May kaonti pa rin silang galit kay Leighton dahil sa muntikan na akong mapatay nung pinsan nila, pero dahil pamilya ang turing ng Quadruplets kay Leighton at tinuring din nila siyang kaibigan ay unti-unti na rin nilang napapatawad ang pinsan nila.
Maliban nga lang kay Lician na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang ulo kay Leighton. He was still mad at him. Hindi pa madali kay Lician na mapatawad si Leighton at napag-alamanan ko noon na si Lician lang ang hindi kasundo ni Leighton sa apat na magkakambal kaya ganito na lang din kainit ang ulo ni Lician sa pinsan niya.
Pero kasama namin siya sa pagdalaw ngayon kay Leighton, syempre kahit papaano ay may pagka-malambot pa din naman ang puso niya kaya gusto niyang kamustahin ang pinsan niya at gusto rin niyang gumaling na si Leighton.
"Let's go, kanina pa naghihintay sila Mom sa atin sa baba." wika ni Lucien sa amin.
Nasa labas na siya ng kwarto at hinihintay na lang niya kaming matapos. Agad ko namang binitbit ang sling bag ko nang makuntento na ako sa sarili kong ayos bago ako lumabas para naman may kasama si Lucien. Nang makita naman ako ni Lucien ay mabilis niya akong hinapit sa beywang palapit sa kanyang katawan.
"You ready? Don't worry, he can't hurt you anymore." sambit ni Lucien kaya ngumiti lang ako.
"Alam ko naman na hindi na niya ako masasaktan. I also know that you will not let him hurt me again," sagot ko kaya napangiti siya bago niya halikan ang noo ko.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Fiction générale[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...