KABANATA 66

32.6K 986 209
                                    

This chapter is dedicated to: julisquirrel9

KABANATA 66:

MARY'S POV

Sobrang laki nang pasasalamat ko na ligtas na ako mula sa kapahamakan. Dumating ang Hellion Quadruplets para sa akin at para hindi ako tuluyang mapatay ni Leighton. Sa katunayan nga niyan, naaawa ako sa pinsan nila Lucius. Hindi naman kasi siya magkakaganun kung hindi dahil sa magulang niya.

Hindi siya binibigyan ng atensyon nung ina niya, puro lang pera ang nasa isip nito habang ang ama naman niya ay binubugbog pa siya. Lumaki at nagkamuang siya sa mundong ito na hindi man lang nararanasan ang pagmamahal ng magulang niya.

At sa totoo lang ay naiinis ako sa magulang niya. Bakit ang selfish nila? Bakit hindi nila naisip ang mararamdaman ng anak nila? Bakit hindi nila pagtuonan ng pansin si Leighton? Naiinis ako dahil minsan ko na ring naramdaman at naranasan ang tulad ng sitwasyon ni Leighton.

Parehas naming naranasan na mag-celebrate ng birthday na kaming mag-isa lang. Ni hindi man lang naramdaman ni Leighton ang pagmamahal ng isang magulang at dahil dun kaya siya nakakagawa ng hindi maganda.

Sa katunayan nga niyan, lahat ng mga sinabi niya nung nasa cabin kami ay hindi ko halos makalimutan. Mag-isa lang akong nagse-celebrate tuwing sumasapit ang birthday ko. While my Dad was with Amara to celebrate her birthday and sadly, I even saw the picture of Amara on her 14th birthday with my father.

Kasama niyang mag-celebrate ng birthday ang kakambal ko kaysa sa akin na anak niya. Ang masaklap pa, yun rin yung araw na iniwan niya ako sa poder ni Mommy Beatrice.

Pero pagod na ako. Pagod na akong palaging galit at malungkot. Oo, masakit sa akin na iniwan ako ni Dad dahil mas pinagtuonan niya ng pansin ang kakambal kong si Amara. Wala siya tuwing birthday ko, wala siya kapag kailangan ko siya. Pero wala namang mapapala kung magagalit ako diba? Tapos na, nangyari na at ako lang din ang mapapagod at masasaktan kapag inungkat ko pa ang tungkol sa bagay na yun.

Mas lalo lang magkakagulo kung magagalit ako. Wala na rin akong time para magalit kay Dad dahil sa pag-iwan niya sa akin noong katorse anyos ako. Sapat na sa akin ngayon na kasama ko siya at ikakasal pa siya kay Tito Shawn na mahal niya.

"Umiiyak ka na naman," rinig kong salita ng isang baritonong boses.

Mabilis akong napatingin sa nagsalita, si Lucius at nakikita ko sa kanya ang pag-aalala sa akin. Narito din yung tatlo na nakatingin sa akin at bakas rin sa mga mukha nila ang labis na pag-aalala. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko man lang namamalayan na kasama ko nga pala ang Hellion Quadruplets ngayon.

Nakauwi na kami at dito nila ako dinala sa Mansyon nila matapos ang nangyari at pagliligtas nila sa akin sa Surigao. Nasa kwarto ako nung apat na magkakambal at pansamantala muna ako dito sa poder nila hangga't hindi pa naaayos ang mga problema.

Masyado ring pagod ang katawan at isipan ko sa mga nangyari kaya hindi ko na ring nagawang makausap sila Dad at sila Tita Harmony nung makarating kami dito kanina. Hinayaan naman nila akong mapag-isa para makapag-pahinga naman ako pero ayaw naman akong iwanan nila Lucius.

"O-okay lang ako," nasabi ko bago ko pinunasan ang luha ko na hindi ko napansin na tumulo na naman.

Hindi ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ito. Gusto kong magpahinga at matulog, pero hindi ko magawa dahil lumilipad ang isip ko papunta kay Leighton. I feel sorry for him to be honest. Sobra talaga akong naaawa sa kanya lalo na yung sa sinapit niya.

Pagtapos niya kasing mahuli ay mabilis siyang sinurrender nung mga sundalo sa mga pulisya para madala sa Maynila at para dito siya ikulong. Nirequest din kasi nila Tito Liam na dito na lang sa Maynila makulong ang pamangkin nila pero hindi ako pumayag na ipakulong si Leighton.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon