WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!
• • •
This chapter is dedicated to: Ellehsir21
KABANATA 21:
MARY'S POV
Kinabukasan ay nagising ako na wala nang Lician Hellion sa aking tabi. Tanging sarili ko lang ang natagpuan kong nakahiga sa kama ngunit naririto pa rin ang pabango ni Lician. Mukhang naiwan ang amoy niya sa kama ko dahil naaamoy ko pa rin iyon. Marahil ay umalis na siya bago pa sumikat ang araw at para hindi rin siya makita nila Dad. Masarap din siguro ang tulog ko kaya hindi na niya ako ginising para magpaalam. Nang tignan ko naman ang orasan na nakasabit sa dingding ay pasado alas otso na nang umaga.
Mataas na rin ang tirik ng araw sa labas ng bintana kaya bumangon na ako. Napansin kong suot ko pa rin ang night dress ko pero ramdam kong wala akong undergarments na suot. Malaya kasing nakakapasok sa loob ng damit ko ang malamig na aircon. Inayos ko lang ang magulo kong kama bago ko pulutin ang underwear kong pinunit ni Lician kagabi. Tinapon ko lang iyon sa trash can dahil hindi ko naman na iyon masusuot pa.
Bago ako dumiretso sa banyo para maligo ay may nahagip ang dalawa kong mata sa side table ko. Mayroong nakapatong roon na rosas. Hindi ito tulad ng ibang rosas na kulay white o red kundi kulay pink iyon. Agad ko namang nilapitan iyon para tignan ng maayos. Nakita ko pang merong nakalakip na nakatuping papel sa side table na katabi lang ng rosas. Pansin kong may nakasulat sa papel kaya kinuha ko iyon para basahin.
'Good morning, my beautiful sunshine. I'm sorry if I left without saying goodbye, I have to leave before the sunrise. Baka makita pa ako ng Daddy mo at nang mapapangasawa niya. I just want to say thank you for what happened last night, thanks for listening too. Sana hindi magbago yung pakikitungo mo sa amin ngayong alam mo na ang sekreto namin. Gustuhin ko man na huwag na lang sumama sa family outing namin, but I can't. See you soon after four days. Take care, mi reina. I will miss you,'
Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang nakasulat sa papel. Shit na malagkit! Bakit ako kinikilig? Kailan pa ako natutong kiligin? Hindi ko rin ine-expect na maganda pala ang handwritten niya. Sa bansang dulo ng papel ay meron pang nakasulat na pangalan niya. Kinuha ko naman yung rosas at inamoy ito. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero mabango ito. Wala rin akong hilig sa mga bulaklak, pero kung galing naman kay Lician, edi why not?
Yung sulat naman ay tinago ko lang sa loob ng wallet ko. Gusto kong magkaroon ng souvenir na galing sa Hellion Quadruplets. Nilapag ko lang sa side table yung rosas bago ako lumapit sa closet para kumuha ng damit. Maliligo muna ako bago ako bumaba para kumain ng almusal. Kagabi ay naikuwento na rin sa akin ni Lician ang mga sekreto nila lalo na ang pinaka-tinatago at iniingatan nilang sekreto. Napag-alamanan ko ang tungkol sa angkan nila lalo na yung pagkakaroon nila ng asawa na hihigit pa sa isa o dalawa.
Polyamorous relationship exists in their family. At iyon ang top secrets ng angkan nila. Nung una ay nagulat pa ako at medyo naguluhan pero pinaintindi sa akin ni Lician ang tungkol roon. Sa pamilya nila ay pwedeng magkaroon ng dalawa o tatlong asawa. Katulad na lamang daw nung grandparents nila. May lolo daw silang triplets at pare-parehas daw ang mga ito na nagkagusto sa lola nila. Naging asawa nung tatlo nilang lolo yung lola nila at meron silang lugar kung saan sila pwedeng magpakasal.
Tinatawag itong Stelliferous, pagmamay-ari daw iyon ng pamilya nila Lician at doon ginaganap ang kasal ng angkan nila. Meron naman daw sa pamilya nila ang ilang beses nagpapakasal sa iba't-ibang bansa. Sa tingin ko walang problema sa kanila iyon dahil mayaman sila at wala silang pakialam kung mapagastos man sila ng malaking halaga.

BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Fiction générale[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...