This chapter is dedicated to: Czhyh_Dvnn05
KABANATA 63:
MARY'S POV
Paano ba ako makakatakas dito gayung parehas na nakagapos ang kamay at paa ko dito sa upuan na gawa sa kahoy? Wala na rin si Leighton dito, bigla na lang siyang umalis sa harapan ko at iniwan ako dito sa kwarto. I'm glad na hindi niya pinatay yung ilaw sa kisame kagabi kaya nakikita ko ang paligid ko.
Sinubukan ko ring magpalinga-linga, nagbabaka-sakali akong may makita akong pwedeng magamit para matanggal ko ang lubid na nasa kamay at paa ko. Pero wala akong kahit na anong nakita.
Wala man lang masyadong kagamit-gamit sa kwartong ito. Wala rin akong nakitang babasagin na pwede kong gamitin para ipang-tastas dito sa bwisit na lubid.
Muli kong tinignan yung suot kong kwintas, patuloy pa din ito sa pagbi-blink nang kulay pula. Buti na lang talaga hindi ito napansin o nakita nung hayop na Leighton na yun na may suot akong kwintas kung saan mayroon din itong tracking device.
Mabuti na lang din ay wala nang panyong nakatakip sa bibig ko kaya nagsisigaw ako kanina nang saklolo baka sakaling may makarinig sa akin sa labas pero walang nangyari. Wala man lang dumating para i-rescue ako.
"Please, please. Tulungan niyo po ako," mahina kong pagmamakaawa at hinihiling na sana may makarinig man lang sa panalangin ko.
Sana mahanap ako nila Lucius. Kung totoo man na merong tracking device itong binigay niyang kwintas sa akin, sana ipa-trace na nila ang location ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon lalo pa't may kasama akong baliw dito.
Hindi ko rin naman alam kung anong oras na ba dahil walang kahit na anong orasan ang nakasabit sa kwartong ito, basta nakikita ko na lang sa labas ng bintana na umaga na at medyo mataas na rin ang tirik ng araw.
Hindi rin ako natulog, natatakot kasi ako na baka may gawing masama si Leighton sa akin habang tulog ako kaya mas mabuting makasigurado ako. Sobra na ring nangangalay ang pang-upo ko maski ang buo kong katawan.
Ilang oras ba naman akong nakagapos at nakaupo dito sa silyang gawa pa sa kahoy kaya paniguradong mananakit at mangangalay ang aking katawan.
"Lucius.." iyon na lang ang tanging naibulalas ng aking bibig habang lumuluha, ang banggitin ang pangalan ni Lucius kahit na hindi niya ako naririnig.
Dapat lang akong magtiwala sa Quadruplets, naniniwala ako na pinapahanap na nila ako ngayon. O baka nga sila pa mismo ang naghahanap sa akin ngayon. Alam na kaya nila Dad yung nangyari sa akin?
Nahinto ako sa pag-iyak nang marinig kong may kumakalas sa bakal sa labas ng pinto. Sa tingin ko ay kinadena ni Leighton ang pintuan para hindi ako makalabas o makalaya. Jusko! Paano naman ako makakatakas dito samantalang nakagapos na ako dito?
Naiiyak na nga rin ako sa pananakit ng buo kong katawan, pati pwetan ko ay namamanhid na dahil sa haba ng oras kong nakaupo dito sa matigas na silya.
Maya-maya lang ay tuluyang bumukas ang pintuan at niluwa nun si Leighton na may dala-dalang pagkain. Napansin ko pa sa labas na parang may sala pero hindi lang ako sure sa nakikita ko. Magulo ang kanyang buhok na animo'y hindi man lang siya nagsuklay.
"Kumain ka na muna, alam kong nagugutom ka na." sabi niya nang makalapit siya sa akin.
Hindi naman nakaligtas sa akin nang isuksok niya sa kanyang bulsa yung mga susi. Hindi ko alam kung para saan ang ibang susi pero nakakasiguro ako na isa sa mga yun ang susi para makalabas ako sa lugar na 'to.

BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...