This chapter is dedicated to: asahinayusuke91
KABANATA 31:
THIRD PERSON'S POV
Lician couldn't help but think of that girl whose name was Mar or whoever she is. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang babae mula nang iwanan niya itong walang imik kanina sa trunk compartment. Malakas talaga ang kutob niya na may tinatago sa kanila ang pamangkin ng Tito Shawn nila.
At sobrang lakas din ng kutob niya kung sino ba talaga ang dalaga na iyon pero ayaw naman niyang pangunahan dahil lamang sa hinala niya. Pero masisisi ba niya ang kanyang sarili kung malakas ang pakiramdam niya na si Mary ang babaeng iyon?
'Damn it!' malutong niyang mura sa kanyang isipan.
Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang kutob. Sa sobrang baliw niya kay Mary ay kabisado na niya agad ang amoy nito lalo pa't isang beses na niya itong nakatabi sa pagtulog sa kama. Hinding-hindi niya makakalimutan ang amoy nito, lalo na ang dalawang mata nung dalaga.
Maybe he was really madly, deeply in love with Mary. Baliw na nga yata talaga siya sa dalaga dahil habang natutulog si Mary nung gabing nakitulog siya sa kwarto nito ay kinalkal niya muna ang mga gamit ng dalaga bago siya umalis.
Naghahanap lang naman siya ng papel at ballpen nun para mag-iwan siya ng sulat kay Mary hanggang sa naisipan na rin niyang galawin ang mga gamit nito. Maybe he was really weird and crazy dahil nagawa niyang mangialam sa gamit ni Mary lalo na ang mga ID nito at ang ginagamit nitong perfume.
Halos mamatay pa nga siya sa pagpipigil ng tawa nang makita niya ang school ID ni Mary kung saan nakangiti at naka-peace sign ang dalaga sa one by one nitong picture kaya naman kinuhanan niya ito ng litrato para meron siyang kopya.
Pati nga ang cellphone ng dalaga ay kinalikot rin niya para ma-check kung sino-sino ang mga nasa phone book nito at kung sino rin ang mga nagme-message kay Mary. Shinare-it pa niya ang mga picture ni Mary sa gallery nito para meron din siya sa kanyang cellphone.
At ngayong malakas ang kutob niya kay Mar ay hindi tuloy siya mapakali at matahimik. He wanted to know something about her. Hindi talaga siya matatahimik once na hindi niya inalam kung ano ang tinatago ng babae sa kanila. Napapansin din kasi niya na masyado itong umiiwas sa kanilang Quadruplets.
Nagsimula rin siyang kutuban at maghinala nang makita niya ang cellphone ni Mar habang nakaidlip ito kanina sa sasakyan. Ang phone case nito ay kagaya ng kay Mary kaya naglakas-loob siyang tanungin ito kanina pero bigo siya dahil hindi ito umamin.
Kaya naman hindi siya nag-atubiling kumilos para alamin ang katotohanan. Habang abala ang mga kasama niya sa sala ay palihim siyang umakyat sa taas para pasukin ang kwarto nung pamangkin ng Tito Shawn niya.
Alam din ni Lician na may chance na may makahuli sa kanya lalo na si Mar at paniguradong malalagot siya sa magulang niya kapag nalaman ng mga ito na basta na lang siyang pumasok sa kwarto ng babae. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang gawin ito bago pa siya patayin dahil sa matinding kuryosidad.
Siniguro muna ni Lician na wala si Mar sa loob ng kwarto nito. Napansin niya kasing nasa kusina ang dalaga at tumutulong ito sa Mommy Harmony niya para ilagay sa refrigerator at cabinet yung mga prutas at ang mga groceries kaya hindi siya kinakabahan sa gagawin niyang ito.
Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi nakalock ang doorknob ng kwarto ng dalaga kaya mabilis siyang pumasok sa loob bago niya ito sinara at nilock. Sa sobrang desidido siya sa gagawin niya ay talagang sinundan niya pa si Mar kanina habang pumipili ito ng kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/285859700-288-k46504.jpg)
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...