WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!
• • •
This chapter is dedicated to: Magix_Gorgeous
KABANATA 27:
MARY'S POV
Nagsipasukan naman kaming lahat sa loob ng bahay nila Tita Harmony. Bumungad agad sa akin ang isang napakalawak na sala kung saan sa kisame ay merong nakasabit na napakalaki, kumikintab at halatang mamahalin na chandelier! Woah! Sobrang ganda naman ng mala-mansyon na bahay nila Tita Harmony. Feeling ko ay nakapasok ako sa loob ng isang palasyo. Meron pa silang mahabang sofa, malaking flat screen TV at mga picture frames na nakasabit sa bawat dingding.
Puro pictures iyon nila Tita Harmony at ibang mga tao na hindi ko naman kilala. Kasama rin ang Hellion Quadruplets sa mga litrato na yun at meron pa akong nakitang mga baby pictures nila. Unang kita ko pa nga lang ay malalaman ko agad na sila iyon. Ang ibang mga gamit naman ay mahahalatang antique na lalo na yung mga vase na maliliit at may malalaki ngunit mahahalatang mahal pa rin ang halaga ng mga ito.
"Oh, buti nandito na kayo." salita nung babaeng pababa sa hagdanan at mababakasan na siya nang katandaan pero shit lang! Bakit ganito pa rin siya kaganda? Sino kaya siya? Nasa likuran naman niya yung tatlong lalaking matanda na magkakamukha pero lalo lang akong napa-wow sa isipan ko nang makita kong mga gwapo pa rin sila kahit matatanda na sila. Nakangiti pa sila nang lumapit sila sa amin.
"Opo, mama. Sinundo ko pa kasi itong sila Shawn. S'ya nga po pala, ito yung anak ni Nolan. Kilala niyo na po siya diba?" ani Tita Harmony at sumenyas pa sa kanila. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kilala na nila ako? Pero papaano? Ngayon ko nga lang sila nakita eh. Lumapit sa akin yung matandang babae at matamis siyang ngumiti sa akin.
"Ikaw pala si Mary na tinutukoy nitong si Harmony. I heard a lot about you, iha. Anyway ako si Aeliana, ina nila Liam at Laito pero tawagin mo na lang akong Mamita Ael, mas lalo lang kasi akong nagmumukhang matanda kapag may tumatawag sa akin na lola," natatawa niyang saad kaya nakitawa na lang din ako. Wala talagang halong biro, ang ganda pa rin niya kahit na matanda na siya. Ganun din yung tatlong lalaki. Siguro ay mas maganda at mga gwapo sila nung kabataan pa nila.
"Magandang gabi po, Mamita Ael." magalang kong bati sa kanya kaya naman mas lalo siyang napangiti sa akin.
"I like her," aniya habang tumatango ang ulo niya at tumingin kina Tita Harmony.
"Pero alam niyo naman po yung tungkol sa Quadruplets diba?" salita ni Tito Liam.
"Don't worry, hindi ko naman nakakalimutan yung tungkol doon. By the way, ito pala ang mga asawa ko. Si Lorcan, Lucian at si Lycus." sambit ni Mamita Ael at isa-isa pa niyang tinuro kung sino sa kanila si Lorcan, Lucian o Lycus para hindi ako malito.
"Just call us, papa. Ayoko rin kasing tinatawag akong lolo." sabi nung isang asawa ni Mamita Ael na may dimples sa magkabila niyang pisngi.
Sa pagkakatanda ko ay siya si Lycus. Well, mas mabuti na rin kung tatawagin ko na lang silang papa. Hindi kasi sa kanila bagay kung tatawagin ko silang mga lolo. Pero mga asawa? Saglit akong natigilan roon. Tatlo pala ang asawa ni Mamita Ael? Tinignan ko yung tatlong matandang lalaki na gwapo pa rin at nginitian lang nila ako.
Akala ko ay si Tita Harmony lang yung pumasok sa polyamorous relationship, hindi ko alam na pati yung magulang nila Tito Liam ay may ganung klaseng relasyon. Naalala ko naman bigla yung sinabi sa akin ni Lician nung gabing iyon. Yung may lolo daw sila na Triplets at iisa lang daw ang asawa nung tatlo nilang lolo. Hindi kaya..
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...