WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!
• • •
KABANATA 8:
MARY'S POV
Sumapit ang linggo at ngayon araw na ito ay ang pagsama ko kina Mitsuki at Baks sa Feride para manood ng drag race. Katulad ng dating ginagawa ko, tatakas ulit ako sa Hacienda dahil alam kong hindi naman ako papayagan ng magaling kong ina na magpunta sa kung saan kahit na magpaalam pa ako sa kanya. Nakakatiyak rin ako na malilintikan na ako kay Mommy at mauubos ko na rin ang pasensya niyang natitira sa akin once na malaman niyang nagbabalak na naman akong tumakas sa Hacienda niya.
She also grounded me for two weeks dahil nga nalaman niya mula sa bwisit na Hideo na iyon ang pagtakas ko sa Hacienda para lang dumalo sa birthday party ni Baks. Nakatanggap pa nga ako ng sangkatutak na sermon nung araw na napahiya ko siya sa harapan ni Mrs. Reyes. She forces me to let Hideo courting me for pete's sake! Hindi ba niya nakikita na malaki ang galit at pagkaka-ayaw ko sa lalaking iyon? Mas lalo lang akong nagagalit sa kanya dahil sa ginagawa niya!
Hinahayaan ko na nga siya na pagsalitaan niya ako ng masasakit na salita, tapos balak pa niyang kontrolin ang gusto kong gawin sa buhay? What the hell! Kaya naman desidido na ako sa gagawin ko ngayong gabi. Kung palagi ko namang nasisira ang araw ng ina ko sa tuwing nakikita niya ako at nagdudulot lang din naman ako ng sakit sa ulo niya, 'e bakit hindi ko na sagarin para mas lalo lang siyang mainis at magalit sa akin?
Sabagay, malaki naman ang pagkakainis niya sa akin at binubunton rin niya sa akin ang galit niya dahil sa na-fixed marriage siya kay Dad at nabuntisan pa siya ng ama ko na ako ang naging bunga. Until now, I still don’t understand why my mother is mad at me? Kay Daddy siya galit pero bakit sa akin niya binubunton lahat ng mga nangyaring hinanakit sa buhay niya?
Bakit ako ang sinisisi niya kung bakit ikinasal at nagpabuntis siya sa ama ko? Sila ang may kasalanan nun at hindi ako! Sisisihin nila ang magulang nila dahil ang mga ito ang nag-arrange marriage sa kanila noon. Sa akin siya nagagalit dahil hinayaan niya ang ama ko na buntisin siya nito para sa kagustuhan at kasiyahan ng kanilang mga magulang.
Alam ko na hiniling ng mga grandparents ko na buntisin ni Dad ang ina ko kaya naman ako ang naging bunga nila. Sila ang may kasalanan kung bakit sila mahina at hindi nila pinaglaban ang kagustuhan at karapatan nila. It's their fault not mine!
I check myself in front of the mirror, okay na itong suot ko at hindi naman masama. Nabanggit kasi nila Baks sa akin na puro anak mayayaman ang mga nanonood sa Feride. Pare-parehas daw ang mga itong nagsusuot ng mga mamahalin at eleganteng damit lalo na daw ang mga babaeng nagpapa-bonggahan at pa-seksihan ng damit.
Nabanggit din ni Baks na bukod sa mga walang ticket ay hindi daw papasukin sa loob ng Feride ang mga babaeng nakasuot ng pang-manang na damit. So I have no choice but to wear this kind of dress. An estee long sleeve mesh party black dress. I also wore black high heels and put light make-up on my face, habang hinayaan ko namang nakalugay ang mahaba at mala-tsokolateng brown kong buhok. Nang makuntento na ako sa suot at ayos ko ay saka ko binitbit ang itim kong purse na naglalaman ng cellphone at wallet bago ako lumabas sa aking kwarto.
Hindi ko naman kailangang dumaan pa sa secret passage dahil gusto kong ipakita sa mga katulong kung paano ako tumakas ngayong gabi. Wala rin naman si Mommy dito sa Hacienda at yung asawa niyang hapon dahil umalis ang mga ito kaninang ala-sais. Hindi ko rin alam kung saang lupalop naroon ngayon ang mga half siblings ko. Wala naman akong pakialam kung nasaan sila at mas lalong wala rin akong pakialam kung anong pinaggagawa nila ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/285859700-288-k46504.jpg)
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...