This chapter is dedicated to: nalynquiban
KABANATA 54:
MARY'S POV
Tanghali na nang magising ang natutulog kong diwa. Pagdilat ko palang ng dalawa kong mata ay nakita ko na tanging si Lyrius na lang ang nasa tabi ko. Mahimbing pa rin siyang natutulog at nakayapos pa ang malaki niyang braso sa aking beywang. Hindi ko naman nakita dito sa kwartong ito sila Lucius. Nasaan kaya yung tatlo?
Bumaling ang tingin ko sa labas ng bintana, katulad kagabi ay umuulan pa rin ng malakas hanggang sa ngayon. Sa tingin ko ay hindi man lang tumila ang ulan kaninang madaling araw, umuulan pa rin kasi at mukhang malakas nga yata talaga ang bagyong dumating dito sa bansa namin.
Paniguradong matataas na ang tubig ngayon sa mga river dam at binabaha na rin ngayon sa iba't-ibang lugar ng bansa namin lalo na sa mga mababang mga lugar. Sighed.
Binalik ko ang tingin ko kay Lyrius na mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang din napansin na wala akong kahit na anong suot na saplot at tanging makapal lang na kumot ang nagtatakip sa hubad kong katawan. Naalala ko rin ang nangyari kagabi, isinuko ko na sa kanila ang pinagkaka-ingatan kong bataan at si Lucius ang kauna-unahang nakakuha sa pagka-birhen ko.
Subalit wala man lang akong nararamdaman na bahid na pagsisisi sa ginawa namin kagabi. Hindi ako nagsisisi na ibinigay ko kay Lucius ang pagka-birhen ko, bagkus ay nakadama pa ako nang kasiyahan dahil sa kanya ko isinuko ang aking bataan.
Uminit bigla ang magkabila kong pisngi nang maalala ko kung gaano kahayok ang Hellion Quadruplets sa pagpapaligaya sa akin kagabi. Halos sabay-sabay nilang binaliw ang katawan ko, hindi sila nagpapahuli at mas lalong hindi naman sila nagpapalamangan, bagkus ay magkakasabay pa nila akong pinaligaya sa kama.
Kulang na nga lang ay mawala na ako sa sarili kong ulirat kagabi dahil sa sobrang galing nilang paligayahin ang taksil kong katawan. Alam na alam talaga nila kung paano nila ako mapapasuko sa kanila. Haplos pa nga lang nila ay nagsisimula nang bumigay at mag-init ang katawan ko.
Napailing-iling ako at winaksi ko na lang sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Maingat ko munang tinanggal ang braso ni Lyrius na nasa beywang ko para makabangon ako na hindi ko siya nagigising. Mahirap na kung maistorbo ko ang masarap at mahimbing niyang tulog.
Tagumpay ko naman itong natanggal kaya dahan-dahan na akong bumangon sa kama. Napaigik pa ako nang biglang kumirot ang nasa pagitan ng hita ko. Kumikirot ito at sobrang sakit tulad nung naranasan kong sakit kagabi nung angkinin ako ni Lucius.
Napansin ko pa sa puting bedsheet ang bahid na mantsa nung dugo, at nakakasiguro ako na galing sa akin ang dugo na iyon. Isang palantadaan na isinuko ko na ang pinakama-mahal kong bataan. Kahit kumikirot ang kaselan ko ay pinilit ko pa ring makatayo. Nagtungo naman ako sa walking closet na paika-ika ang lakad.
Nung sumama ako kina Lucien ay wala akong kahit na anong nadalang mga damit. Kaya naman pinapahiram na lang ako nila Lucius nung mga damit nila, bibilihan na lang daw nila ako ng mga damit ko once na tumila na ang ulan. Mahirap din naman kasing bumihiyahe lalo na kapag basa ang kalsada.
Sinuot ko ang boxer shorts ni Lician na kulay itim at t-shirt naman ni Lucien na umaabot pa hanggang sa tuhod ko ang haba. Ang mga damit nila ay nagmumukhang dress ko na, matangkad at malaking tao ang Quadruplets kaya hindi na kataka-taka kung bakit malalaki din ang mga damit nila.
Pagkatapos kong magbihis ay saka naman ako pumasok sa banyo para maghilamos ng mukha at magsipilyo. Hindi naman maarte at madamot sila Lucius, dahil kahit pati toothbrush nila ay pinapahiram nila sa akin. Sinuklay ko lang din ang magulo kong buhok bago ako lumabas ng kwarto para hanapin yung tatlo.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Ficção Geral[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...