This chapter is dedicated to: Aleckxxaa
KABANATA 41:
MARY'S POV
It's been three days mula nang malaman ko na hindi ko tunay na ina si Mommy Beatrice. Tatlong araw na din ang nakakalipas nang ibunyag sa akin ni Dad ang totoo pati na rin ang huli kong pagpunta sa puntod ni Mommy Eleanor na s'yang totoo kong ina ngunit maaga naman siyang nawala sa mundong ito.
Nalungkot ako sa mga nalaman ko lalo na sa sinapit ng Mommy Eleanor ko pero nandiyan naman sila Dad para damayan ako lalo na ang Hellion Quadruplets. Laging nasa tabi ko yung apat at hindi nila ako iniiwan. Nagsimula na rin silang umakyat ng ligaw sa akin. Talagang nagpupunta pa sila sa bahay para ligawan ako.
Minsan ay dinadalahan pa nila ako ng flowers na mismong si Lician ang bumibili, si Lucien naman ay pinagbe-bake pa ako ng cookies dahil nalaman nilang hindi ako mahilig sa mga chocolates. To be honest, they never failed to make me smile. Lalo na si Lyrius na palaging nagjo-joke at binubwisit ang mga kakambal niya.
Umandar rin ang pagiging prankster niya at madalas yung tatlo niyang mga kakambal ang nabibiktima niya. Kahit na malungkot ako sa mga nangyayari sa buhay ko lalo na nung nalaman ko kung sino ang tunay kong ina, nandiyan naman ang Quadruplets para pasayahin ako. Hindi nila hinahayaan na mapag-isa ako.
"Kaya mo na ba ang sarili mo, anak? Sigurado ka ba na hindi ka sa amin sasama?" rinig kong tanong sa akin ni Dad habang prente akong nakaupo dito sa edge ng kama nilang dalawa ni Tito Shawn.
Abala sila sa pag-iimpake ng mga dadalhin nilang mga gamit. Ngayon kasi ang flight nila papuntang Netherlands para maasikaso na nila doon ang mga kailangang asikasuhin para sa kasal nilang dalawa. Gusto pa sana nila akong isama sa ibang bansa pero tumanggi ako.
Sasamahan naman sila nila Tita Harmony doon para tulungan silang tapusin yung paghahanda para sa kasal nila. Ni hindi pa nga daw sila nakakahanap ng venue kung saan pwedeng ganapin ang wedding ceremony. Next month na rin ang kasal nilang dalawa at sobrang saya ko para sa kanila.
Ngumiti naman ako kay Dad, "Hindi na po, Dad. Kaya ko naman po ang sarili ko dito sa bahay. At saka kasama ko naman ang mga katulong kaya hindi ako nag-iisa dito," sagot ko sa kanya.
Sinuklian din ako ni Dad ng matamis na ngiti at ganun lang din ang ginawa ni Tito Shawn, "Okay, hindi ka na namin mapipilit ni Tito Shawn mo. Tawagan mo kami agad kapag nagka-problema ka dito okay?" ani Dad kaya tinanguan ko lang siya.
"Well, susunduin ka na lang mamaya dito ng Administrative Assistant namin para dalhin ka niya sa Hotspring Grind Caffeine at ituturo na lang niya kung ano ang gagawin mo roon," sambit naman ni Tito Shawn.
Isa iyon sa dahilan kung bakit mas pinili kong huwag na lang sumama kina Daddy sa bansang Netherlands. Dalawang linggo na lang kasi ang natitira at magbabalik eskwela na naman kami. Gusto ko kasing makaipon muna ng pera kaya binalak kong maghanap ng temporary job.
Buti na lang nandiyan si Tito Shawn na tinulungan talaga akong makahanap ng trabaho. He suggested that I just work at his coffee shop na ang pangalan ay Hotspring Grind Caffeine para hindi na ako mapalayo pa.
Sa katunayan na niyan ay silang dalawa ni Daddy ang may-ari nung coffee shop na iyon at nagtulungan silang dalawa na maipatayo iyon para makadagdag sa pagkakakitaan nila lalo na ngayon ay malaki-laki ang magagastos nilang dalawa ni Dad sa pagpapakasal nila.
Kaya naman may dalawang linggo pa ako para magtrabaho sa coffee shop nila at tulad nga ng sabi ni Tito Shawn, susunduin na lang ako nung Administrative Assistant nila para dalhin ako roon at ituro ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...
![HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/285859700-64-k46504.jpg)