Chapter 16

134 8 2
                                    

Weeks had passed since mula nang maganap ang pangyayaring iyon. Naging maganda ang pakikitungo at relasyon ng bawat isa kay Magi.

Sa mga araw din na iyon ay lihim na nahuhulog na rin sina Alex at Magi sa isa't isa.

Nakaupo si Alex sa hammock sa gilid ng kanilang pool habang pinagmamasdan ang tatlong babae sakanyang buhay na masayang lumilikha ng mga paso at iba pang pwedeng gawin sa clay na hawak hawak nila.

Tama, tatlo dahil tanga na siya kung hindi niya aamining may gusto na siya kay Magi. Ngunit tila natotorpe siyang umamin dahil natatakot siyang hindi sila pareho ng nararamdaman.

Muli ay nanumbalik nanaman sakanya ang nangyari nung nakaraang linggo.

"What are you doing here?!" Asik nito kay Selene na nakangiti at nakalingkis pa sakanyang braso.

"I came back because that's what you want right? Didn't you told me and even begged at me para lang di ako umalis —yet you left me and chose your career and even cheated on me with your co-model!" Putol ni Alex sa kung ano pa mang sasabihin ng babaeng nasa harap nito.

"Look babe, pinagsisihan ko ang mga iyon. You see, I want us back, I wanna work things out." Pagmamakaawa ng babae kay Alex.

"Sana naisip mo yan noon bago mo ginawang ipagpalit ako at iwan para lang sa kasikatang bumulag sa'yo." Nagtatagis bagang ani Alex.

"I'll prove to you Alex. I'm serious about this one. Swear to all, mapapasaakin ka ulit." Yun na lamang ang huling narinig ng binata sa dalaga bago tuluyang bumalik ang binata kung nasaan ang kanyang pamilya kasama ang babaeng unti-unting nagbibigay liwanag ulit sa buhay niya.

Bumuntong hininga na lamang si Alex.

Tinignan niya ulit ang kinaroroonan ng tatlo at napangiti siya nang makitang kumportableng- kumportable si Magi sakanyang Ina at Lola.

Grabe, sa ikli palang ng pagsasama namin ni Magi, hindi ko akalaing ganun kabilis din akong mahuhulog sakanya. Maybe this is how cupid do their job right?

Natawa na lamang si Alex sa kaniyang iniisip.

Ilang oras pang iginugol nilang tatlo ang paghuhilma nang clay at nang matapos ay napagpasyahan nilang itigil na dahil nadin sa pagod ng dalawang kasama ni Magi.

Nang makapag-ayos na sila ay nagpahinga na sila sa loob ng mansyon at masayang nagkukwentuhan habang nagmemeryenda.

"Having fun huh?"

Napalingon ang tatlong babae sa nagsabi non.

Nakatayo ang matandang Vargaz sa gitna samantala namang nasa gilid nito pareho ang mag-amang Alex at Alejandro.

Nagkanya-kanyang upo ang mga lalaki sa tabi ng kanilang mga asawa samantalang nakangiti namang tumabi din si Alex kay Magi.

Umupo ang binata sabay ipinulupot ang isang kamay nito sa baywang ng dalaga na siyang ikinasanay na nilang gawain dahil sa pagkakaalam ng dalaga'y nagpapanggap padin silang dalawa.

"Are you tired?" Malambing na tanong ni Alex.

"Hindi naman, nakakatuwa ngang makipagbonding kina Tita." Nakangiting sagot naman ni Magi.

Ilang oras pang nagkwentuhan ang mga ito bago mapagpasyahang ihatid na si Magi pauwi dahil magdidilim na.

"Pwede mong i-adjust muna ang upuan para makahiga ka at makatulog kahit saglit lang." Sabi ni Alex habang nagmamaneho.

"Hindi na, ok na ko. Saka ni hindi nga ako makaramdam ng pagod sa sobrang saya kanina." Nakangiting wika ng dalaga.

"Ang saya ng buo ang pamilya diba?" Biglang tanong ni Magi.

Ngayon lang pumasok sa isip ng binata na hindi pa pala nito nakikilala ang mga magulang ni Magi. Tanging ang lola lamang niya ang nakikilala lamang nito.

Malapit na din sakanya ang lola ni Magi. Tanging ang Lola lamang ni Magi ang nakakaalam ng tunay na nararamdaman ni Alex para sa apo nito.

"Nga pala, nabanggit mo na din lang. Nasaan pala ang mama at papa mo?" Kyuryosong tanong ng binata. Ni minsan kasi ay di pa nakukwento ng dalaga o nang lola man nito ang mga magulang ni Magi.

"Walong taon pa lamang ako nang magkaaberya ang sinasakyang eroplano ng mama at papa. Papunta sana silang Dubai pareho dahil sa conference na kailangan nilang daluhan nang mangyari ang trahedya. Katulad noon ni Tito Alejandro, dati ring businessman ang papa at mama, ngunit hindi kasing laki ng kumpanya niyo. Namg mamatay sila papa, nakandabaon ng utamg ang negosyong pinaunlad nila hanggang sa ma-bankrupt. Walang nagawa ang lola ko kaya ibininenta na lamang ito sa kapatid ng papa ko na siyang may-ari nito ngayon. Ibinenta ng lola ang mga ari-ariang ipinundar nila papa, pati narin ang bahay na mamanahin ko din sana'y nawala dahil hindi ako kayang buhayin noon ni lola. Ayaw din akong tulungan ng kapatid ni papa dahil sobra na daw ang ginawa nilang pagbili ng negosyonat pagbayad sa mga utang namin." Hindi na namamalayan ni Magi na lumuluha na siya. Itnigil ni Alex sa gilid ng daan ang sasakyan at niyakap nito ang dalaga.

"Shhh.. it's alright, wag ka nang umiyak nandito lang ako." Pang-aalo niya sa dalaga. "Stop crying love please? Hindi matutuwa sina tito at tita sa iyo niyan." Pagpapatahan nito sa dalaga.

Halos limang minuto siyang nakayakap sa dalagang umiyak habang binubulong nito na tumahan na.

Naramdaman nalang ng binata ang bigat ng dalaga at napansin nakatulog na ito.

Napangiti ang binata at inayos ang dalaga. Ibinaba muna nito ang backrest ng inuupan nito saka dahan-dahang ihiniga ang dalaga.

Hinalikan muna niya ito sa noo saka nag-umpisang magmaneho ulit.

Habang nagmamaneho ay hindi niya maalis sa isipan niya ang lungkot sa dalaga habang kinukwento ang kanyang mga magulang.

Tito, Tita, kung nasaan man po kayo ngayon. Pinapangako ko, hinding hindi ko po sasaktan ai Magnolia. Iingatan at aalagaan ko po siya para sa inyo. Pangako ni Alex sa kanyang isip habang nagmamaneho.

Ilang saglit pa lamang nakarating na sila sa tinutuluyan nila Magi. Hindi na niya inabalang gisingin ang dalaga. Binuhat na lamang niya ito papasok sa bahay.

"Oh. Andyan ka na pala Magnoli —aba eh anong nangyari sa kaibigan ko?" Litong saad ni Tasya nang makitang buhat-buhat ni Alex si Magi.

"Nakatulog siya kaninang pauwi. Pagod siguro sa ginawa nila kanina."

Tumango na lamang ang dalaga at iniakyat na ang tulog na dalaga sa kwarto niya. Alam na ni Alex ang pasikot sikot dito dahil minsan ay nakakapasok na rin ito sa kwarto ng dalaga tuwing susunduin nitong minsan ay tulog pa.

Nang naihiga at maayos na niya sa higaan si Magnolia. Tignan muna niya ito saka hinalikan sa noo.

"Sleeptight my love."

................

Hanggang dito na muna. Piga na utak ko jusmeee

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon