Chapter 17

138 7 0
                                    

Nagising si Magi sa kalampag ng kanyang kama. Hindi na siya magtataka kung sino ang may gawa.

"Hoy prinsesa gumising ka na oo at nang matupad mo na ang matagal mong pangakong magmall tayo ha!"

Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kaibigang daig pa ang limang megaphone sa ingay?!

"Aba hoy? Anong oras na gusto mo bang mahila pa kita ha?" Walang tigil na pagpupuputak ni Tasya hanggat di makakatayo mula sa higaan ang kaibigan.

Nang hindi nakatiis si Magi ay hinablot nito ang unan sa tabi saka ibinato kay Tasya. "Aray ko po naman! Jusme kang babae ka ikaw na nga tong ginigising ikaw pa itong may ganang mambato!"

"Eto na nga oh babangon na. Lumabas ka na nga muna!" Pagtataboy ni Magi kay Tasya. "Pakidalian at nang makakai—Oo nga sandali nga dibaaa?" Putol ni Magi sa kung ano pa mang sasabihin nito saka siya bumangon at ginawa ang kanyang morning routine.

— Time Skip —

Shala may pa time skip na ngayong nalalaman ang author! Chrz wala talaga akong maisip na ilagay:)

Nang makapaggayak na ang dalawa ay lumabas na sila at pumara ng taxi na siyang sasakyan nila papuntang mall.

Habang nasa sasakyan ay binuksan muna ni Magnolia ang kanyang phone upang magscroll muna sana sakanyang social media nanh tumambad sakanya ang message galing kay Alex.

Napangiti na lamang ito saka niya binuksan.

Alex,

Goodmorning! I hope nakatulog ka ng maayos. Don't forget to eat your breakfast! Enjoy your day!:))
6:47am

Alex,

If you need something just call me ok?
7:14am

Alex,

I'm with my friends, Tasya told me you two will go to the mall. Ingat kayo:))
8:06am

Hindi na nagbalak magreply si Magi dahil ayaw niyang istorbuhin muna sa Alex dahil kasama niya mga barkada niya.

Ilang saglit pa ay nakarating na sila. Nang makapasok ay nagyaya agad ang kaibigan na pumasok sa isang shop ng mga damit upang mamili ng bago nitong suot pang-opisina.

Kung saan saang mga shop na ang pinasukan ng dalawa hanggang sa matunton nila ang watson na siyang kinahihiligan ni Tasya.

Dali-dali nitong hinila si Magi na kanina pa pagod papasok ng watson upang bumili ng skin care products para sakanya at para na rin kay Magi.

Nang mapagod ang kasama ay nagyaya itong magmeryenda sa paborito nitong wingzone.

"Buti naman at napagod ka din."

"Jusme anong akala mo sakin robot? Hoy napapagod din ako, sadyang naexcite lang ako kanina lalo pa at ngayon lang ulit tayo nakapagbonding ulit."

"Ikain mo nalang yan wag ka nang magdrama." Ani Magi na mas lalo pang ikinasimangot ni Tasya.

"Totoo naman eh! Nang dahil sa pagpapanggap niyo ni hindi na tayo nagkakaroon ng bestie time." Paawa kunwari ni Tasya sa kaibigan.

Tinawanan nalang ito ni Magi at nagsimulang kumain nalang.

Samantalang sa kabila nama'y tahimik lang si Alex habang iniisip kung ano nang ginagawa ni Magi. Kanina pa ito tulala na siyang kanina pang pinapansin ng kanyang mga kaibigan.

Kung hindi pa binatukan ni Jhandy ito ay malamang hindi ito matatauhan. "Ano ba?! Nananahimik na nga tapos babatukan pa" asik nito sa mga kaibigan.

"Dude hindi ka naman ganyan dati ah. Ikaw nga ang pinakaactive samin dati, tignan mo ngayon, kami na nagba-vlog para sayo. Anyare bud?" Mala-dramang wika ni Marcus.

"Naku malamang dahil yan kay Magi. Wag na kayong magtanong."singit naman ni Drake na siyang nag-eedit sa vlog ni Alex.

Walang hindi nakakaalam sa relasyon nila ni Magi. Maliban nalang sa parteng peke ito. Gayunpaman, pumaplano na si Alex ng paraan para maamin na ang nararamdaman sa dalaga at maligawan na ito ng pormal.

"Drake" tawag ni Alex dito.

Tinignan muna ito ni Drake saka sumagot. "Why? There's something wrong bud? Magsabi ka lang kasi, masyado kang tahimik."

"I wanna surprise Magi tomorrow. Are you up for it?"

"Dudes! Dito! May pa-surprise si lover boy kay Magi." Mala-chismosang sigaw ni Drake upang makuha ang atensyon ng mga kaibigan niya. At di nga siya nagkakamali.

"Ok, let's start." Simulang ani Alex.

Nang makauwi galing mall sina Magi at Tasya'y napagpasyahan muna nilang magpahinga at matulog dahil sa pagod kakalakad.

Akmang matutulog na sana si Magi nang biglang may unknown number na nagmessage sakanya.

+639**********

Brace yourself:))
4:39pm

Takang binasa niya ito. Pinagsasasabi nito? Baka na-wrong send siguro. Anang kanyang isip at natulog na lamang.

*time skip*

Nang magising si Magi mula sa kanyang pagpapahinga. Dumiretso siya sa kanyang banyo upang mag-ayos nang makatulong na din siya sa pagluluto ng kanilang hapunan.

Matapos gawin ni Magi ang ritwal sa kanyang katawan(night routine) ay bumaba na ito nang nadatnan si Tasya nagsasalin na ng ulam sa mangkok.

"Oh, gising ka na. Heto ilagay mo nalang sa mesa. Pakihanda narin ang iba pang kulang at nang makakain na tayo." Tanging tango lamang ang sagot ni Magi at sinunod ang utos ng kaibigan.

Habang kumakain ay wala ni isang nagsalita sakanila na siyang nakakapanibago sa dalaga. Hindi kasi kumpleto ang agahan, tanghalian, at hapunan sa kanilang bahay nang tahimik lang.

Matapos nilang kumain, nagboluntaryo na si Magi na siyang magligpit at mag-urong ng pinagkainan dahil sa Tasya naman ang nagluto.

Habang naghuhugas ng plato'y napangiti na lamang siya nang maalala ang mga pinaggagagawa nila ni Alex nitong mga nakaraang araw.

Hindi aakalain ng dalaga na mas lalong nahuhulog na ito sa binata na siya ding ikinapangamba niya na baka sa huli'y masaktan lamang ito lalo na at hindi niya alam kung ano man ang nararamdaman din para sa kanya ng binata. Idagdag pa dito ang pagbabalik ng dati nitong kasintahan.

......................

Sorry guys eto muna. Medyo tight talaga ang sched ko at sinisingit ko nalang ang pagsusulat ng story. Ayoko naman din kasing tumigil muna ulit dahil nangako na akong mag-a-update na ako every week kaya ayun. Pagpasenyahan niyo muna ang napiga ng author niyo sa utak niya. Babawi ako sa ibang chapterrr.

Nga pala I created my twitter account as Pixiemeadxws please do follow me. Dun ako maglalagi for updates and announcements.

Twitter acc: @pixiemeadxws

Happy reading and stay safe everyone!!

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon