Chapter 35

37 2 1
                                    

3 days later.....

Aligaga ang mga tao sa bahay ng mga Vargaz maging ang mag-asawa at si Fely na nandoon din upang tumulong sa paghahanda dahil ngayon ang labas nila Magi at Von sa ospital. Ang ibang mga kasambay ay naglilinis sa buong kabahayan habang ang tatlo kasama ng iba pang mga kasambahay ay nagluluto.

Napagpasyahan nila na dito tumira sila Magi noong nasa ospital pa lamang sila na agad namang sinang-ayunan ni Felicity at Alex. Maliban sa dahilang para magkasama ang mag-ama, ay aalis din si Louisianna upang asikasuhin ang kanilang mga negosyo sa ibang bansa. Ayaw naman nitong iwan ang anak sa mansion ng mag-isa kaya Mabuti na lamang at nagkakamabutihan nang muli ang kanilang mga anak.

"May mga allergy ba si Magi sa pagkain, balae?" Yes, balae. Mula noong araw na iyon ay natuto ding maging advance ang mga magulang nila Magi at Alex. "Wala naman balae. Saka paborito ni Von ang mga inihanda natin kaya alam kong magugustuhan iyon ng mag-ina." sagot nito. "How about Alex, may allergy ba siya sa ibang mga pagkain?'

"Wala, balae. Ayaw nga lang niya sa broccoli at cauliflower."

Nagpatuloy pa ang dalawa sa pag-uusap habang si Alexander naman ay abala sa pag-iihaw sa may bukan ng pintuan nila sa kusina, nakikinig na lamang sa dalawang babaeng nasa loob na nag-uusap tungkol sa mga hilig ng kanilang mga anak.

They cooked Magi, Von, and Alex's favorites. The two also baked a cake and other desserts for them. They talk a lot of things including their plans for the three, also they enjoyed everyone's company.

Phone ringing...

"Oh! Balae, wait lang let me answer this call. It's my secretary calling." ani Fely saka nagpaalam muling lumabas papunta sa gazebo malapit sa pool.

Saktong pagkalabas ni Felicity ay siya ding pagkarinig ng mag-asawang Vargaz sa isang boses na hindi nila inaasahang ngayong pa nila maririnig.

"Hi, Tita! Tito!" Selene just barged inside their house holding a paperbag with a food brand in it. Bigla nalang umasim ang muka ng babaeng Vargaz nang lumapit pa ito sa kanya saka ito bineso. "I brought some food to all of us." anito saka basta nalang inilingkis nito ang kamay sa ginang na halata namang hindi nagustuhan ng mag-asawa.

This trying hard biatch! ani Louisianna sa isip.

Nakita niyang inilibot ni Selene ang kaniyang paningin sa mga nakahanda. "Is there an occasion, Tita? Why maraming foods here? Malayo pa naman po ang birthday niyong tatlo and-- oh wait is this for me?"

Assumera. Louisianna said in her mind.

"Well Tita you know naman po na hindi ako kumakain ng seafoods, right?" dagdag pa nito.

"Well it's not for you, Ms. Tuazon. It's for Alex." formal na ani Alexander. Alam niyang ayaw kausapin ng asawa nito ang babae kaya kahit labag din sa kaniyang kalooban ay siya na ang sumagot.

"Why so formal, Tito? You can call me by my name naman and I'll help nalang because you said that it's for Alex." ani ng babae saka nagsimula nang humawak ng kung ano-ano, kahit wala naman talaga siyang alam sa simpleng gawaing bahay.

Basic household chores hindi mo nga magawa. Pati ang pagsabi ng po at opo hirap ka pa. Magi is a lot better than this trying hard biatch. Pagkaka-usap ulit ni Louisianna sa kaniyang isipan saka muling tinignan ang kaniyang asawa na tila nagpapatulong para paalisin ang babaeng kanina pa utos ng utos sa mga kasambahay na tila animong siya ang may-ari nito.

Nang makita nitong hindi siya nakatingin sa kaniya ay siya na mismo ang gumawa.

"Ms. Tuazon, please you are not helping here. At least just stop helping dahil we all know that you can even sweep and dust your house. And if you want to stay here, just sit on the dining area. Please." Asar niyang sabi dito. Sinabi na din niya ang mga iyon dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae at kahit ano ang gawin niya ay hindi niya basta bastang mapapa-alis ito hangga't hindi niya nakikita ang kaniyang anak.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon