Chapter 37

26 1 0
                                    

A week later...

It was perfect for Alex. Everything to him was perfect. Being with his son and having his love of his life by his side. Ang makasal at maging legal nalang sa papel ang kulang para masabing opisyal na silang dalawa.

"Dada, can I eat nalang po 'yan? You're just staring naman at Mommy ko kaya aking nalang po." ani Von na siyang nakapagpabalik sa kaniya sa realidad. Nakita niyang namumula si Magi dahil sa sinabi ng kanilang anak. Natatawa niyang ibinigay sa anak ang kaniyang pizza. "Here, kiddo. You can have it just don't say that I'm looking at her because she's blushing na." Nakita niyang sumama ang tingin ni magi sa kaniya at akmang babatuhin siya ng throw pillow nang biglang hinablot iyon ng anak nila.

"Don't hit Dada, Mommy. He didn't do anything wrong naman po, saka is it bad that he stare at you Mommy?"

Nginitian nalang ni Magi ang anak saka bumaling kay Alex na ngayon ay ngingisi-ngisi na sa kaniya.

Bahala nga kayong mag-ama. Ani Magi sa isip. Mula kasi noong magsama-sama sila ay hindi mawawala ang asaran nilang tatlo lalo na ang kampihan ng kaniyang mag-ama.

Tumayo nalang si Magi saka aalis na sana nang biglang magsalita si Alex. "Where are you going, Love?"

Magi blushed at the endearment pero hindi niya pinahalata at nagkunwaring naaasar siya sa kaniyang mag-ama. "Tutulong nalang ako kila Manang gumawa ng meryenda." Anito saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.

Narinig niyang may mga sinasabi ang kaniyang mag-ama pero hindi niya ito maintindihan.

Naabutan niyang naglalabas palang ng gagawing meryenda ang kasambahay. "Manang, tulungan ko nalang po kayo dito." aniya at akmang maghuhugas na ng kamay nang biglang tumutol ang kasambahay. "Naku, 'wag na po Ma'am, kami nalang po." ani ng kasambahay pero nginitian nalang niya ito. "Ok lang po Manang, saka magaan lang naman po ito." balik niyang sagot sa kasambahay saka tumulong sa paggawa ng meryenda. Wala nang nagawa ang kasambahay kaya hinayaan nalang niya ito.

Hindi pa siya nangangalahati sa kaniyang ginagawa ay bigla nalang may yumapos sa kaniya mula sa kaniyang likuran. Agad niyang nalaman na si Alex iyon dahil sa kaniyang pabango.

"Bakit ka nandito? Saka si Von?" tanong nito habang naglalagay ng sandwich spread.

Alex buried his head on Magi's neck. "His Grandlola took him. Dumating na kasi sila Mom galling pala sila sa mall. BInilhan nanaman nila ng mga laruan si Von."

Bumuntong hininga nalang si Magi. Ito ang kaganapan dito sa mga nakalipas na araw. Kung hindi laruan at damit ang ibibili ay mga libro at pagkain para kay Von. Nakikita niyang mahal talaga nila ang kanilang apo.

"Care to share what's on your mind, Love?" ani Alex.

Ngumiti naman si Magi sa itinawag sa kaniya ni Alex. Kung hindi Love ay Baby o kaya Babe.

"Hindi kaya sobra-sobra na ang mga binibili nila para kay Von? Ayokong lumaking spoiled ang anak natin, Alex." ani nito habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.

"Pagsasabihan ko sila mamaya." sagot nito saka muling ibinalik ang ulo nito sa pagkakasiksik sa leeg ni Magi.

"Ano ba, Alex! Kita mong may ginagawa ako dito eh."

Alex tightened his hug. "I just want to feel you near me, Love." anito saka hinalik-halikan ang leeg nito. "Ilang taon kitang hindi kasama."

Magi felt butterflies in her stomach. Hindi niya alam na ganito pala ka-clingy ang isang Alex Vargaz.

Hinayaan nalang niyang ganun si Alex hanggang sa matapos siya sa Gawain ay nakasunod lang o kaya nakayakap lang sa kaniya. Hindi nila napansin na nanonood na pala sa kanila ang mga katulong na kilig na kilig naman sa kanila.

"Get a room you two!"

Nakita ni Magi na nakatayo na pala ang mag-asawang Vargaz na nakangiti habang buhat-buhat si Von sa bungad ng kusina. Agad niyang siniko si Alex ngunit ang loko ay tila walang pakialam.

"What is Dada doing po to Mommy?" inosenteng tanong ni Von sa kaniyang Lolo't Lola.

Alexandro laughed. "Maybe your Dada misses your Mommy, that's why."

Bumaba si Von mula sa pagkakabuhat sa kaniya ng kaniyang Lolo at tumakbo papunta kina Alex saka hinila ang dulo ng damit ni Alex na tila gusting magpakarga.

Napatawa nalang si Alex sa inasta ng kaniyang anak saka binuhat ito habang ang isang kamay naman nito'y hinapit ang bewang ni Magi na ngayon ay nakatingin nalang sa kaniyang mag-ama.

"Mamaya na ang titigan, gutom na ang apo namin kaya kami bumaba dito." ani Louisianna.

Tumulong naman na sa pagkuha ng mga hinanda si Magi saka sumunod sa mag-asawang vargaz at sa kaniyang mag-ama papunta sa likod bahay kung saan nandoon ang pool at ang kanilang lanai.

"Mommy, can I have carbonara po?" Von said while having a bite in his sandwich. Agad namang kumuha ng plato si Magi para bigyan ang anak.

"Can I have one too, Mommy?" ani naman sa kaniya ni Alex ginagaya ang pananalita ng bata.

Louisianna scoffed. "Go get your own carbonara." ani nito na siya ikinabusangot ni Alex. "Ang laki-laki mo na nagpapaabot ka pa. Kita mong si Magi na nga naghanda ng mga pagkain."

Natawa nalang si Magi dahil hindi na maipinta ang mukha ni Alex habang kumukuha ng carbonara. May ibinubulong-bulong pa ito pero hindi nila maintindihan kung ano.

"How was your company pala, Hija?" ani Alexandro. "Felicity said it so successful right now. We're so proud of you." ani nito na ipinagpasalamat naman ni Magi.

Marami pa silang napagkwentuhan tungkol sa negosyo na siyang hinantungan ng pag-uusap hanggang sa pagbubuklod ng kanilang kompanya.

"Isn't it too early to merge companies, Dad?" sabat naman ni Alex. "I'm still pursuing Magi and Von." ani nito na siyang ikinakilig ni Magi.

"Dada,"

Napabaling silang lahat kay Von na ngayon ay bumababa na sa kaniyang kinauuupuan. Inalalayan naman ito ni Alex. "What is it, kiddo?" tanong nito sa bata.

"Can I get some of my toys po upstairs?"

"Sure, kiddo. Do you want me to come with you?"

"No na po. Just be with Mommy and Grandlolo and Grandlola nalang po." anito saka tumakbo papasok ng bahay.

Napailing nalang si Alex saka naman nito naalala ang sinabi sa kaniya ni Magi.

Bumaling ito sa kaniyang mga magulang. "Ma, Pa, maybe you should not spend a lot for Von. Baka lumaking spoiled yung bata."

Tumawa naman si Louisianna sa sinabi ng kaniyang anak. "You're growing na anak. I'm so proud." anito saka kunwaring nagpunas ng luha. "Duly noted, son." segunda naman ng kaniyang ama.



Lingid sa kaalaman ng apat na nag-uusap sa lanai, ay may isang babaeng nasa bungad na ng kanilang bahay. Pumasok ito at napangisi at nasaktuhang nakitang mag-isa ang bata papaakyat.

Mabilis niyang nilapitan ang bata saka animong parang anghel na nagpakilala.

"Hello! Remember me?" tanong nito. Tumango naman ang bata. "You're the woman po na nakasabay namin ng lunch 'di ba po?"

Nakangising tumango ang dalaga. "You want to come with me? I bought you toys!" kunwaring masayang ani nito. "Let me tell to my Mom--"

"No need na. Sinabi ko na sa Mommy mo and she already said yes so let's go?" anito. Wala nang nagawa ang bata dahil binuhat na nito ito palabas.

"M-ma'am! Saan niyo po dadalhin ang alaga namin?" anang katulong na nakakita sa kaniya. Dali-dali siyang lumabas saka ipinasok ang bata sa kaniyang sasakyan. Mabilis na din itong lumipat sa kabila para makaalis na sila.

"M-Ma'am! M-Ma'am saan niyo po dadalhin ang bata. M-Ma'am!"

'Too late' nakangising ani Selene sa kaniyang isipan habang papalayo na sila. Nagsuot ito ng mask saka walang paa-paalam na inisprayan ng kung anong pampatulog sa aircon na nakatapat sa bata.

Let's play...






Sorry for the late ud. Nabusy kasi ako kasi ongoing ang aming prelims/pre-test. Hope you like it! Don't forget to Vote and comment your thoughts.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon