Chapter 34

33 2 0
                                    

Nakaupo si Magi sa higaan ng kanyang anak habang pinapanood itong matulog nang biglang bumukas ang pinto. Agad naman siyang umayos ng upo at sinimulan nang kabahan nang makitang si Alex ang pumasok.

Mukhang pareho na kaming alam ang mga nagyayari. Ani Magi sa kanyang isip.

Parehong kinakabahan ang dalawa sa kung ano ang mga sasabihin nila sa isa't isa. Hinintay muna ni Magi na makalapit si Alex sa kamang kanyang kinauupuan.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Alex saka tinignan ang kabuuan nito. "May masakit pa ba?"

"M-medyo masakit pa ang likod ko pero baka bukas okay na 'to." kinakabahan niyang sagot.

Nang manaig ang katahimikan sa kanila ay kinuha na din ni Magi ang tyansang ito upang magpasalamat.

"Uh, thank you for taking care of us. Mama and Tita Fely already told me everything." anito saka tumingin sa kaniyang anak. "Thank you also for giving blood to Von." saka bumalik ang tingin nitong muli sa lalaki. "Alam kong alam mo na, na anak mo, natin si Von. Hindi ko naman ipagkakait sa'yo ang bata. Gusto ko lang na mahalin mo siya. Matagal na niyang gustong makita ang kanyang ama simula noong nakamulat siya." hindi alam ni Magi kung bakit naiiyak siya. "Sa tuwing may makikita siyang sumusundong ama sa kaniyang mga kaklase niya sa day care, alam ko kahit hindi niya sabihin ay gusto na niyang makita ang tatay niya."

"Sa tuwing may family day, o kaya ay simpleng pamamasyal namin sa park ay alam kong naiinggit na din siya sa mga nakikita noiyang buong pamilya. Hindi ko nga lang alam kung paano ko maipapakilala sa kaniya ang Daddy niya dahil maging mismo ako na kaniyang ina ay hindi alam kung sino."

"Alam kong may fiancé ka na, ayos lang sa akin. Pero please, hayaan mong makilala at makasama ka ni Von."

Hindi alam ni Magi na umiiyak na pala siya hanggang sa maramdaman niya ang kamay ni Alex na pinupunasan ang kaniyang pisngi.

"Hindi mo na kailangang magmakaawa sa akin, Magi. I will give all my love and attention to our son." Tugon ni Alex sa kaniyang mga sinabi. "And what are you talking about, fiancé? I waited for you for how many years just to pursue you again, and now you think I have a fiancé?"

Nagtatakang tinignan ni Magi si Alex. "Wait, waiting for me?" tanong niya na ikinatango naman ni Alex. "What about Selene? The last time I checked you're grandfather said it. I was even there!"

"And that's freaking four years ago, Magi! Pagka-alis na pagka-alis mo ay nilinaw ko, even my parents to my Lolo na walang kahit na anong pwedeng mamagitan sa aming dalawa ni Selene dahil una palang, tapos na kami." lumapit si Alex ng tuluyan at umupo sa tabi niya. "I even confessed to you that day, Love." malambing niyang ani kay Magi.

"Gusto kitang ipaglaban noong araw na iyon pero umalis ka." Alex smiled bitterly. "I want to prove myself to you that I love you and take risk that day. Wala akong kaalam-alam sa desisyong iyon ng Lolo ko. Pare-pareho lang tayong nabigla noong araw na iyon, Magi I swear. Wala din akong kaalam-alam noong mga panahon na iyon."

Magi smiled to Alex. "You know what, forget it. It much better na iwan na natin ang mga nangyari noon."

"You're right." Alex agreed. "Let's focus more on us and to our son." aniya sabay tingin sa natutulog nilang anak sa tabi nila. "He's so cute!"

"Noong una nga akala ko nung mapansin kong may resemblance kayong dalawa, akala ko wala lang, pero ngayong alam ko na hindi na ako magtataka. you have now your mini-me." ani nito nakita pa niyang ngiting tagumpay ang loko, saka naalala ang naunang sinabi ni Alex. "Wait--what?! What do you mean by us?"

Alex held Magi's hand. "I told you, I waited right? I want to be with you. And now that we have our Von, maliban sa pagmamahal ko sa'yo ay mas lalong nadagdagan ang mga dahilan para bawiin ka."

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon