Chapter 1

1.7K 27 3
                                    

Maagang nagising si Alex dahil hindi pa ito tapos sa pag-i-edit niya ng kaniyang video para sa weekly vlogs niya. Ayaw kasi nitong ma-disappoint yung mga taga suporta at taga hanga niya.

Abala siya sa pagtitipa sa kaniyang laptop habang nag-eedit ng may kumatok sa pintuan.....

"Alex, hijo, alam kong gising kana. Lumabas kana riyan. Handa na ang agahan."anang ina niya

"Yes mom, im coming." sagot naman ni Alex sa kaniyang ina

Nang makababa na siya mula sa kuwarto niya, naupo na siya sa harapan ng hapag kainan at kumain na.

Abala siya sa pagkain na nasa kaniyang kainan nang biglang nagsalita ang kaniyang ama.

"Alex, I thought your finding a woman that you'll be marrying soon?" anang ama niya

"Actually dad, hinahanap ko parin. At hinding hindi ako titigil sa paghahanap ng babaeng mapapangasawa ko kung iyon ang kapalit ng hinihingi ko." sagot niya sa kaniyang ama

"Im sorry hijo kung ginagawa namin ito. We just want the best for you. Gusto kong makilala ang mapapangasawa mo, namin rather, para kahit papaano ay makahinga kami ng maluwag ng daddy mo at masecure na may mag aalaga at magmamahal sayo." singit ng kaniyang ina sa usapan

Nginitian naman ito ni Alex saka hinawakanang kamay ng kaniyang ina. "Of  course I know that mom. Dont worry, I will not disappoint you and dad."

"I know that baby." Sabi ng kaniyang ina habang nakangiti sa kaniya.

At hanggang sa matapos na ang kanilang agahan, bumalik si Alex sa kaniyang kuwarto upang ipagpatuloy ang pag eedit sa kaniyang videos.

Tatlong oras ang kaniyang ginugol sa harap ng kaniyang laptop upang matapos ang pag eedit at ma-i-upload ito sa social media.

Pagkatapos non ay inayos na niya ang kaniyang sarili at lumabas ng kanilang bahay.

Habang minamaneho ang kaniyang kotse ay nagpa music muna ito.

Natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na ipinapark ang sasakyan sa isang mall malapit sa kanilang subdivision.

Habang papasok sa mall. Narinig na niya ang mga hiyawan at sigawan ng mga tao roon, dahil na rin sa hirap na siyang makalusot sadaraanan dahil nagkukumpulan na ang mga tao na tila ba hinaharangan siya upang magpapicture at mag payakap, inalalayan na din siya ng mga bodyguard na mula sa mall.

"Alex!!!!!"

"Yieee ang gwapo mo Lex crush!!"

"Alex papicture!"

"Alex akin ka nalang!"

Yun ang karaniwang marinig ni Alex sa mga nadaraanan niya habang namamasyal sa mall.

Pauwi na sana siya nang may madaanan siyang isang fast food kaya naman nagdrive thru nalang siya para sa kaniyang meryenda.

Nang matapos na siyang mag order, y pumunta siya sa tambayan nilang magtotropa.

Habang papasok siya, natigilan siya dahil sa kabaliwang ginagawa ng mga barkada niyang si Drake, Marcus, Jade, at Jhandy.

"Hey man! Buti naman at naalala mo pang pumunta dito sa tambayan, tagal mo na ding hindi pumupunta dito ah." ani Jade na kumakain ng barbecue at sumisimdim ng frappe.

"Kaya nga, libre ka naman jan oh, kaswesweldo mo lang kay youtube eh." Asar naman ni Drake kaniya.

"Pwede bang paupoin niyo muna ako, hindi pa ako nakakaupo eh."

At habang nagkakatuwaan silang magbabarkada, biglang tumunig yung cellphone niya.

Oh,it's a text from my mom.

From; Mommy

'Nak umuwi kana, gabi na.'

Nang mabasa niya iyon ay nagpaalam na siya sa mga barkada niya.

Nang makarating na siya sa kanilang bahay, nakisalo na siya sa mga magulang niya at nang matapos, pumunta na umakyat na siya sa kaniyag kwarto upang magbihis at natulog.

MAAGANG nagising si Magnolia dahil may klase siya ngayon, habang bumababa siya sa hagdan ay rinig na rinig na niya ang madaldal at walang preno na bibig ni Anatasia, malibansa lola niya, si Anatasia ang kasama niyang naninirahan sa tinutuluyan nilang apartment at katuwang na din niya sa pag aalaga sa kaniyang lola.

Umiling-iling nalang siya habang mahinang tumawa bago nagsalita. "Umagang-umaga Tasya parang machine gun nanaman yang walang preno mong bibig." Ani Magnolia

"Eh pano ba naman, tumawag yung boss ko, sabi niya hindi daw matutuloy yung convention sa Palawan. Excited pa naman na ako naka impake nadin ako. Hmp kainis" paliwanag ni Tasya

"Hayaan mo na postponed lang naman ehh matutuloy din yun." Sabi niya.
"Magi naman eh.. Excited pa naman akong maisuot yung binili kong two piece kahapon tsaka mai apply sa skin ko yung sunblock na inorder ko kay Aling Martha." Pabatang sagot ni Tasya kay Magi.

Natawa nalang siya sa tinutan ng kaibigan niya, hindi niya maipaliwanag ang ugali niya paminsan minsan.

Nang makapaghanda na siya sa pagpasok sa eskwelahan na pinagtatrabahuan niya ay nagpaalam na siya sa kaniyang lola.

Nang makarating na siya sa paaralan ay agad itong pumasok sa faculty room kung saan nandoon sa kaniyang desk ang kaniyang lesson plan at mga references sa kaniyang pagtuturo.

Maghapong busy si Magi dahil sa walang bakanteng oras na nakalagay sa schedule na ngayon lalo pa at on leave yung kaniyang co-teacher dahil manganganak pa ito.

Gabi na nang maka uwi si Magi sa kanilang apartment. Bagsak ang balikat niyang nagtungo sa kaniyang silid upang magpalit ng pambahay na damit.

Nang makaapag ayos na siya ng katawan, agad siyang nagtungo sa kusina upang mag hapunan.

Nang matapos ay agad niyang niligpit ang pinagkainan at agad na tumungo sa kaniyang silid upang gawin ang kaniyang lesson plan.

Abala siya sa paggawa ng kanyang lesson plan nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Bff#2 calling......

Napabuntong hininga na lamang siya at sinagot ang tawag ng kaniyang kaibigan.

"Oh Tess gabi na, napatawag ka?" Tanong niya sa kaiyang kaibigan.

"Eh may problema eh. Ikaw lang naman yung taong malalapitan ko na kailangang kailangan ang maraming racket para lang makaipon kaya ikaw na din tinawagan ko."ani Tess

"Oh siya, anong racket?" tanong niya kay Tess

"Eh tumawag sa akin si Mrs. Valdez kailangan niya ng mag tututor sa anak niya eh bakante ka naman na bukas kasi dadating na yung co-teacher mo kaya ano, game?"

"Sige, send mo sakin yung address at pupunta ako." Kalmadong tugon niya
"Talaga?? Hay salamat naku hindi ko na madidisappoint si Mrs. Valdez. Paano ba yan isesend ko yung address sayo ha? Bye bff mwapss." Pagpapaalam niya kay Magi

Napailing nalang ito sa huling sinabi ng kaniyang kaibigan bago pinatay ang tawag.

Habang abala parin sa paggawa ng mga lesson plan ay tumunog uli ang cellphone niya.

From; Bff#2

Callega Subdivision, House Number 590, 9:00 am sharp. Thanks😘

"Ano bang nakain nitong babaeng ito at gumagamit na nang emoji?" Natatawang sabi niya sa kaniyang sarili.

Ilang oras na ang lumipas bago matapos ni Magi ang kaniyang Daily Lesson Plan kaya naman agad niyang niligpit ang kaniyang mga gamit bago niya isinet ang kaniyang alam para maaga siyang gumising.

Naku naku nalalapit na ang pagkikita... Chourrrr

#Angnalalapitnapagkikita

HappyReading

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon