Chapter 36

42 3 2
                                    

The lunch went well. Kaniya-kaniya silang kain maliban kila Magi na tatlong bunganga ang sinusubuan. Well except sa mga pagkakataon na ipinipilit talaga ni Selene ang sarili niya. After din nilang kumain ay nagmamadali na ding umalis si Selene, pagdadahilan na may mga aasikasuhin daw siya, kahit na wala namang nagtatanong. (A/N: Pasensya na, pati ako ay nanggigigil na sa kaniya.)

They are all now sa kanilang gazebo, nag-uusap pero mukahng may sariling mundo sina Alex, Magi, at Von.

The two are playing with Von with his new toy lego na binili ng kaniyang Grandlolo. At the age of 3, masasabing matalino na ito dahil marunong na itong magbasa, magsulat, at bumuo ng lego blocks.

"No, Dada, let me!" angil ni Von nang makita niyang si Alex ang maglalagay ng pinakahuling piraso ng lego. Natawa nalang si Alex na inabot ang last piece sa anak saka siya na mismo ang naglagay. Abala naman ngayon si Magi sa pagkuha ng litrato ng kaniyang mag-ama.

"Yey! Mommy look oh! tapos na kami ni Daddy sa lego car. It's so cool po diba?" Von bragged the lego to her.

Pinanood lang niya ang kaniyang mag-ama na magbonding. It's like she's seeing the past and the present Alex na nagkikilitian at tinatawanan ang isa't-isa.

"Ang ganda nilang panoorin, hindi ba?" ani Louisianna kasama si Alexander at Felicity na ngayon ay nasa tabi na nilang tatlo.

Ngumiti naman si Magi saka muling tinignan ang kaniyang mag-ama na ngayon ay nag-uusap ng kung ano-ano. "Dati, hindi ko alam kung paano hahanapin ang dati ang tatay niya kasi lagi niyang hinahanap." biglang bumalik sakanya ang mga araw na laging tinatanong ni Von kung sino, nasaan, at kung bakit hindi nila kasama ang Dada niya.

"And now look at them po. Ni hindi ko na nga po makatabi noong nasa hospital kami si Alex dahil magkatabi sila laging mag-ama. Hindi kami kasya sa kama ni Von kaya sa kabila ako natutulog." napatawa sila. "Lalo na po tuwing maliligo o kakain ay nagkakasundo ang dalawa."

"Let them have their bond as Father and son too, anak." Alexander said. "Mahigit apat na taon din silang hindi nagkasama kaya ibigay mo muna sakanila ang mga araw. Para na rin makabawi si Alex sa kaniyang anak."

Felicity agreed same as Louisianna. "Ang tanging magagawa mo muna ngayon ay ang alalayan si Alex Lalo na at bago pa siya sa pagiging magulang kay Von."

Pinanood nilang muli ang mag-ama na talagang sinusulit ang pakikipagkulitan sa isa't-isa. Sa loob din ng paglalagi nila sa hospital ay ganito din ang kaniyang mga nakikita. Kwentuhan saka kulitan ng kaniyang mag-ama. (A/N: paulit-ulit na 'to, halatang wala nang masabi eh HAHAHA)

Ilang minuto pa nilang pinanood ang dalawa habang nagkukwentuhan, hanggang sa napagod na ang kaniyang anak at nakatulog na sa bisig ni Alex. Nagpaalam na ang dalawa sa kanilang mga magulang upang umakyat sa kwarto ni Von. Oo, yes, kwarto ni Von na pakana ng magbalae, para magsolo daw ang dalawa sa kwarto ni Alex. (A/N: talaga naman sana all)

Nang makapasok ay ingat na ingat na inilapag ni Alex ang tulog na Von sa kaniyang kama. Iginala naman ni Magi ang kaniyang paningin sa kabuoan ng kwarto.

Halatang bata ang may-ari dahil maraming bagong laruan at ang kama ay parang sports car. Muli naman niyang ibinalik ang paningin kay Alex na ngayon ay nakaupo sa kama habang pinapanood siyang ilibot ang paningin.

"Let's go to our room?" ani Alex. Hindi naman na nabigla si Magi dito dahil bukod sa pag-uusap nila sa mga nangyari kay Magi at Von nang nakalipas na taon ay wala na ding pinalagpas si Alex kaya sa kwarto na niya ito ngayon tutuloy.

Hinalikan muna nilang dalawa ang kanilang anak bago magtungo sa kanilang silid.

Napansin lang niya sa silid ni Alex ay natural na panlalaki, pero may mga nakikita siyang gamit pambabae na halatang bago. Alam na agad na iyong mga 'yon ay para sakanya.

"Did you like it?" Ani Alex saka lumapit sakanya at yumakap mula sa kaniyang likod. "Or may gusto kang ipabago? Just tell me, hmm?" dagdag pa nito.

Umiling nalang si Magi. "Wala na. Sobra-sobra na nga ito eh." sagot nito saka ito humilig kay alex habang nakayakap ito sa likod nito.

Hinalikan ni Alex ang buhok nito saka muling nagsalita. "Magi?"

"Hmm?"

Sa una ay nag-alinlangan pa si Alex pero humugot siya ng hininga saka itinuloy ang sasabihin. "Can we... uhm.. c-hange Von's surname to m-mine?"

Natigilan si Magi doon. Hindi niya alam kung bakit parang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang sabihin ni Alex iyon.

"Von Alexandro Nikolov  Ancheta Vargaz" Magi smiled. "Mas lalong humaba yung pangalan ng anak natin ah." anito.

Alex chuckled, "So, uhm.. pwede ba?" pag-uulit niya ng tanong. "I want everyone to know that I have Von as my son."

Hindi alam ni Magi pero naluluha nanaman siya sa mga pinagsasasabi ni Alex. Sasang-ayon na sana siya pero walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig kaya Tumango nalang ito.

Biglang humigpit naman ang yakap ni Alex sa kaniya. "I'll process that as soon as possible." saka muling humalik sa ulo ni Magi. "For now, let's just spend more time together. Ilang taon din ang nasayang natin."

Marami pa silang pinag-usapan ngunit pansin na ni Alex ang antok sa mga mata ni Magi kaya naman sila ay nagpahinga na muna.


"Ahh! I hate them!"ani Selene saka nagbababato ng mga gamit sa kaniyang condo. "I f*cking hate them!" saka hinablot ang vase sa kaniyang coffee table saka ibinato.

Hindi na din alam ng kaniyang kaibigan kung papaano nito mapapatigil. Hindi naman kasi ito dati.

Hindi na ito ang kaibigan ko. Ani Clarity sa kaniyang isip habang pinapanood ang kaniyang kaibigan na nagwawasak ng kaniyang mga gamit.

"Ok na eh! Alex is mine but that bitch came back!" galit na ani Selene saka muling naalala noong makita niya ang anak ni Alex kay magi at kung papaano alagaan ni Alex ang dalawa.

"It was supposed to be me! Ako dapat ang inaalagaan. Ako dapat ang ina ng anak niya. Ako dapat ang gusto ng mga magulang niya, ako dapat! Arghhh!" anito saka parang baliw nang sinabunutan ang buhok.

"S-Selene, you know what? Calm dow--"

"How am I supposed to calm down when that bitch and her bastard takes away Alex from me?!" ito palang ang unang beses na masigawan ni Selene si Clarity.

"You know what?" ani Clarity saka tumayo. "Ang kilala kong Selene ay hindi ganyan. Hindi ka ganyan pero mula noong sinubukan mong balikan ulit si Alex ay nagiging delusional ka na." Tinignan niya ng deretso si Selene. "Nakita mo na ngang masaya na sila ginugulo mo pa?! Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang para sa kanila?"

"But that was supposed to be me?! Can't you just support me?! Kaibigan mo 'ko Zeph! Ako dapat ang kinakampihan mo!"

"Pero hindi na maganda yang mga inaasal mo, sel! You are now being delusional jusmiyo!" kinuha na ni Clarity ang kaniyang bag at coat. "I'm out! I'm done being your friend you psychotic bitch." anito saka padabog na isinara ang pinto ng condo ni Selene.

Nanghihinang naupo si Selene sa pang-isahang sofa. "Una si Alex, ngayon naman ang kaibigan ko." ikinuyom niya ang kaniyang kamao.

"I'm not going to just sit here and just watch them to be happy."


Anong meron, Selene?

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon