Chapter 31

73 3 1
                                    

Hello! Sorry, baka nalito kayo sa ibang part sa dalawang chapter na napublish. Sinasabay ko kasing gawin yung current saka next story na ipa-publish ko. Pati ako ay nagtaka na din kung bakit biglang naging dalawa ang anak ni Magi eh iisa sa previous chaps. Na-spoil na tuloy kayo sa upcoming story:((

"Sir Alex, pinapatanong po nila Ma'am kung nakagayak na daw po kayo. Hinihintay na po nila kayo sa baba." anang kasambahay nila.

Inis na tinapos ni Alex na itali ang kanyang necktie. "What's with Dope and the last message he sent me?" He told himself while fixing his hair. Hindi na sana siya pupunta pero sa tuwing maiisip niya ang mensahe na kasama sa imbitasyon na ipinadala sakanya ay hindi niya mapigilang macurious.

Nang matapos, kinuha ni Alex ang kanyang relo at isinuot ito. Narinig niya ang isa sa mga kasambahay nito na hinihintay na daw  siya ng mga magulang nito sa baba.

"Why did they even bother to go here first when they can go to that party even without me by their side. Susunod naman ako." ani niya habang inaayos niya ang kanyang suot bago lumabas.

Pagkababa niya ay nakita nito agad ang kanyang mga magulang na nakaupo at prenteng naghihintay sa kanya.

"Nauna nalang sana kayo doon. Susunod naman ako." he coldly said to his parents.

His mother just smiled at him. "Ano ka ba 'nak. Hindi ba gusto ka lang namin makasamang pumunta sa isang pagdiriwang? Saka isa pa, ngayon na nga lng tayo nagkaroon ng oras para dumalo sa mga ganito eh."

Bumuntong hininga nalang ito saka nauna nang lumabas ng Bahay na agad namang sinundan ng mga magulang niya.

Nang makitang nakasakay na sa sariling sasakyan ang kaniyang mga magulang ay nauna na ito dahil alam naman niyang iisa lang pupuntahan ng mga ito.

Habang nasa daan ay hindi mapigilang isipin ni Alex ang napag-usapan nila kanina ni Magi. Alam din nito na kila Magi ang party dahil obvious naman sa apelido.

Matagal na din sanang nabago ang apelido niya kung 'di lang pumapel yung magaling kong Lolo at Ex.

Bumalik lang sa reyalidad si Alex nang marinig ang kanyang cellphone, senyales na merong tumatawag.

"What now, Dope?" tanong nito.

Alex just rolled his eyes when he heard his friend laughed. "Chill bro. Init ng ulo natin ngayon ah?"

"Just get straight to the point." Alex said.

"You're not coming?" Dope asked.

"I'm on my way. Why?"

"Sinisigurado ko lang na pupunta ka. Sayang naman kung hindi ka pupunta."

"Bakit ba kasi at gusto mo akong pumunta? You know I'm not fond of parties."

Dope chuckled. "Really? Let's see later if you're still not fond of party."

Alam ni Alex na paikot-ikot lang ang gagawin ni Dope sakanya kaya pinatayan nalang niya ito saka mas nagfocus sa daan.

Minutes passed and they finally reached the entrance of Magi's house. Malawak ang harapan ng bahay kaya nila siguro dito mismo sila nagdaos ng kanilang kasiyahan. Alex roamed his eyes, the party is an overall mixture of black, gold, and white. Ngunit ang kanyang ipinagtataka ay ang nasa entablado. Mayroon isang malaking parang tronong upuan at sa gilid naman nito ay isang kapareho pang trono ngunit mas maliit nga lang.

"Alex! You're finally here!" tinig ni Dope mula sa kanyang likuran. Nang nalingon niya ito, nakita niyang nasa tabi niya din si Tasya na nakangiti habang naka-angkla ang kanyang kamay kay Dope.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon