Chapter 22

114 4 0
                                    

Instead of going home, Magi went to Dope. Hindi niya gugustuhing umuwi sa kanila nang ganito ang kalagayan lalo na at nandoon ang kanyang ina. Kakatok palang sana siya ay bigla nang bumukas ang pinto. Nakita niya ang gulat sa mukha ni Dope ngunit nang makita ang hilam niyang mukha ay dali itong yumakap sa kanya.

"What happened? Why are you crying Magi?" Dope asked while hugging Magi.

Nang hindi sumagot si Magi, inalalayan niya nalang itong pumasok sa loob upang mapaupo at maalok ng tubig.

Habang sinasalin ni Dope ang tubig ay tinawagan niya si Tasya upang ipaalam na kasama niya si Magi at baka nag-aalala na ang mga ito sa kanya.

Nang makabalik sa sala ay nakita niya si maging tulala habang hindi parin natigil sa pagluha.

"Here, drink this." Aniya at inabot kay Magi ang baso. "Tell me, anong nangyari?"

Ikinuwento lahat ni Magi ang nangyari. Wala siyang nilaktawan na pangyayari.

Dope was shocked at the part when Magi told him that Alex's grandfather surprisingly announced that Selene is now Alex's fiancée.

"Kaya umalis nalang ako doon para hindi na lumala yung gulo. Ayaw ko naman umuwi sa bahay ng ganto ang itsura that's why I decided na pumunta dito. Sorry at naabala pa kita." Pagtatapos ni Magi.

"No, it's okay. It's a good thing na nandito ako para damayan ka." Nakagiting saad ni Dope.

Niyakap niya ulit si Magi. "Kung may problema ka ay huwag kang magdadalawang isip na lapitan ako. Andito lang ako lagi para sayo, ok ba 'yon?" Tumango nalang si Magi bilang sagot.

Nanatili pa siyang nakayap kay Magi nang ilang saglit ay naramdaman na nito ang bigat ni Magi. Nang tignan niya ito ay nakatulog na.

Binuhat niya ito saka pumanik sa hagdan. Pinasok niya ito sa isa sa mga guest room niya saka maingat itong ihiniga.

Nang maiayos niya ang tulog na Magi sa higaan ay hinalikan niya ito sa noo. "This will be the last time na you'll cry because of him. I'll make sure of it." anito saka lumabas sa silid upang utusqn ang mga katulong na maghanda ng pagkain dahil sigurado itong gugutumin sa Magi kapag nagising.

Makalipas ang isang oras. Habang nagbabasa ng mga papeles at iba pang dokumento si Dope sakanyang opisina sa kanyang bahay ay may kumatok sa kanyang pintuan.

"Pasok"

Hindi parin niya tinatanggal ang kanyang mata sa kanyang binabasa. "Sir, may naghahanap po sa inyo sa baba. Mommy daw ni Ms. Magi." Ani nang katulong saka lumabas na. Napatigil naman ito sa pagbasa at dali-daling lumabas mula sa silid.

Nang makababa ay nakita niya ang kanyang bisita sa nakaupo sa pang-isahang sofa. Nang magtama ang paningin nila ay dali dali itong tumayo at siya ay sinalubong.

"Ah tita, natutulog pa po si Magi." panimula nito.

"Kamusta ba siya? Ok ba siya? Ano ba ang nangyari?" nag-aalalang tanong ng ginang sakanya.

Nais man niyang hintayin si Magi na magising upang siya na mismo ang magsabi ngunit hindi niya kayang makita ang ina ni Magi na maluha-luha nang naghihintay ng kanyang sasabihin.

He then sighed and told his Tita Fely what Magi told him.

"Ang paalam sa akin ni Magi ay may aasikasuhin lang saglit, hindi niya naman nilinaw na pupunta siya sa mga Vargaz." galit na ani nito. "At sino ba iyong fiancée na tinutukoy mo? Selene?"

"Opo Tita, si Selene po."

"Did you know that because of her, Magi's not a teacher anymore? Because of that petty reason they kicked out Magi in their University and they also unlicensed my daughter?! How low could she go just to get what she want?!"

Muling nagulat si Dope sa narinig niya. "Tinanggalan ng lisensya si Magi? But she can't do that Tita."

"Her Dad spoke to the higher ups inthe institution kaya nangyari. The board can't reject his words because he is one of the Major stockholders in the University."

"But you are also one of the Major stockholders Tita."

"Before I could do something tapos na ang proseso. That's why I just got back all my shares and demolished all of the buildings I donated."

Madami pang pinag-usapan ang dalawa. Hindi nila alam ay mayroon nang nakikinig sakanila sa may hagdan.

Humugot ng lakas si Magi upang tumayo sa kanyang pagkakaupo. Sinugurado muna niyang pinalis ang mga luha niya sabay tumungo sa sofa kung saan nag-uusap ang dalawa.

"Ma, anong ginagawa niyo po dito? Paanong nalaman niyong nandito ako?"

Lumingon sakanya ang kanyang ina saka ito niyakap. "Tasya told me hija. Buti nalang at tumawag si Isagani sakanya para ipaalam na nandito ka."

Sandaling nilingon niya si Dope na ngayon ay nakatayo na sala muling bumaling sa kanyang ina.

"Dope told me what happened Magi. Don't be mad at him kasi sinabi niya sakin ha? Nag-aalala na kasi ako sayo anak." pagpapaliwanag nito kay Magi.

Nag-usap pa silang tatlo saglit nang sabihin ng isa sa mga katulong na handa na ang pagkain.

Habang nasa hapag-kainan ay hindi maiwasang tanungin ni Dope si Magi. "Magi, now that you are not a teacher anymore, anong plano mo ngayon."

Sandaling tumahimik si Magi bago sumagot. "Maghahanap na muna siguro ako ng trabaho."

"No need Magi. After niyong lumipat kasama ko sa bahay. Ay isasama kita sa ibang bansa. I will train you to manage our business. Tutal ay wala ka na sa trabaho mo at ikaw din naman ang magmamana ng mga maiiwan ko, mas mabuti nang malaman mo na kung paano mo iooperate ang negosyo." Mahabang pagpapaliwanag ni Fely.

"Hindi mo na kailangan pang maghanap ng trabaho. You'll be the next successor of your family's legacy. Maganda na ding pag-aralan mo na." Pagsang-ayon naman ni Dope.

Tanging tango lang ang naisagot ni Magi sa kanila at nagsimula na muli itong kumain.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na ang mga ito kay Dope. Inalok pa ang mga ito na ihatid na ngunit agad na umiling si Fely dahil meron daw naghihintay sa kanila sa labas.

"Thank you Dope hijo. Uuna na kami." Pagpapaalam ni Fely.

"Walang anuman po tita." Balik naman nito sakanya.

"Salamat Dope ha? Pasensya na nakaabala pa ako."

"I told you Magi hindi ka nakaabala. Mabuti nga at dito ka pumunta at hindi sa kung saan saan. Always remember andito lang ako palagi ok?"

Tumango ito saka kumaway nalang at umalis na.

Nang mapagtantong hindi ito ang direksyon pauwi ay nagtaka ito.

"Ma, hindi po ito ang daan pauwi. Mali po yata tayo ng nilikuan." sabi nito.

Her mother smiled. "No hija, uuwi na tayo sa mansyon. Naghihintay na doon si Tasya."

"Papaano po ninyo nalipat lahat? At saka bakit hindi niyo sinasabi saakin?"

"Kanina lang din kami lumipat anak. Ang mga damit at iba pang gamit mo ang kinuha namin."

Hindi na muli pang sumagot si Magi at tumingin nalang ito sa daan.

Ilang saglit pa ay pumasok sila sa isang malaking gate. Nang tumigil ang sasakyan at pagbuksan sila ay hindi niya inexpect na ganito kalaking bahay ang makikita niya.

"Welcome home, Magi."

........

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon