Chapter 18

112 6 0
                                    

Kinabukasan.

kakatapos lang magdilig ng halaman si Magi ng bigla siyang hinila ni Tasya papunta sa kanyang kwarto at pina-upo sa kanyang vanity mirror. Takang-taka siya sa ikinikilos ni Tasya na isa-isa pinaglalabas ang mga make up niya saka ilan sa mga damit na pinamili nito kahapon.

"Teka teka nga! Nahihilo na'ko sayo. Ano bang nangyayari ha? At bakit nandito yang mga yan? Hindi ba ay sa'yo yan?" hindi na mapigilang ani Magi.

"Basta ma-upo ka nalang dyan. Ako na bahala sa'yo." sagot lang ni Tasya dito.

Wala nang magawa si Magi kundi sundin nalang ang kaibigan. Pinanood na lamang nito si Tasyo na lagyan siya ng make up hanggang sa pag-aayos nito sa kanyang buhok.

"O, heto, isuot mo na dali at nanag makalabas tayo."

Tanging tango na lamang ang ginawa ni Magi saka ito isinuot ang bigay na dress sakanya.

Nang maisuot nito ay dali nitong ipinakita kay Tasya na siya namang mangha ng kaibigan nito dahil bagay na bagay sakanya ang dress.

Iniwan muna ni Tasya si Magi upang makapag-ayos na din ito.

Nang matapos ay sabay na silang bumaba. Hindi talaga malaman ni Magi kung anong nangyayari dahil wala namang sinasabi si Tasya nitong mga nakaraang araw na okasyong kanilang pupuntahan o dadaluhan.

Pagkalabas na pagkalabas nila'y sakto namang may sasakyang palapit.

"Kayo po ba si Ms. Tasya?" tanong ng driver.

"Opo, Ako nga po. Tara na dali mahuhuli na tayo Magi.

"Saan ba tayo pupunta ha? Litong-lito na'ko sa'yo." Tanong ng Magi pagkasakay na pagkasakay nila.

Hindi siya kinibo ni Tasya at abala na lamang sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

Hindi malaman ni Alex kung bakit siya kinakabahan. Naka-ilang ulit na siyang nag-ensayo para lang maging perfect ang kanyang surpresang gagawin para kay Magi sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.

"Bro, pati kami kinakabahan na sa'yo, tumigil ka nga kakabutingting ng mga gamit dyan. Baka mamaya may masira ka, masasayang effort namin." pagpapakalma ni Jade sa kaibigan.

"Oo, nga Lex, sisipot yun. Hindi pa ba nag-update sayo si Tasya kung asan na sila?" segunda naman ni Marcus habang inaayos ang camera.

Biglang inilabas ni Alex ang kanyang cellphone para magtanong kay Tasya.

Alex,

Tasya, ayos na ba?

6:57pm

Hindi pa lumalagpas ang dalawang minuto ay nag-reply na din si Tasya.

Tasya,

Papunta na kami.

6:58pm

Nakahinga naman ng ito ng maluwag saka sinabi sa mga kasama nito na maghanda na dahil paparating na ang mga ito.

Nagkanya-kanya silang punta sa kanilang mga pwesto. Si Drake sa sound system at lights, si Marcus, Jade at Jhandy naman sa mini stage para tumugtog kasama si Alex, at si Dope ay sa mga flower petals at candles.

Makalipas ang mahigit bente minuto ay narinig na nila ang sasakyang sumundo kila Tasya at Magi. Grabe ang kaba ni Alex ngunit ipinagsawalang bahala nalang niya ito Lalo na nang patayin ni Drake ang mga ilaw. Tanging liwanag lang na meron sila nagyon ang ang mga maliliit na kandilang nakalinya  sa dadaanan ni Magi.

Pagkababa na pagkababa nila Magi ay biglang may tumakip sa kanyang mga mata.

"Ano ba Tasya, anong gimik nanaman to?'

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon