Chapter 4

541 13 4
                                    

NAGHAHANDA na si Magi para sa panibagong tutorial lesson niya sa anak ni Mrs. Valdez/Tita Macey na si Dani. Habang inaayos niyang inilalagay sakaniyang backpack ang mga learning materials para sa kaniyang tuturuan ay bigla bigla nalang pumasok sa kaniyang isipan si Alex.....

Deym.. bat di kita makalimutan?? Bakit naman kasi napakagwapo mo??

Napailing nalang siya at saka iziniper na niya ang kanyang backpack at lumabas na sa kaniyang kwarto at dumeretso sa kusina para mag-umagahan.

"Oh, Magi, apo halikana't saluhan mo ako dito." Sabi ng kaniyang lola na abala sa pagbabasa ng diyaryo habang sumisimsim ng kape.

"Sige po la, magtitimpla lang ho ako ng juice."

Tumango lang ang kaniyang lola at siya naman ay nagtimpla ng juice niya.

"Apo, kumusta naman ang pag tututor mo?? Hindi ba makulit yung tinuturuan mo? Hindi ba nakakapagod?"sunod na tanong ng kaniyang lola

Napatawa nalang siya ng di pagkagaano at sinagot ang kaniyang lola "La, natural lang naman po iyon kasi bata pa po yung tinuturuan ko. Pero kaya parin yun lola." Nakangiting tugon niya sa kaniyang lola.

At siya nga ay kumain na ng kaniyang agahan at nang matapos ay nagpaalam na ito sa kaniyang lola at nag-abang na ng taxi na maghahatid sa kaniya sa subdivison upang ipagpatuloy ang kaniyang pag tututor sa anak ni Mrs. Valdez.

Nang makapara na ng taxi na sasakyan at nakasakay na, inilabas muna niya ang kaniyang cellphone at nag-online muna siya at bumisita sa kaniyang facebook upang maging update sa kung ano man ang mgabalitang nagsilitawan nagmula sa kaniyang mga kaibigan sa social media na iyon.

Lumipas ang kalahating oras ay nakarating na nga siya sa nasabing subdivision at agad na pinapasok ng guard dahil sa mayroon letter na inaprobahan ni Mrs. Valdez para makapasok siya agad sa subdivision.

Gamit ang golf cart na lagi niyang minamaneho sa tuwing siya ay nagpupunta sa bahay nila Tita Macey ay dumaan muna siya sa mini chapel ng subdivision malapit sa bahay ng kaniyang tinututor.

Nang makalabas na sa chapel ay dumeretso na siya sa bahay nila Mrs. Valdez.

Pagpasok palang niya ng bahay ay sumalubong na si Tita Macey na malawak ang kaniyang ngiting pambungad sakaniya.

"Oh iha, narito kana pala. Nice to see you again. Come, sit i'm sure maaga kang nagising. Magpahinga ka muna. Hayaan mo bababa na rin maya-maya si Dani. Naghahanda lang iyon."

Tumango ito at sinagot ang ginang. "Sige po Tita Macey, maraming salamat po."

Ngitian naman ito ni Tita Macey at saka nagpaalam sakaniya. "O, siya sige iha. Mauuna na ako. Alam mo naman na, busy woman." Sambit ng ginang bago lumabas.

"Sige mo Tita, ako na pong bahala kay Dani."

Ngumiti lang ang ginang at umalis na ito.

Makalipas ang sampung minuto na pagbabasa nito ng mga magazine ay bumaba na si Dani na may ngiting pambungad sa kaniya.

"Hi po Ate Magi!" Masiglang bati ng bata sa kaniya. Kapagkuwan ay niyakap niya at hinalikan ito.

"Hello din sayo Dani." Kapagkuwan ay napatingin ito bigla sa ayos ni Dani

Then she exclaimed. "Wow!" Pagmamanghang nakikita sa mata ni Magi.
"You look so beautiful in that dress babygirl."

"Really po Ate Magi? Do I look beautiful in this dress." Namamanghang sagot ni Dani at saka umikot ito na para bang prinsesa

Napangiti nalang si Magi sa bata at kapagkuwan ay tinawag na niya ito para makapag umpisa na sila sa kanilang tutor.

Masaya ang dalawa habang nag-aaral gamit ang mga learning references kasama na din ang mga fun games at activities na ihinanda ni Magi para sa bata.

Nang matapos na ang tutorial hours ni Magi kay Dani ay siya namang pagdating ni Tita Macey.

"Ahmm.. Tita, narito na po pala kayo. Nasa kwarto na po si Dani natutulog na po. Pagod po siguro sa mga games and activities namin kanina."

"Naku, salamat iha, nakakahiya ikaw pa talaga umasikaso sakanya"

"Wala pa iyon Tita. She's a nice kid so why not na asikasuhin ko po siya" nakangiting sagot niya

"Ikaw talaga Magi iba ka. Sige, pagabi na baka gabihin ka sa daan, mag-ingat sa pag uwi ok?? Please be careful iha"

"Thank you po. Mauuna na po ako" pagpapaalam ni Magi.

Tumango na lamang ang ginang bilang tugon nito sa pagpapaalam ni Magi.

Nang makarating na si Magi sa kanilang tinutuluyan ay agad siyang tumungo sa kwarto ng kanyang lola upang tignan kung nagpapahinga na ito. At tama nga ang kaniyang hinala, payapa nang natutulog ang kaniyang lola.

Makalipas ang halos dalawang minutong pagtitig sa kanyang lola, pumunta na ito sa kaniyang kwarto upang mag ayos ng kaniyang sarili bago matulog.

Bago ito matulog ay nag online muna siya. Hindi kasi siya makatulog kaya nilibang muna niya ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang cellphone at ito ay nag Facebook.

Makalipas ang ilang oras ay napansin na ni magi na inaantok na siya. Kaya naman inayos na niya ang kaniyang higaan.

Akmang papatayin na sana niya ang kaniyang cellphone, biglang may tumunog.

(Notification ring)

Agad naman niya itong tiningnan. Namilig ang kaniyang mga mata sa nakita. Unti unting nagising ang kanyang katawan nang makita ang pangalang Alex Vargaz na nagfriend request sa kanya.

"Omg? Is this for real?? As in?" Hindi makapaniwalang sabi ni Magi sa sarili.

"The famous heartthrob vlogger Alex Vargaz? Sent a friend request on me? Am I dreaming again? Ilusyon ko nanaman ba ito?" Sunod sunod na tanong ni Magi sa sarili.

Nang hindi pa ito tuluyang naniwala, bigla nalang niyang tinampa-tampal ang kaniyang sarili saka pinagsusuntok ang unan. Gusto niyang sumigaw sa saya kaya lang pinogilan niya ito dahil baka marinig ito ng kaniyang lola at magising, ayaw na niyang istorbuhin ito.

Hindi na maikakaila ni Magi sa sarili na unti unti na siyang nahuhulog kay Alex.

Kaya naman natulog nalamang ito para mawala muna sa isip niya ang nangyari at mawala muna pansamantala sa kaniyang sistema si Alex.......

OMG!! Mukhang nahuhulog na sila sa isat isa. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Gosh im so excited!!!! Sino kaya ang unang magtatapat? Could it be Alex or Magi?

Comment guys kung sino sa tingin niyo

HappyReading ❣️

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon