Chapter 19

163 6 4
                                    

"Magi!"

Napalingon si Magi sa sigaw ng kanyang kaibigan. Halos hindi na siya makaaninag dahil sa kanyang luha.

Tinulungan nila Drake at Jhandy makatayo si Magi. Pinatungan naman ni Marcus ng coat ang balikat ni Magi para hindi lamigin.

"Tahan na. Halika na umuwi nalang tayo." Pagpapatahan ni Tasya sa kaibigan.

"Ihahatid ko na kayo. Gabi na din baka kung mapaano kayo sa daan." alok ni Dope sa kanila.

Tanging tango nalang ang sagot ng dalawa dito.

'Kung sana tinupad ko lang ang pangako ko sa'yo noon, hindi ka sana napunta sa sitwasyong ito.' ani Dope sa kanyang isip habang pinagmamasdan si Magi na nakatulog sa shotgun seat ng kanyang sasakyan.

"Tasya right?"

"A-ah oo. Bakit?"

"Pwedeng magtanong?"

"Sure. Ano ba yun?"

"Kumusta si Magi nitong mga nakaraan taon? I mean, wala naman siyang mabibigat na pinagdaanan right?"

"Maliban sa nangyayari ngayon ay wala na." Sagot nito na medyo ipinagtataka na din.

Bakit parang detective naman to makatanong.

"That's good."

Nang malaman ni Dope na si Magi ang bagong kasintahan ni Alex ay sinubaybayan na nito ang dalaga. Minsan nang nagkalayo ang mga ito ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nito hayayaang malayo pang muli sa dalaga.

Just wait Magi. Hindi mo man ako maalala, gagawin ko lahat magawa ko lang ang pangakong minsan ko nang binigo. Hindi na kita iiwang muli.

"Look at what you did!" hindi na mapigilan ni Alex ang sigawan ang dalaga dahil sa gulong ginawa niya. "Aamin na sana ako eh-----"

"You mean aamin just for the show at nang mapaniwala mo sila tita sa 'so called relationship niyo'----"

"It is not just for the show!! Hindi mo alam ang nararamdaman ko para kay Magi! Eto na yun eh, hindi na dapat namin kailangang magpanggap. Chance ko na to eh, maitatama na sana namin 'to kung di ka lang kasi sumisingit sa eksena! Kung bakit ka pa kasi bumalik." ani Alex sabay tumakbo papalabas para hanapin si Magi. Hindi na niya nilingon ang mga magulang niyang tinatawag siya mula sa loob.

Papasok na sana siya sa kanyang kotse ng makita niya ang kanyang mga barkadang naglalakad papalapit sa kanya.

"Where's Magi?" Ito agad ang tanong nito sa kanyang mga kasama nang malapitan ito.

"Don't worry dude, ihinatid na sila ni Dope. Ayusin mo 'to Lex, 'wag mo munang puntahan. Hayaan mo munang makapag-isip kayong dalawa. Mas mabuti pang umuwi ka muna at magpahinga, kami na bahala sa loob." ani Jade na agad naman nitong sinang ayunan saka muling itinuloy ang pagsakay sa kanyang sasakyan.

Mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang isang black velvet box na naglalaman ng knot ring na para sana kay Magi.

Nang makarating sina Dope sa tinitirhan nila Magi ay nagpresenta nalang siyang ihatid na si Magi sa kanyang kwarto dahil ayaw naman niya itong gisingin at alam nitong mahimbing itong natutulog.

Nang makapasok ito sa kanyang silid ay dahan-dahang ihiniga ni Dope si Magi saka ito tinanggal ang sandals na suot. Matapos kumutan ito, paalis na sana siya nang mahagilap nito ang isang frame sa study table ng dalaga.

Napangiti na lamang siya nang makita ang kanilang litrato. Nakaakbay siya dito habang nakasimangot si Magi.

Ito yung litraro nila bago ito umalis papuntang Italya para mag-aral.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon