Chapter 14

147 10 1
                                    

Ilang oras din ang byahe nila dahil na din sa traffic. Sobrang kaba ang nararamdaman ngayon ni Magi dahil hindi niya alam kung ano o paano niya kakausapin o pakikitunguhan ang mga Grandparents ni Alex. Ni hindi din niya alam kung ano mga hilig nila at kung ano ang kanilang mga ugali.

Napatingin nalang si Magi sa hawak-hawak niyang paperbag na laman ng kanyang regalo. Isa pa ito sa kanyang mga problema dahil baka hindi magustuhan ng lola na Alex.

Nang ilang minuto pa ay namangha ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.

Isang mala-palasyong bahay at nagtataasang gate na para bang mga hari at reyna ang nakatira. Eto na siguro ang bahay ng lolo at lola ni Alex.

Bumusina muna si Alex saka sila pinagbuksan ng bantay at tuluyan na ngang sila'y nakapasok.

Nanlamig bigla ang kamay ni Magi sa kaba, hindi niya napansing kanina pa inoobserbahan ni Alex ang kilos ni Magi.

Nagulat si Magi nang may maramdamang humawak sa kanyang kamay. "Hey, calm down ok? Kung paano ang pakikitungo ng mom at dad ko sayo, mas doble pa sa lolo at lola ko." Sabay ngiting sabi ni Alex.

Nginitian na lamang ito ni Magi at nagpasyang bumaba na.

Mula dito sa harapan kitang kita ni Magi ang isang sasakyan na pamilyar sakanya dahil eto ang sasakyan ng mga magulang ni Alex.

Alam ni Magi na sila-sila lang ang bisita dahil katulad ni Alex ay nag-iisang anak din ng lolo at lola nito ang kanyang ama.

"Alex! Apo! Halikayo pasok dali! Mainit dyan sa labas!" Sigaw ng lola nito na tinatanaw ang mga ito mula sa pinto.

Hindi mo aakalaing matanda na ito dahil kung kumilos ay napakasigla ng matanda.

Isang malawak na ngiti ang bumungad sa kanilang dalawa mula sa matandang nag-aantay sa pinto.

"Happy birthday lola!" Masiglang bati ni Alex sa kanyang lola sabay yakap.

Nginitian lamang ito ng matanda saka dali-daling bumaling kay Magi.

Hinawakan ni Alex ang kamay ni Magi saka tumingin sakanya at nginitian saka tumango na tila isang hudyat upang batiin ang kanyang lola.

"Uhm... H-happy birthday po Ma'am." Kabadong ani Magi. "Nice to meet you po. Ako nga po pala si Magnolia Ancheta. Pero Magi nalang po itawag niyo sa akin." Kabado man ngunit hindi nawala kay Magi ang ngiti sa kaniyang labi.

Kinakabahan siya sa kung anong sasabihin ng matanda nang walang ano-ano'y tumili ito ng parang teenager.

"Ayieee!! Sian! Siya ba itong batang kinukwento mo sakin kanina? She's a beauty Sian bakit di mo ito sinabi sakin?" Anang matanda sa ina ni Alex.

"I told you mama. Ikaw nalang ang kumilala ng husto sa kanya." Nakangiting sagot ni Louisianna.
"Hi there Magi, buti at nakarating ka."

"Ah opo, kanina nga lang po nasabi ng anak niyo sa akin eh"

"Siya at pumasok na muna kayo at umupo habang nagluluto ang mga maids."

Nang makarating sila sa sala ay nadatnan nila ang ama at lolo ni Alex na kumportableng nakaupo habang nakatingin sakanila.

"Ah, Lo, La, I want you to formally meet my soon-to-be fiancée, Magnolia Ancheta po." Magalang na ani Alex.

Halos di na matanggal ang tingin ni Magi sa matandang lalaki na nakaupo sa single sofa na seryosong nakatingin sakanilang dalawa na Alex na nakatayo pa lamang.

Eto ang older version ng mag-ama.

Bago pa man magsalita si Magi ay biglang lumapit na ang lola ni Alex at nauna nang magpakilala habang malawak ang ngiti.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon