Chapter 38

34 2 0
                                    

"Ma'am! Sir!" Napalingon sila sa kanilang kasambahay na humahangos na tumatakbo papunta sa kung nasaan sila.

"What's the matter Lucy? Bakit ka sumisigaw?" kalmadong ani Louisianna. Nag-aalangan pang tumingin ang kanilang kasambahay sa kanila bago nagsalita.

"S-si Ma'am Selene po, p-pumunta po dito." anito na kaagad namang ikinaalarma nilang lahat.

"Bakit daw?" kalmadong sabi ni Alexandro.

"K-Kinuha po si V-Von."

Agad namang nanigas si Magi sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang pinaggagagawa ni Selene at pati ang kaniyang anak ay nadadamay.

Hindi masabi ni Magi ang gusto niyang sabihin dahil mas bumalot sa kaniya ang takot sa kung anong pwedeng mangyari sa kaniyang anak. Tinignan niya si Alex na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Pansin din ni Magi kung papaano umigting ang kaniyang panga.

Panay na rin ang iyak ni Louisianna habang yakap-yakap ang asawa.

"Damn it!" nagulat nalang sila nang biglang sabihin iyon ni Alex bago dali-daling pumasok sa kabahayan. Agad naman nila itong sinundan at pinanood na pumanhik sa taas. Nang makababa ay Nakita niyang hawak na nito ang susi ng kaniyang sasakyan, handa nang hanapin ang anak kahit walang kasiguraduhan kung nasaan man siya ngayon.

"Alex, calm down. Let's report it first." hawak ni Alexander sa kamay ni Alex ng akmang aalis na ito.

Hindi makapaniwala ang ama ni Alex ng biglang hinaklit nito ang kaniyang kamay. "How can I f*cking calm down when my son is with that psycho woman?!" Alex angrily kicked their sofa causing Louisianna to scream. "Hindi natin alam kung ano ang pwedeng gawin niya sa anak ko!"

Magi and Louisianna are now crying while Alexander and Alex are now arguing.

"Please, stop." Lousianna plead. "Hindi natin maayos 'to kung hindi kayo kakalmang pareho!"

Natauhan ang dalawa sa sinabi ni Louisianna. Inalalayang umupo ni Alexander ang kaniyang asawa habang si Alex naman ay inaalo ang kanina ang umiiyak na si Magi.

"Hush, Love. We'll find him." pang-aalo ni Alex kay Magi.

"Xander, contact Col. Magbanua. He can help us pull some strings para mapabilis ang paghahanap kay Von." ani Louisianna na ngayon ay may hawak na din na cellphone at tumawag na sa kaniyang mga kakilala.

Kung sino sino na ang mga tinatawagan ng kaniyang mga magulang para lang tumulong sa paghahanap kay Von. Narinig din niyang pinatawagan na ni Louisianna ang ina ni Magi nagbabaka sakaling may maitulong kahit ito ay nasa ibang bansa.

"Felicity also pulled some strings. Nagkalat na din ang checkpoint para kung sakaling umalis sila ay may nakaabang. Maging ang mga tauhan na naiwan ni Felicity dito sa pinas ay nagkalat na din sa mga malalapit na airport."

"A-Alex, baka kung anong gawin niya kay Von. Yung anak ko, walang kamalay-malay." ani Magi habang kandong siya ni Alex.

Niyakap naman nito ng mahigpit ang kasintahan saka hinalikan sa sentido. "Mahahanap din natin siya."



"I said stop crying you little twerp!" ani Selene sa batang kanina pa iyak ng iyak. Nakatali ngayon ang bata at walang tigil ang pag-iyak.

"P-please p-po, l-let me g-go home!" iyak ng bata ngunit hindi iyon pinakinggan ni Selene. Inirapan niya lang ito saka kumuha ng tape saka tinakpan ang bibig ng bata.

"There, there, hindi na maingay."

Muling tinignan ni Selene ang bata saka hinawakan ito sa may baba. "Listen here, kid. You are just Alex's bastard. I'm going to be Alex's wife very soon pagkatapos ko kayong i-dispose ng nanay mong ilusyonada." She smirked. "Akala niya siya na ang huli pero nagkakamali siya. Me and Alex are going to have a happy family once I get rid of you two. Pinaalis ko na nga ang nanay mo kapal pa ng mukhang bumalik."

Umalis ito sa harapan ng bata saka kinuha ang baril na nakapatong sa mesa. Nandito sila ngayon sa lumang rest house ng mga Tuazon.

Sinipat muna ni Selene ang baril saka itinutok tutok kung saan na tila ba may inaasinta. Muling nanaig ang takot ng bata nang sa kaniya itutok ang baril.

"Wag kang matakot, hindi ko pa naman ipuputok eh." Aniya saka inilapag ang baril.

"You know what?" Humakbang si Selene papalapit sa bata. "You can just talk to your Daddy to marry me and then I'll treat you as my child so that we can have a happy family, yeah?"

Mabilis naman na umiling ang bata. Nang makita ang hindi pagsang-ayon nito ay walang pasabing sinampal niya ang bata na siyang mas lalong ikinalakas ng iyak nito.

Namumula na ang pisngi ng bata na siya namang ikinatuwa ni Selene. "Tell to your Dad to marry me and let me be your mother. I'll treat you and love you as my own." Anito.

Pero kahit na anong pilit niya sa bata ay hindi parin ang sagot nito.

Please, Mommy, Dada, get me here na po. Piping dasal ng bata.

"Or maybe I'll just kill you nalang. I can give Alex a son naman." she said and laughed like a crazy psycho.

The kid just cried silently. Walang magawa para mailigtas ang kaniyang sarili. Von started praying while the psycho Selene fantasizing her and Alex getting married, having their family, and living their lives happy and contented.

"And before that, I must dispose you and your oportunista mother. Isn't that a great idea?" ani Selene.




Phone rings.....

Alex hurriedly picked up his phone nang makarinig ng tawag. When he saw who's the caller, anger begin to rise up as he answered the call.

"Where's my son?!" he shouted. Bigla namang napatayo ang kaniyang mga kasama tila alam na kung sino ang tumawag.

[Chill, Hon. I'm just having a bond with him. Don't you wanna have bond with us too? I mean, pagkatapos ng lahat ng ito alam kong sa akin pa rin ang bagsak mo so... I'm just practicing being a mother to this little one.] Ani Selene saka mala-demonyong tumawa.

Tinignan niya ang ina nito na ngayon ay yakap yakap na ang umiyak na Magi. Umiling ang ginang na tila nagsasabing 'wag daanin sa galit ang pakikitungo sa babaeng kausap.

Huminga ng malalim si Alex bago niya muling kausapin si Selene. "You're being delusional, Selene. Give me back my son." Mahinahong ani nito. Hindi niya pwedeng galitin ang babae dahil baka kung ano ang gawin nito sa bata.

[You want this kid?] Tumango naman ito na tila nakikita ng kausap niya ang ginagawa nito.

[I'm waiting for your answer Alex.]

"Y-yes.. please, give my son back to us." ani nito sa mahinang boses.

Wala siyang narinig sa kabilang linya na mas lalong nagpakaba sa kaniya.

[D-dada..]

Biglang humigpit ang hawak niya sa kaniyang cellphone nangmarinig niya ang nanghihinang boses ng kaniyang anak.

"V-von... anak.." anito. Bigla namang napalingon siya sa gawi ng kaniyang mga magulang at ni Magi na ngayon ay nakatitig na sa kaniya.

Ini-loudspeak ni Alex ang kaniyang phone para marinig nila kung ano ang kaniyang naririnig.

[Dada, get me here na po, please?] mahinang boses ng kaniyang anak. Narinig niya ang muling pag-iyak ng kaniyang ina at ni Magi. Ipinikit niyang mariin ang kaniyang mata saka muling sumagot sa anak.

"I'll get you there, okay? Hang on, kiddo. Dada will gonna get you there."

[Listen to me, Alex] boses na ni Selene ang kaniyang narinig.

"What do you want?"

[I want Magi to get her son here, in exchange of you coming with me.]

 



Ready to say goodbye?

Pasensya na if 'di maayos. Nabablanko kasi ako nasa kalagitnaan kasi kami ng prelims/pre-test namin. Talagang isinisingit ko lang ang pag-update dahil ayaw ko kayong paghintayin, plus gusto kong matapos na ang story by next week kasi tatlong taon nang nakatambak to sa drafts. Para masimulan ko na din ang bagong story.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon