Chapter 15

120 4 2
                                    

"S-Selene, what are you doing here?" Utal na ani Alex.

"I'm finally back. I mean I took a year break from my modeling, and spend time with you." Nakangiting sagot ng babaeng nagngangalang Selene.

"Selene, can we talk privately?" Walang emosyong saad ni Alex.

"Sure babe, excuse us muna tito, tita" nakangiting ani Selene saka nginitian nalang ang dalawang matanda bago tumayo mula sa kandungan ni Alex saka dumiretso ang dalawa sa mga upuan malapit sa pool.

Nakamasid lamang ang pamilya ni Alex habang si Magi ay litong lito padin sa nangyayari.

"Mawalang galang na po, sino po si Selene?" Tanong ng dalaga sa mga Vargaz.

Walang sumagot sa tanong ng dalaga hanggang sa naglakas loob ang ina ni Alex kay Magi.

"She's the one that mama is pertaining to kanina."

So she is Alex's first girlfriend? What happened to them?

Sinarili na lamang ni Magi ang tanong na iyon ay tahimik nalamang na nanonood sa dalawang nag-uusap.

"She really has guts to come here without informing and having our consent? After what he did to our grandson? Hindi na ba siya nahiya?" Pa-malditang saad ng matandang babae na siyang kinalingon ni Magi.

Nagulat si Magi sa nakitang ekspresyon ng mga kasama nito. Kahit kalmado'y mahahalata parin sa mga mata nila ang tensyon at galit nila.

Gustuhin mang magtanong ni Magi ngunit wala itong karapatan dahil alam nitong pagpapanggap lamang ang relasyon ng dalawa.

Ilang saglit pa lamang ay bumalik na si Alex kasunod nito ang babaeng nagngangalang Selene na nakangiting bumungad.

Laking gulat ni Magi nang sakanya dumiretso si Alex saka pilit na nagsumiksik na maupo sa tabi nito samantalang hindi na maipinta ang mukhang ng babaeng kausap nito kanina.

"Oh, hindi ko napansin na may bisita din pala kayo?" Ni hindi manlang ba marunong gumalang ang babaeng 'to gayong matatanda ang nasa harapan nito maliban samin ni Alex? Anang isip ni Magi. Parang nahihinuha na niya ang isa sa mga dahilan bakit hindi sumang-ayon ang pamilyang Vargaz dito.

Biglang iniakbay ni Alex ang isang kamay nito kay Magi at hinawakan naman ng kaliwang kamay niya ang kaliwang kamay din ni Magi. " Oh, she's not our visitor, she's a soon-to-be member of this family." Madiing pagkakasabi ni Tita Isa ngunit may ngiti padin sa labi.

Mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Selene dahil sa turan ng mommy ni Alex.

"Go on hija, introduce yourself to this lady here." Halos hindi na mabanggit ng ginang ang salitang 'lady'.

Huminga muna ng malalim si Magi bago tumayo. Pipigilan sana ni Alex ngunit nakita niya ang kanyang ina na tila sinasabing hayaan na lamang ang dalaga. Walang nagawa si Alex laya naupo na lamang ito.

"Hi, I am Magnolia Ancheta, Alex's G-girlfriend" nautal pang ani Magi bago ilahad ang kamay.

Tinignan lamang ng babae ang nakalahad na kamay nito bago muling iniangat ang tingin saka nagpakilala. "I'm Selene Eloryse Tuazon, Alex's first love." Malditang sabi nito nang hindi manlang ginantihan ang pakikipaglamay sana ni Magi.

"How ill-mannered this girl is. That's why I'm not into her in the first place." Pabulong na saad ng lola na Alex pero rinig parin ni Magi ito. Napapahiyang binawi ni Magi ang pakikipagkamay sana nito at uupo na sana sa katabing upuan ni Alex nang hilahin ito ni Alex at iniupo ito sa kandungan niya saka inilibot ang kanyang dalawang kamay payakap sa dalaga.

Alam nilang lahat na selos na selos ang Selene na nasa harapan nila ngayon na siyang kinagagalak nila dahil hindi naman nila nagustuhan ang babaeng to una pa man.

"I hope you like my gift pala Ma'am that is the limited editon bag of Chanel. I know that's your favorite brand Ma'am because I always saw you use chanel bags and stuffs." Sipsip at tila nagmamayabang na ani Selene.

Ngunit nang marinig ang sinabi ng matanda ay napapahiyang ngumiti na lamang si Selene.

"I don't have favorites in terms of brands, Selene. You always saw me with chanel stuffs but that doesn't mean that it is my favorite."

"O-oh, I-I see.." Pahiyang ani ng babae.

"Hija, Magi" tawag sakanya ng ina ni Alex.

"Yes po, tita?"

" When is your free sched?"

"Thursday to sunday po ang free ko this upcoming week po." Ani nito.

"Great! Well maybe you could teach me pottery? I want to see how you make the tea cup at yung platitong regalo mo kay mamá." masiglang saad ng ginang.

"S-sure po, uhm, may alam po akong pottery place po."

"No, we can do it here, I wanna join too hija." Singit naman ng lola.

"Good idea mamá. We can buy the equipments at the materials hija." Masayang ani Tita Isa.

Selene scoffed, "So her job is to make pots and all those muddy things huh?"

" I only do that as a hobby, I am a pre-school teacher and a tutor." Magi politely said.

"Alex? Really? Ako na isa sa mga highest paid supermodel sa New York, dito sa isang hamak na teacher mo lang ipagpapalit?! Ganun na ba ka baba ang standards mo?!" Selene's tone is full of mockery.

"Enough Young Lady!" Biglang gulat ng lahat ng sumigaw ang ama ni Alex.

"If wala ka nang ibang sasabihin umalis ka na! Anong karapatan mong magsasasabi nang ganyan ha? Anong karapatan mong insultuhin ang anak ko at ang kasintahan niya?" Galit na ani nito.

Walang nagtangkang sumagot ni isa. Pilit na kinakalma ng asawa nito ang lalaki habang si Alex naman ay nakatingin at nakamasid lamang sa reaksyon ni Magi.

Saka bumaba ang tensyon sa kanila nang biglang tumayo ang dalaga.

"Uhm. I think I should go. May naalala pala akong fitting schedule ko today. I'm sorry." Ni hindi makatingin ang babae sa kahit na sino man dahil sa pagkakapahiya neto na dali-daling naglakad papaalis.

"Are you okay Magi?" Tanong ni Lola Inggrid sa dalaga.

"Ayos lang po ako Lola" nakangiting ani Magi.

Tahimik ang bumalot sa mga ito. Ilang saglit pa lamang ay binasag ng Lolo ni Alex ang katahimikan.

"Now you know why I don't like here for you in the first place apo."

Nakatingin lamang ang lahat sa matandang lalaki habang nagsasalita.

"She don't know how to handle a relationship. All she cares is her career and a wealthy life. I knew before that she only liked you because of you being our sole-heir and a famous bachelor." Paliwanag nito. "Tanging ang kanyang imahe at estado ang nasa isip niya. She even don't know how to respect. Unlike Magi, a simple, well-mannered, and a kind woman." Nakangiting bumaling sakanya ang matanda.

"Una palang kitang kita ko na ang sinseridad at ang respeto niya."

Marami pang sinabi ang matanda na napansin niya kay Magi at walang katapusang pagkumumpara sa malditang Selene na siya namang ikinatawa na lamang ng mga kasama nito maliban na lang kina Magi at Alex na nginingitian ang mga ito.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon