Chapter 21

143 9 3
                                    

Maagang nagising si Magi dahil maaga din siyang papasok sa eskwelahan upang ayusin ang mga kakailanganin ng kaniyang mga estudyante sa kanilang activity para mamaya.

Nang matapos mag-ayos ay bumaba na ito para magluto na sana ng almusal, nang makita nitong naunahan na ito ni Tasya na siyang kunakanta kanta pa habang naglalagay ng pagkain sa mesa.

"Ang aga mo naman yatang magising. Hindi ka naman ganto kaaga kahit na may pasok ka sa office ah."

"Naku sis, kung alam mo lang ang tambak na papeles sa mesa ko ngayon. Hindi na ako pwedeng pumasok ng ganung oras at baka mag-overtime ako. Kilala mo naman ako minsan lang ako mag-overtime."

Hindi kasi mahilig si Tasya mag-overtime dahil mas pipiliin pa niyang manood ng Kdrama at manood ng tiktok gabi-gabi.

"Halika na at kumain. Nakatunganga ka nanaman diyan, may klase ka pa diba?" sermon na sakanya ni Tasya na siyang namimiss na niya.

Habang kumakain ay biglang nagsalita sa Tasya.

"Ah Magi, narinig ko nga pala noong nakaraan, sino iyong tinawag mo na Mama? Hindi ba patay na si Tita Fely?"

Napabuntong hininga na lamang si Magi dahil pumasok nanaman sa isipan niya ang pag-uusap nila ng kanyang ina.

Flashback

"Anak, ako ito, ang Mama mo. Kamusta?"

Mama? Imposible.

"P-pasensya na po. Ngunit nagkakamali po yata kayo ng natawagan. Sagot niya sa ginang sa kabilang linya. My parents died in a car crash sa New York when I was 8 po."

She heard the woman sighed. "Nakaligtas ako sa aksidenteng nangyari anak. Na-coma ako for almost a year. The time I woke up, sinabi sa akin ng Doctor na hindi daw nakaligtas ang Papa mo, dead on arrival. Gustohin ko man na tawagan ka noon at ipaalam ang nangyari kaso ay nasira din ang cellphone ko sa araw na mismong pagkakabangga namin. Nang nakisuyo ako sa mga Nurse na tawagan ang tiyahin mo ay hindi ko sila makontak." Pagpapaliwanag nito.

Hindi na mapigilan ni Magi ang hikbi niya habang kinukwento ng kanyang Ina ang nangyari sa kanila.

"Kung kayo nga ang Mama ko, bakit ngayon niyo lang ako naisipang tawagan? Ilang taon na po ang lumipas bakit ngayon lang?!"

"Pasensya na anak, Hindi ko kasi alam kung saan kita matatawagan ng mga panahong iyon. Saka lamang kita nahanap nang alukin ako ng imbitasyon ng eskwelahang pinagtatrabahuan mo. Nakita ko doon ang pangalan mo at nang makumpirma kong ikaw iyon ay hiningi ko kaagad sa mga kasamahan mo ang number ng phone mo. Maniwala ka saakin anak. Ang tagal na kitang hinahanap." Sabi ng kanyang ina habang umiiyak sa kabilang linya.

Imbitasyon?

"Iyong foundation day ng school anak. Isa kasi ang Mendoza Group of Companies sa mga nagdonate sa popaaralan noong ito ay nagsisimula pa lamang."

Mendoza Group of Companies. Ito yung matagal nang pinaghirapang kumpanya ng mga magulang ng Mama niya kay Fely ipinamana dahil katulad ni magi, Nag-iisang anak din ito. Ngunit dahil sa inaakala niyang aksidente ay ang alam niyay napunta sa iba ang kumpanya. Hindi niya ito maangkin ngunit walang habilin ang kanyang mga magulang sakanya.

"Ang akala ko ay iba na ang nagmamay-ari sa kumpanya dahil sa aksidenteng nangyari. Hindi na din umapila ang mga kapatid ni Papa noon dahil hindi naman sila kamag-anak nila Lolo. Saka wala din kaming mahahawakang patunay na iniwan mo sa akin iyan."

"Nang ako ay nasa hospital. Ang Ninang Esme mo ang namahala sa kumpanya. Gusto ka niyang kausapin noon kaso gaya ko din, hindi niya alam kung saan kayo hahanapin."

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon