Chapter 10

227 5 0
                                    

MAAGANG nagising si Alex dahil na din sa tunog ng kaniyang alarm clock. Nagstretching siya saglit bago pumunta sa kaniyang bathroom para maligo. After niya maligo at maggayak ay bumaba na siya upang magbreakfast.

"Goodmorning manang!" Bati niya sa kanilang katulong.

"Aba eh napakaaga mo namang magising Lex?"

"Napaaga yung naset ko sa alarm eh" sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Ala eh halina dito at kumain kana.. tamang tamang at may naluto na ako.. ano ang gusto mong inumin?? Kape oh juice?"

"Juice nalang po manang..."

At hinainan na nga ng kanilang katulong si Alex. Nang matapos na maihain ay agad naman na siyang kumain upang makapagsimula na siya sa kaniyang araw.

Nang matapos niyang kumain ay umakyat na siya muna sa kaniyang kwarto dahil madilim palamang sa labas kaya pumunta muna siya sa kwarto niya.

Mahihiga muna sana siya sa kaniyang kama nang may nahagip ng mata niya ang kaniyang cellphone.

Kinuha niya iyon at isa-isang binuksan ang kaniyang mga social media apps kung meron na ngabang update o notifications siyang natatanggap.

Nang buksan na niya ang panghuling app yun ay ang kaniyang facebook, unang bumungad sakanya ang isang post ni Magi. Medyo bata bata pa sa litratong iyon si Magi. Naka dress ng kulay pink, pinaresan din ng sapatos na may maliit na takong na pink din at isang  headband na may ribbon sa gilid. Naka pameywang na pose siya habang nakatingin sa kumukuha ng litrato.

#throwbackthursday

Biglang nangiti nanaman si Alex sa litratong ito ni Magi.

Napakacute niya grabe.....

Hindi na namamalayan ni Alex na sinesave na niya pala ang litratong iyon ni Magi sa kaniyang gallery.

At yun na lamang ang naging pampalipas ni Alex sa mga sandaling iyon. Ang magscroll sa kaniyang wall sa facebook.

Habang busy sa panay scroll si Alex ay biglang may naalala siyang dapat nga pala nilang pag-usapan ni Magi.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at itinext na niya ang dalaga.

[Alex,
Magi, are you busy? Can we have a snack over? May sasabihin lang kasi ako sayo.
8:02am]

Wala pa yatang trenta segundo ay nagtext na si Magi.

[Magi,
Uhmm.. Hindi ba pwedeng sa phone nalang? Pero hindi naman ako busy eh kaya okay na lang din.
8:02am]

[Alex,
Mas maganda kasi kung sa personal sana natin mapag-usapan yung sasabihin ko.
8:03am]

Nang maisend niya iyon ay bumalik ulit siya sa kaniyang pag-iiscroll sa Fb habang hinihintay ang reply ni Magi.

Limang minuto na ang nakakalipas mula noong nagreply siya kay Magi. Nakailang check na din siya sa kaniyang inbox kung meron ba siyang natanggap na message.

Lumipas pa ang ilang minuto at wala paring natanggap na mensahe si Alex galing kay Magi.

Nag-iscroll na lamang siya ng nag-iscroll nang biglang
nakatanggap na siya ng kanina pa niyang hinihintay na message galing kay Magi.

[Magi,
Saan pala tayo mag-iisnack over? Im so sorry for the late respond bigla kasing nalowbatt etong cellphone ko kaya kinailangan ko pang magcharge.
8:46am]

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon