Epilogue

9 0 0
                                    

"Dada? Dada, wake up po. You're scaring me po." ani Von saka tinapik-tapik si Alex.

Alex slowly opened his eyes. Una niyang Nakita ang umiiyak na si Von habang tinatapik-tapik ang kaniyang pisngi para magising. Dali-dali naman siyang tumayo at binuhat ito saka inalo. "Shh, what happened, kiddo? Why are you crying?"

The kid sobbed as he look at his father. "I woke up po at the sight of you crying Mama's name. Is she coming back here na po?"

Imbis na sagutin ang bata ay muli nanaman itong napaiyak. Hindi niya masabi-sabi sa bata dahil hindi pa rin nito matanggap ang sinapit ng kaniyang mahal apat na buwan na ang nakakalipas. Tinignan niyang muli ang kaniyang anak. Nakatingin lamang ang bata sa kaniya na para bang magugustuhan niya ang magiging sagot nito.

"Dada?"

Muli siyang napabalik sa kaniyang ulirat nang magsalitang muli ang bata.

"What is it again, son?" pagpapaulit niya sa bata na para bang makakakuha siya ng ibang sagot.

"Is Mama coming back na po ba?" Von asked again.

Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang anak saka ito pinakatitigan ng mabuti. "Von, listen to Dada, okay?" ani nito. "Your Mama, she's not coming back to us anymore."

"Why po?" ani ng bata na tila naiiyak na. "Hindi na po ba niya tayo love?"

Mabilis naman na umiling si Alex.

"Mommy's already there na oh." He said pointing up. "Mommy's already there na, guiding and watching us."

Von innocently looked up, "Why is she there po? Can't Mama watch and guide us down here po? She can do it naman po without going there, 'di ba, Dada?"

Hindi alam ni Alex kung matatawa siya sa kabibohan ng kaniyang anak o kaya naman ay maiiyak dahil sa hindi niya alam kung papaano niya maipapaliwanag ng maayos sa kaniyang anak ang totoong kalagayan ng kaniyang ina.

Niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. "Someday, you'll understand what I'm saying, Anak. As of now, I just want you to sleep." ani Alex saka ihiniga sa tabi niya. He kissed Von's forehead. "I love you, young man."

Alex slightly smiled when his son mouthe 'I love you' to him before closing his eyes to sleep.

I hope I can turn back the time to take you back.. Alex said to his mind before he decided to sleep.

After several years....

" Von! Dinner's ready!" Sigaw ni Alex habang inaayos ang mga nilutong pagkain sa hapag. Narinig niyang bumukas at sumara ang pintuan ng kanilang kwarto, senyales na lumabas na ang kaniyang anak.

Nang makarating iyon sa kusina ay tahimik lang siyang umupo sa harap ng mesa saka hinantay ang kaniyang ama na makaupo para kumain.

Mula nang magkaedad na si Von ay napapansin ni Alex ang mumunting pagbabago sa kaniyang anak. Hindi na ito masyadong palasalita katulad ng dati. Minsan ay akala nalang niya ay buhat ito ng pagbibinata ng kaniyang anak, ngunit hindi naman lingid sa kaalaman nito na may mga gabi ding umiiyak mag-isa ang kaniyang anak habang inuusal ang pangalan ng kaniyang ina.

Aaminin niyang masakit pa rin at tila sariwa pa rin ang mga naganap noon. Kaya naman hindi niya din masisisi ang kaniyang anak kung ganoon na siya umasta.

"How's your school, Son?"

"Good. Also aced our exam." Tipid niyang sagot. Napabuntong hininga nalang siya sa ugali ng kaniyang anak. Mukhang kailangan nalang niya masanay sa ganito.

"Dad?"

Agad niyang winala ang kaniyang iniisip saka binalingan ang kaniyang anak. "What is it, Son?"

Nakikita niyang nag-aalanganin ang kaniyang anak na magsalita pero sa wakas ay naiusal niya din ito. "Can we visit Mama tomorrow?" Tanong nito. "I really miss her." aniya saka bumalik ulit sa pagkain.

Nangiti naman si Alex. "Of course, Son. I miss your Mom too. So much."

Nang walang nakuhang sagot mula sa kaniyang anak ay ipinagpatuloy na niya ang kaniyang pagkain. Nang matapos ay nagulat pa siya na imbis na ang kanilang katulong ang maghugas ng kanilang pinagkainan ay nakita niya ang kaniyang anak na tumutulong sa kanilang mga kasama.

"Dad, it's cold out here. Let's go inside. The party is about to start." Ani Von. Anniversary kasi ng kaniyang kumpanya at siya ring araw na maipapahayag niya ang paghirang sakaniyang anak bilang President and CEO na siyang papalit sa kaniya. Ilang taon na din niyang Nakita ang papupursigi ng kaniyang anak sa kaniyang training para dito at alam niya sa kaniyang sarili na mas mapapabuti pa ng kaniyang anak ang negosyong sinimulan ng kaniyang ama.

"I wish your Mom was here to witness all your achievements. I know she's very proud of you." Wala sa sarili niyang nausal. Nakita din niya ang munting tawa sa kaniyang anak.

"I wish she was here too." Sagot naman ng kaniyang anak. "I'm pretty sure that she's also proud of you, Dad." Napatingin siya sa kaniyang anak, dahil sa tinuran nito. "I know she's very proud of you for raising me well, for being a good Dad to me, and for being loyal to her. I know Mom also miss us, but I know Mom is also having a good time up there, watching us. No pain for her, all happiness."

Napangiti siya sa tinuran ng kaniyang anak. Hindi niya namamalayan na unti-unti nang pumapatak ang kaniyang mga luha. Hindi niya aakalaing maririnig niya ang mg iyan sa kaniyang anak. Minsan nalang niya itong marinig na magsalita ng mga bagay bagay dahil habang ito'y lumalaki ay mas natutuon na lamang ang pansin nito sa kaniyang pag-aaral at sa kanilang negosyo.

Pinahid niya ang kaniyang mga luha saka ito humarap ng tuluyan sa kaniyang anak na nakangiti na sa kaniya. "I'm proud of you too, Son. You've grown up so well. I know, I'm not a good father to you sometimes and I'm sorry for that. But always know that I'm here for you, and I love you." Aniya. "Let's go inside, They're already waiting for us."

"Grandpapi! Grandpapi! We're home na po! Where are you?" Napangiti si Alex nang marinig niya ang boses ng kaniyang limang taong gulang niya apo. "There you are po!" Agad na tumakbo ang bata papunta sa kaniya saka yumakap sa kaniya.

"How's your day? Did you enjoy?" Aniya sa batang ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama.

"It was fun po! We bought new toys, and, and foods po. Tapos Daddy set new high score sa arcade po." Napangiti siya sa bata habang nagkukwento. Napatingin naman siya sa pintuan nang makitang pumasok ang kaniyang anak kasama ang kaniyang asawa.

"C, go change your clothes. Your Mommy will help you." Ani Von, agad namang sumunod ang kaniyang anak at dali-daling lumabas ng kwarto. Saka naman lumapit lumapit si Von sa kaniyang ama.

"How are you, Dad?" Von asked.

"Still fine. Just need to rest and rest."

Nakita niyang napabuntong hininga ang kaniyang anak saka muling nagsalita. "Stay with us, Dad okay? You'll be better soon." Nakangiting ani Von ngunit alam ni Alex sa kaniyang sarili na malapit na niyang makitang muli ang kaniyang pinakamamahal.

"Can you give me a hug, son?" Nakangiting saad niya. Alam din niyang ito na ang huli. "I wanna hug you till my hearts content, Can I?"

Nakangiting tumango si Von saka lumapit pa at hinagkan ang kaniyang ama. Nang maramdaman nito ang yakap ay isa-isang pumatak ang kaniyang luha saka hinagkan pabalik ang kaniyang anak.

I'll be with you in a while, my love. Ani niya sa kaniyang isip nang makaramdam na siya ng panghihina. Muling nanumbalik ang mga ala-ala niya noon. Naramdaman na din niyang papikit na ang kaniyang mga mata, hindi na nga niya ito pinigilan at ipinikit na nga ito nang tuluyan.

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon