Chapter 33

48 2 0
                                    

Hindi pa rin naaabsorb sa utak ni Alex ang mga narinig niya sa doktor kani-kanina lang.

Imposibleng maging anak ko siya. Imposible.

Tinignan niya ang kanyang kamay at nakita niya ang bulak doon. Napangiti na lamang siya. Patunay na ligtas na ngayon ang bata dahil nasalinan na ito ng dugo. Pupunta na sana ito sa kwarto kung nasaan si Magi at ang bata ng may tumawag sakanya.

"Alex?" ani ng pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay biglang nag-iba ang awra. "Selene, why are you here?"

Mas lumawak pa ang ngiti ng babae at nagmamadaling lumapit ito sakanya. "Just went for a general check up. Ikaw?" sagot nito.

"Just went for a general check up too." saka pasimpleng inayos ni Alex ang jacket na nasa kanyang braso para matakpan ang bulak. "Now that you're here, let's grab a lunch!" masayang ani Selene.

Tututol na sana ito nang bigla nalang ipinulupot ni Selene ang kanyang kamay sa braso nito. Anang aalis na sana sila nang may anghel na dumating mula sa kanyang likuran at tinawag siya.

"Alex, who's that?" anang kanyang ama na siyang ikinalingon din ni Selene.

"Hi, Tito!" singit ni Selene saka biglang yumakap dito. "You're here too? Great! Let's have a lunch together!" dagdag pa nito na pumapalakpak pa.

Takang tinignan naman nito ang kanyang anak. Agad namang naunawaan ng lalaki ang sitwasyon dahil kitang-kita naman sa mata ng kanyang anak ang pagtutol. Maging ang matanda naman ay ayaw din na makasama ang dalaga. Baka itakwil siya ng kanyang aswa kapag Nakita itong kasama nila.

Hindi nito pinansin ang alok ng dalaga. "You're Mom is waiting for us." Palusot nalang nito dahil baka kung ano pa ang mangyari kapag nalaman ni Selene na nandito ang babaeng minsan na niyang sinira sa pamilya nila.

"Wait, Tita is here too?" singit nanaman ng babaeng papansin. "Can I come with you, Tito? Wala naman na po akong gagawin, maybe we can have a lunch together. I miss Alex na din kasi." Anito sabay tingin kay Alex.

What a trying hard girl... Ani ni Alexander sa kaniyang isip. "This is a family time, Ms. Tuazon." he said formally. "If Alex wants to come with you then he can go." dagdag pa nito sabay baling sa anak. "Ipapaalam ko nalang siya sa Mommy niya." saka tumalikod at naglakad pabalik sa pasilyo kung saan patungo ang daan papunta sa kwarto ng dalaga.

Agad namang tinanggal ni Alex ang pagkakapulupot ng kamay ni Selene sakanya saka walang lingo-lingong sumunod sa kanyang ama na naghihintay pala sakanya sa may mga upuan malapit sa kwarto nila Magi.

"Next time, don't let that psycho woman come near you if you want to have Magi and your son back." anang kaniyang ama na siyang ipinagtataka naman niya kung bakit ba dalawang beses na niyang naririnig ang mga katagang iyon.

"Why are you all telling me that that kid is my son?! What's your proof?!" pagalit na sabi ni Alex sa kanyang ama.

"Nakalimutan mo na ba nung sinundan mo si Magi noong gabing naglasing siya?" ani Dope na ngayon ay nasa likuran na niya pala. "I know that part because I have eyes in that bar. You even said noong nalasing ka na may nangyari sa inyo ni Magi that night. Ikaw lang din ang lalaki sa buhay niya."

Then everything went flashback for Alex. Tila bumalik lahat ng nangyari noong gabi iyon sakanya.

From the time Alex saw Magi dancing with another guy to the part that he went back to the hotel room to bring Magi's breakfast but when he arrived at their room, Magi is nowhere to be found.

Tears started to pool in Alex's eyes nang maisip niya kung ano ang mga naging paghihirap ni Magi. Mga paghihirap ni Magi nung mga panahong nagbubuntis siya, sa m,ga araw na iniiyak nalang ni Magi kapag walang kahit sino, maging siya sa mga araw na mag pinaglilihian si Magi. Sa mismong araw ng kapanganakan ng kanilang anak.

Ni hindi man lang niya nasilayan ang mga una ng kanyang anak.

Bigla nalang nanghina ang kanyang mga tuhod at napasalampak sa sahig ng hospital. Lumapit naman ang dalawa upang iupo siya sa isa sa mga upuan.

"It's not too late, Alex." anang kanyang ama. "You see, kahit wala kang kaalam-alam na anak mo siya ay nagawa mo pa rin siyang tulungan ng walang pag-aalinlangan."

" Alam na din ni Magi. Sinabi na namin sakanya kanina nang magising siya." Dope said. "Don't worry, pareho kayong nabigla sa mga pangyayari pero sana magka-usap kayo ni Magi kung paano niyo sasabihin sa bata."

Dope sighed, You know what? Simula noong magkaisip si Von, wala na siyang ibang bukam-bibig kung hindi ang Daddy niya. Even his first word is Dada." anito at nilabas ang phone kung saan ipinanood niya ang video ni Von na sinabi ang kaniyang first word.

"Magi wants to let Von meet his father too pero wala siyang kaalam-alam noon kaya minsan ay winawala nalang niya ang kanilang usapan kahit paulit-ulit iyon na pinapakiusap ng bata." nang marinig nanaman ito ni Alex ay muli nanamang bumuhos ang panibagong luha sa kaniyang mga mata.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa tatlo bago may marinig silang pagbukas ng pintuan. Nang lingunin nila ito pareho ay Nakita niya ang kanyang ina kasama ang Mommy ni Magi. Mukhang kaiiyak lang din ng dalawa dahil sa maluha-luha at mapula pa ang kanilang mga mata.

Tumigil ang dalawa sa harapan nilang tatlo. Hindi ko ipagkakait ang bata sayo, maging si Magi, hijo. ani Fely. Alam ko din ang mga paghihirap mo noong umalis kami ng pinas dahil may mga mata din ako dito. saka ito bumaling kay Dope.

Ayokong magkaroon ng hindi kumpletong pamilya ang apo ko. Lumaki ang apo ko na punong-puno ng pagmamahal naming mga nakapaligid sakanya. Pero alam namion na hinding-hindi matutumbasan ang pagmamahal at saya na maibibigay ng kanyang ama, at ikaw yon. dagdag pa nito.

Parang may kung anong naramdaman si Alex nang marinig niya iyong mga katagang iyon.

I will give my son and also Magi the happiness they both deserve. I will shower them all my love.

Maybe you and Magi should talk, anak. ani naman ng kanyang ina na ngayon ay may munting ngiti sa lkanyang labi. I know after all these years hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niyo sa isat isa. I can see in your eyes the spark kapag sinasabi namin ang pangalan ni Magi. Ganoon din si Magi kapag binabanggit ka namin kanina sakanya.

You have your family now. singit naman ni Alexander. All you have to do for now, is to talk to her and get back together. Man up, son. You have now Von, we also want to have bond with our grandson. he chuckled. Baka nakakalimutan mong simula palang ay hiling na namin iyon sayo? nakangisi na ani Alexander na siyang ikinatawa nila.

Kinausap na namin si Magi, anak. Ngayon ay ikaw nalang ang hinihintay namin para gawin ang nararapat mong gawin. ani Louisianna.

Humugot ng malalim na hinga si Alex. Tila pinapatatag ang kaniyang sarili bago pumasok sa kwarto kung nasaan ang kaniyang mag-ina.

Mag-ina.

Napangiti nalang siya sa kanyang naisip.

Now you're back in my arms with our little one, I'll make sure to fight with you and not make the same mistake again.

Ready to say goodbye?

Sorry for the late ud guys! nag-start na din kasi ang academic year namin, hope you understand and still read, vote, and comment! Lovelots!

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon