Chapter 6

306 6 3
                                    

Hi po kay AltheaBaluyot.. thank you for reading❣️

Nagising na lamang si Magi at naamoy na lamang ang amoy ng IV fluid. Ipinaligid niya ang kaniyang tingin para makita kung sino ang kaniyang kasama nang mahagip niya ang batang kasama niya kanina na si Alex na nakayupyop sa gilidan niya ta mahimbing na natutulog.

Siya ba nagdala sakin dito????? Wait... asan si Dani??? Mga tanong na sumasagi sa isipan na alam niyang ang binata lang na nasa tabi niya ang  tanging makakasagot dito.

Nakaramdam muli si Magi ng pagkaantok kaya naman itinulog na lang muna niya.

NAGISING si Alex nang makitang nakatulog parin si Magi. Kaya napag isipan niya na bumaba muna at pumunta ng cafeteria sa hospital para bumili ng kanilang kakainin.

Bakit ba ang bait bait at lambot ng puso ko pagdating sa babaeng ito eh, ilang araw palang kaming nagkikita. Nagkikita man kami ay hindi man kami nagkakausap.

Napailing nalang siya sa mga tinuran niya sa kaniyang isip.

Nang magbukas ang elevator na siyang lulan niya papuntang cafeteria ay agad na siyang dumeretso sa counter para bumili ng pagkain at maiinom nila.

Nang makabili na siya ng kanilang pagkain ay bumalik na siya sa kwarto na pina admitan niya kay Magi na baka ay gising na at gutom na ito.

Why am i acting like this?!?!??!?

Napabuntong hininga na lamang siya at itinuloy ang kaniyang paglalakad patungo sa elevator. Habang lulan siya ng elevator ay hindi niya maalis alis sa isip niya ang magandang mukha ni Magi.

Shocksss!!!!! Stop thinking her Alex please just stop!! Arghhhh!!

Nang magbukas na ang pintuan ng elevator, agad na itong lumabas at pumunta na sa kuwarto ni Magi.

Naabutan na lamang niya na nagising na si Magi at nakaupo ito sa gilid ng kama na parang may hinahanap hanap.

Tumikhim siya para makuha niya ang kaniyang atensiyon saka nagsalita.

"Sinong hinahanap mo?"

"Ahm...... Kase.... Nakita mo ba si Dani??"
Parang kinakabahan na tanong ni Magi.

"Tinawagan ko na ang mommy niya kanina at sinundo na kanina. Kung hindi pa nga nagpromise ang mommy niya na babalik sila dito bukas ay hindi na siya uuwi sa sobrang pag-aalala sayo." Pag iisplika na sa dalaga. "Buti naman at nagising kana. Teka lang at ihahanda ko na ang pagkain natin. Alam kong nagugutom kana kaya wait lang." ani Alex saka pumunta sa table sa gilid ni Magi para ihanda ang kanilang kakainin.

Nang maihanda na ni Alex ang kanilang kakainin, dahan dahan niyang inilagay sa maliit na foldable table saka niya dinahan dahang ilagay sa higaan ni Magi para makakain na din siya.

"Uhm.. Maraming salamat nga pala sayo kasi dinala mo ako dito." Pagbabasag ni Magi sa katahimikang bumabalot sakanila ni Alex.

"You're welcome." Maikling sabi ni Alex habang naka ngiti.

Matapos ng pagpapasalamat ay mahabang katahimikan na lamang ang nabalot muli sakanila saka pinagpatuloy na lamang ang kanilang pag-ubos ng pagkain.

Nang maubos nila ang kanilang pagkain ay iniligpit na ni Alex ang pinagkainan saka pinainom si Magi ng gamot.

"Are you okay now?? Feeling better??" Magkasunod na tanong ni Alex kay Magi habang inaalalayan na makahiga sa hospital bed.

"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko salamat, baka mamaya mawala na ito." Nakagiting ani Magi. "Pwede bang pakikuha yung phone sa bag ko please? Tatawagan ko lang yung kasama ko sa bahay baka nag-aalala na saakin yun saka baka hinahanap na din ako ni lola."

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon