Chapter 9

290 7 2
                                    

HINDI na pinaalis ni Tasya si Magi sa kaniyang kinauupuan mula nung sila ay makapasok sa loob ng bahay. Halos tutok na tutok na si Tasya sa kakakinig niya sa kwento ni Magi patungkol sa kaniyang 'FAKE STATUS'.

"So.... bilang kapalit nung pagtulong niya sayo sa ospital ay ang pagpapanggap mo bilang fiancée niya??" Hindi mapigilang tanong ni Tasya.

"Ganun na nga." Nakayukong ani Magi.

"Ehh mas malaking kapalit itong pagpapanggap niyo kesa jaan sa pagtulong niya sayo noon sa park noh."

"Gusto ko sanang humiling ng iba kaya lang eh nangako ako sakanya na kahit anong ipautos niya sa akin ay gagawin ko, kaya yon." Pagpapaliwanag ni Magi.

"Haysttt.. eh ano pa nga ba? Eh na oo-han mo na wala na tayong magagawa. Kaya... susuportahan nalang kita jan sa pinasok mo." Ani Tasya.

"Salamat, sissyyyy" masayang ani Magi saka niyakap ng mahigpit si Tasya. "Salamat at susuportahan mo ako dito sa pinasok kong ito.."

"Pasalamat ka talaga at kaibigan kita. Naku kung hindi buking ka kay lola.

Magsasalita na ulit sana si Magi nang marinig niya ang boses ng kaniyang lola habang pababa ng hagdan.

"Magnolia?? Hija nariyan ka na ba???"

Tumayo ai Magi at inakay ang kabababang lola papunta sa sala. "Ahh.. opo la kauuwi ko lang po."

"Ano ayos kana ba?? Pinag-alala mo kami apo.... sa susunod ay huwag mong pababayaan ang sarili mo ha?" Pagpapaalala sakanya ng kaniyang lola.

"Opo lola pangako po."

"O siya mamaya na yang drama ha?? Mag-almusal muna tayo." Pagpuputol ni Tasya sa kanilang mag-lola.

Napailing nalamang si Magi at saka inalalayan ang lola papunta sa kusina para makapag-almusal.

Matapos makapag-almusal ay umakyat na si Magi papunta sa kaniyang silid upang makaligo. Matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili ay naupo siya sa kaniyang kama at binuksan ang kaniyang cellphone.

'3 unread messages...'

Binuksan ni Magi ang kaniyang inbox....

Mrs. Valdez,

How are you hija?? It's okay kung hindi ka muna pumunta dito, para na din makapagrest ka... Dani says 'get well soon Ate Magi'... Take care...

Tasya,

Hoy babae anong oras ka uuwe ha?? Aba e kung diyan ka muna sa hospital ay ihahatid ko na ang mga damit mo at cabinet diyan...

Tasya,

Ingat ka sa pag-uwi kung nasa daan ka man at kung nandiyan kap sa hospital ay tumira ka na diyan..

Napailing na lamang si Magi nang mabasa ang mga text ni Tasya bago pa makauwi dito....

Sunod naman niya ay binuksan ang kaniyang account...

'5 new notifications and 1 message'

Hindi na binuksan ni Magi ang notification at binuksan na niya ang message....

Alex Vargaz,

Hope you have a good rest today... Take care....

Matapos niya iyong binasa ay nahiga na siya at muling inisip ang napag-usapan nila ni Alex kaninang papauwi na sila.

Panindigan mo iyan ha Magi? Tutal ikaw naman ang nagpumilit na may kapalit kahit ayaw ni Alex....

Pano nang gagawin ko?? Pano nalang kapang sinabi ko ito kay lola.. ano ba kasi itong pinasok mo ha Magi?!!!

Isinawalang bahala nalang ni Magi ang kaniyang iniisip at pumunta sa kaniyang study table para gumawa na lamang ng lesson plan habang wala siyang ginagawa.....

KAKAPASOK ko palang sa bahay ay nakita ko na si Mommy na nakaupo sa living room habang nanonood ng tv.

"Mom I'm home..." ani ko.

"Naglunch ka na ba anak? Wait lang ipaghahanda kita." Sabi ni mommy at sumunod na lang ako sa dining area para maglunch..

"Nasaan si Daddy" tanong ko kay Mommy.

"Nandun sa taas, nasa office niya may pinepermahan lang na papers."

Nang maihanda na ni Mommy ang aking lunch ay kumain na ako. Sinabayan niya ako ngunit dessert lang ang kinakain niya.

"Son?" pagbabasag ni Mommy ng katahimikan.

"Yes mom?"

"You know that aalis na kami next week right?"

"Yes mom. Bakit po?"

"Son hindi naman sa minamadali kita but, you know naman na ang gagawin ng Daddy mo diba? And I don't want you na maghirap ka dahil lahat naman ng pinundar namin from lands to companies ay para sayo. So please son.." pagpapakausap ni Mommy.

"Mom... don't you worry... after two days, ipapakilala ko na siya sa inyo."

Kitang kita ko ang pagkabigla at panlalaki ng mata ni Mommy...

"M-meron ka ng girlfriend?" tanong ni Mommy.

"Yes mom, sorry ngayon ko lang nasabi—"

Uhmp—

Niyakap ako ni mommy...

"It's okay son... masaya na ako akhit ngayon mo lang sinabi... Finally... hindi na ako mag-aalala sa kinabukasan mo.."

"Thank you mom" ani ko at si Mommy ang kusang tumanggal sa pagkakayakap namin.

"Mukhang masaya ang mag-ina ko ahhh..."

"D-daddy.."

"Care to share kung bakit kayo masaya, hmmm??"

"K-kase.. A-ahmm.. D-daddy—"

"Ipapakilala na daw niya satin soon ang kaniyang girlfriend" si mommy na ang nagsabi kay daddy.

"Wow... That's a great news son... I want to meet this girlfriend of yours... I bet she's beautiful like your mom."

Well dad... she's beautiful... than the other girls I've met..

What the——— ano bang nasa isip ko?

"Y-yes dad..."

"Well, hindi ka na namin tututulan sa relationship mo dahil kahit sino pa yan... buong puso kong tatanggapin.... wala kaming pakealam kahit maykaya o wala... kahit maganda or what.. basta nagmamahalan kayo..."

Natigilan ako sa sinabi ni daddy...

Masasabi mo pa kaya yan dad kapng nalaman mo ang totoo??

Sorry in advance mom.. dad....

Hindi na ako nagsalita at nginitian ko na sila...

"Mom, dad.. una na po ako sa taas.. Magpapahinga na po ako.."

"Go ahead son." Ani daddy..

At umakyat na ako papunta sa kwarto ko..

Nagpalit muna ako ng damit bago ako humiga sa kama ko.

Gusto ko na sanang matulog kaya lang hindi ko mapilit na ipikit ang mga mata ko kaya naman kinuha ko nalang ang cellphone ko at pumunta ako sa aking facebook..

Habang nag-iiscroll ay napadaan sa wall ko ang isang post ni Magi..

She's really beautiful...

Napatitig na lamang ako sa napkagandang picture ni Magi. Nakapose siya sa harap ng isang napakagandang simbahan..

It was posted 3 months ago...

Hanggang sa di ko na namalayang isinisearch ko na ang kanyang facebook account..

Nang makita ko ang kaniyang mga ipinopost ay namangha na lamang ako sa kaniyang ganda at walang pagbabago..

Hindi ko namalayang habang nag-iistalk nalang ako ay nakatulog na lamang ako.....


Wushuuuu happy readinggggg

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon