Chapter 5

484 12 2
                                    

Maagang nagising si Alex nang marinig niya ang kaniyang alarm. Agad itong umupo sa gilid ng higaan. Nang buksan niya ang kaniyang cellphone upang bigyan ng mensahe ang kaniyang mga kaibigan upang magkita kita sila sa dance studio na pagmamay ari ni Dope, na siya ring kaibigan nila. Akmang bubuksan na niya ang kaniyang messenger ay biglang tumunog ang kaniyang messenger ay biglang may lumabas na notification sa top ng cellphone niya.

'1 new notification from facebook'

Agad niya iyong pinindot at laking gulat na lamang niya sa kaniyang nakita.

'Magi Ancheta accepted your friend request'

Malaki ang ngiting lumabas sa kaniyang labi nang makita niya iyon. Hindi niya alam kung bakit bumibilis ng bumibilis ang pagtibok ng puso niya pero isa lang ang alam nito, at iyon ay ang unti unti na yata itong nahuhulog kay Magi— wait.. what!!!! No way! Napailing na lamang siya sa naisip niya at laking gulat na lamang niya ng may biglang may kumatok sa kaniyang kwarto.

"I'm sure that's not my parents because nasa Macau sila for the expansion of the company. Maybe it's one of our maids."

Agad siyang bumangon at bagsak balikat siyang tumungo sa pinto upang pagbuksan iyon.

"Señorito, nakahanda na po ang almusal niyo." Anang kanilang mayordoma

"Sige po maliligo lang po ako saglit" sagot niya sa mayordoma

Tumango na lamang ang mayordoma at saka umalis na.

Siya naman ay naligo na at inayos ang sarili bago bumaba papunta sa kusina.

Pababa na sana siya sa hagdan papuntang kusina nang marinig niyang tumunog ang notification ringtone niya. Napabuntong hininga siya ata saka binalikan niya ang kaniyang cellphone para tignan kung anong nilalaman ng notification na iyon.

Nang mahawakan niya ang kanyang cellphone at agad niyang binuksan ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata.

'Magi Ancheta reacted to your profile picture'

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa nakita.

"Stop it heart, stop beating so darn fast. Ni react lang niya wala ng iba. Just plain and simple"

Ibinalik na niya ang kaniyang cellphone sa study table niya at umalis na nang kuwarto upang mag-agahan.

Pagkatapos niyang mag-agahan, ay inayos na niya ang kaniyang idadala papuntang dance studio.

Nang matapos na niyang ilagay lahat ng gagamitin niya ay sumakay na siya sa kaniyang lexus na regalo pa ng kaniyang daddy at mommy noong graduation niya.

Akmang bibilisan sana niya ang kaniyang pagpapatakbo nang makita niya sa mini-playground ng subdivision si Magi kasama ang bata na tinutuitor Aniya.

Napatigil siya sa pagpapatakbo sa kaniyang lexus at pinagmasdan muna sila Magi at nung bata.

Talagang napakaganda pala ni Magi......

Bigla nalang siyang nagulat sa naisip niya. Akmang papaandarin na sana niya ang kanyang sasakyan upang makapunta na siya sa dance studio nang makitang biglang bumagsak ang katawan ni Magi sa damuhan.

No!!!!!!!

Dali dali siyang lumabas sa kanyang lexus at patalbong nilapitan ang bata sa gilid ni Magi na ngayon ay nakaluhod at umiiyak na pinipilit ni gisingin si Magi.

"Ate Magi gising na po.... please Ate Magi...." paiyak na bulong ng bata kay Magi na walang malay.

"Hey Dani, ikaw pala, anong nangyari kay Magi?" Nag-aalalang tanong niya sa bata.

"Kanina po kasing nasa bahay kami kakatapos po ng tutor niya sakin. Aalis na po sana siya pero pinilit ko po kasi siyang pumunta dito sa park eh. This is all my fault." Nangiyak iyak na sambit ng bata sakanya.

"Dani, hindi mo iyon kasalanan, wala kang kasalanan" pagpapaliwanag niya sa bata. "Shhh... wag ka nang umiyak dalhin nalang natin siya sa hospital" pagpapatahan niya sa bata.

Tumango na lamang ang bata. Binuhat niya si Magi habang ang bata naman ay nauna nang sumakay sa sasakyan niya daladala ang shoulder bag ni Magi.

Habang nagmamaneho siya papunta sa hospital, hindi niya maiwas-iwasang tumingin sa passenger seat kung saan niya ibinaba kanina si Magi.

Wala pang sampung minuto nang makarating na sila sa hospital agad siyang tumawag ng nurse para maalalayan siya sa pagpapasok kay Magi sa hospital. Dahan dahan niyang ibinaba si Magi at ihiniga sa stretcher na itinutulak ng nurse na lumabas.

Please be okay Magi. Bulong niya sa sarili habang tinutulungan niya ang nurse na magtulak sa stretcher. Nakasunod lamang sa kanila si Dani na hindi maalis ang pangamba sa kaniyang mukha.




KULANG sa tulog ai Magi dahil sa dami ng mga ginawa niya. Ilang araw narin siyang wala sa kundisyon at laging nahihilo. Pero kahit ganun ay pumasok parin siya sa kaniyang sideline bilang magtuitor kay Dani.

Ilang oras din siyang nagturo kay Dani at talagang sobrang hinang hina na siya.

Akmang uuwi na siya nang lapitan siya ng bata.

"Ate Magi, Ate Magi samahan mo naman po ako sa park nag play po tayo dun please??" Pa cute na sabi ni Dani sa kanya.

Dahil hindi siya makatanggi sa bata ay sumunod parin siya rito.

Ilang minuto palang nang pakikipaglaro niya sa bata ay naramdaman nanaman niya ang kaniyang sobrang pagkahilo at sakit ng ulo niya.

Nang hindi na niya kayang dumilat. She let her unconsciousness win.

Ang tanging naririnig na lamang niya nung mga sandaling iyon ay ang pag iyak ng bata habang tinatawag ang pangalan niya.

Ok guys so eto na yung update ko for now. Sorry po sa tagal ng update kasi sobra po talagang busy ko kaya sana maintindihan po ninyo ang inyong tagasulat HAHAHAHAH

Anyway thank you po for supporting🥰

First 30 comment ilalagay ko mga names sa next chapter. Or mag comment kayo kung anong predict niyo sa susunod na mangyayari sa A Not So Fake Love Story nina Alex at Magi.....

A Not So Fake Love Story [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon