~13 ZHA! AC!

4.8K 165 9
                                    

***ZHA! AC!***

               GALIT NA binato ko ang unan. Bwisit na bakla 'yon! Iniwan ba naman ako dito sa bahay niya. Ang dahilan? Baka daw nando'n si En-Yu sa company kaya hindi niya ako sinama. Eh ano naman?! Baka naman may gusto talaga siya sa bestfriend niya? Hindi niya lang masabi. Nagseselos siya sa'kin? Kung nagseselos siya, sabihin niya! Hindi yung binuburo niya ako dito sa bahay na parang isang gamit sa kabahayan.

Habang nag aayos ito ng tie kanina ay panay ang bilin nito na 'wag akong aalis. Magbantay raw ako dahil baka may pumasok na magnanakaw. Anong tingin niya sa'kin? Aso? Aba't hindi ako sanay na walang ginagawa. Mas gusto kong napapagod ako sa trabaho, malibang lang ang sarili.

Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako kay lola upang siguraduhin ang lagay nito. Kung totoo ba ang sinasabi ng bakla na 'yon. Papasok palang ako ng maliit na gate namin nang makita ang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay namin.

'Wag mong sabihin na nandito ang baklang 'yon?

Nagmamadaling tumungo ako papasok. Nagtungo ako sa kwarto ni lola pero bago pa man ako makapasok ay narinig ko ang dalawang nag uusap.

"Ayos naman po siya lola, don't worry."

"Pareha kayo ng kapatid mo. Napakabait niyong dalawa. Aba't hindi man lang nagsasabing may nobyo na pala iyong apo ko. At napakagwapo pa."

"Maganda po ang apo niyo at mabait kaya ko nga po nagustuhan."

"Mabait talaga 'yon. Nagtatrabaho siya para sa'kin. Para matustusan ang mga pang gamot at check up ko."

"Huwag kayo mag alala lola. Hindi ko siya pababayaan. Kaya kayo, dapat lagi kayong umiinom ng gamot. Kailangan palagi kayong malakas dahil malulungkot siya kapag may nangyari nanaman sa inyo."

"Hindi naman habang buhay ay nasa mundo ako at hindi habang buhay ay makakasama niya ak----"

"Lola!"hindi ko na napigilan na lumabas sa tinataguan ko nang marinig ang sinasabi ni lola.

"Ilheezsa! K-Kanina ka p-pa d'yan?"Natataranta itong tumayo upang lumapit sa'kin pero iniwasan ko ito.

"Lola... 'Wag kang magsalita ng gano'n..."naiiyak na hinawakan ko ang kanang kamay nito.

"Apo ko..."

"Lola... Ayoko nang marinig ulit 'yon. Naiintindihan niyo po? Sige kayo, pag nangyari 'yon, susunod ako agad sa inyo! Gusto niyo 'yon?"pahid luhang sabi ko rito.

"Oh sige na. Mananatili ako hanggang kaya ko."

"Hindi, lola. Mananatili ka ng sobrang tagal."

Natatawang pinahiran nalang ni lola ang luha ko bago iniba ang usapan. Hindi na nasali si Zhaac sa usapan. Buong maghapon na nanatili kami do'n at walang sawa na nakikipagkwentuhan kay lola.Naging masaya naman ang usapang iyon hanggang sa si lola na mismo ang nagtulak sa'kin papaalis. Kailangan ko daw magtrabaho dahil mauubusan siya ng gamot. Kahit na ayaw ay napilitan ako. Alam kong hindi titigil si lola. Panay rin ang banggit nito na boyfriend ko si Zhaac na wala namang katotohanan.

Tahimik na nakarating kami sa bahay niya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako dahil na una na akong bumaba.

Company pala ah. Yari ka sa'kin.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon