***Sadness***
"YES! YES! YEEEES!"malakas akong nagsisisigaw nang makalabas ng banyo. Sa sobrang tuwa ko ay pumunta pa akong kwarto ni Zhaac para sabihin ang isang magandang balita. Pero nag mamadali itong pumasok ng kwarto ko. Mukhang nagising ito sa ingay. Tumakbo ako sa kaniya para yakapin ito ng mahigpit.
"What happen? Bakit ka sumisigaw?"natatarantang sinuyod nito ang aking buong katawan na lalong ikinatawa ko.
"May sasabihin ako."
"What?"
"May period na 'ko!"itinaas ko ang dalawang kamay sabay tawa ng malakas.
Tumakbo ako sa kama dahil sa tuwa sabay takip ng kumot. Nagpapa-padyak sa tuwa na niyakap ko ang unan. Do'n ko lang napansin na tahimik ang isa. Nang tumayo ako para tignan siya ay naabutan ko itong naka-tingin sa malayo. Tila ba pino-proseso pa ang sinabi ko. Nang magtama ang mata namin ay isang emosyon ang nakita ko.
Lungkot?
Bakit siya malulungkot? Eh dapat nga na pareho kaming matuwa dahil wala siyang responsibility na kahaharapin. Bakla siya at alam kong hindi niya tanggap na matawag na daddy. Dapat mommy siya.
"A-Ano... M-Ma... Magluluto na 'ko ng makakain natin. Oo nga pala... Maganda nga... ang balita. You're not pregnant..."nagkukumahog nitong nilisan ang kwarto.
Weird...
Hindi ko na lamang pinansin ang inasta nito. Baka nagkamali lang ako ng nakita. Hinanda ko ang sarili upang maligo. Yakap ko pa ng ang isang pakete ng sanitary napkins papunta sa banyo. Naka-ngiti ko pa ngang nilagay sa panties ko ang isa. Masaya talaga ako. Sobrang saya. Nawala ang isa sa mga iniisip ko.
Hindi naman sa ayaw kong magbuntis, hindi lang talaga ako handa ngayon. Aayusin ko muna ang buhay na mayroon ako bago iplano ang pagpapamilya.
Nang matapos maligo ay bumaba ako sa kusina pero wala do'n si Zhaac. Sa lamesa ay may mainit init pang pagkain at sa tabi no'n ay maliit na note.
Kumain kana. May meeting lang akong pupuntahan. May fruit Salad na rin akong ginawa, tignan mo nalang sa ref.
Z. U. Y.
Iyon lang ang nilalaman ng papel. Pinagkibit balikat ko na lamang bago ako tumuloy sa pagkain. Masarap ang nasa hapag. Hindi ko man kilala pero pasok sa panlasa ko bilang pinoy. Nang matapos ay hinugasan ko muna ang mga nagamit bago bumalik ng kwarto. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa today para palipasin ang oras.
Tinatamad akong lumabas dahil iba talaga ang sikat ng araw. Masakit sa balat. Napansin ko rin na nagiging mas maputi ang balat ko. Dala siguro ng hindi ko paglabas at aircon. Naisipan kong pumunta sa malawak na hardin niya. Alagang alaga ang mga halaman dahil maganda ang tubo ng mga bulaklak.
Halatang bakla ang nag aalaga. CHAR!
Hindi pa gano'n kataas ang araw kaya nakalabas pa ako. Sa tabi no'n ang pool na pagkalaki laki. Bigla naman akong na-excite dahil matagal na simula ang huling beses na nakaligo ako sa pool. Pero hindi talaga ako marunong lumangoy.
Sa mababaw na part nalang ako.
Hinubad ko ang pang itaas kong saplot. Panty at bra lang ang iniwan. Likod naman ng bahay itong pool at mataas ang pader kaya walang makakakita sa'kin kung sakali.
Puwesto ako sa hagdan ng pool. Sa pangalawang baitang lang ako na hanggang tuhod ko lang ang taas bago dumapa. Kumapit ako sa pwedeng makapitan at ikinawag ang mga paa.
Mag aaral akong lumangoy pag may time.
Ni-enjoy ko ang bawat oras na lumipas. Umahon lang ako upang kunin ang salad na sinasabi ni Zhaac bago bumalik sa tubig. May parang bubong naman ang pool kaya hindi parin ako maaarawan. Hindi ko alam kung anong oras na pero nasa pool parin ako. Walang paki kung mens man ako ngayon. Gusto kong maligo kaya kahit naka-napkin ay sige lang.
Wala naman makaka-alam!
Pero naisipan ko na tanggalin nalang dahil mabigat. Muli akong bumalik sa pool na gano'n parin ang ginagawa. Nasa ikalawang baitang parin ako. Sinubukan kong bumaba ng isa pang baitang pero natakot na ako. Umabot na kasi ng baywang ko.Masyadong malaki ang bawat baitang kaya mabilis na tataas ang tubig. Nang sa tingin ko ay tanghali na, naisipan ko na umahon. Babalik nalang ako mamaya dahil baka magkulay dugo ang tubig. Baka bigla nalang bumulwak. Nang makaahon ay dinampot ko lang ang aking damit at binitbit iyon papunta sa kwarto. Pumapatak pa ang tubig mula sa'kin dahil wala akong dalang roba o twalya man lang.
Pupunasan ko nalang mamaya...
Dumiretso ako sa bathroom para magbanlaw. Nang matapos ay do'n na din ako nagbihis. Pinatuyo ko muna ang buhok bago mahiga sa kama. Wala akong gagawin ngayong araw pero tinatamad talaga ako lumabas. Kaya nagpasya akong matulog nalang.
***
NAGISING AKO na madilim na ang kalangitan. Napabalikwas pa ako ng bangon dahil sa nakita. Ni hindi pa nga ako kumakain. Salad lang ang huling tinanggap ng t'yan ko.
Nagmuni muni muna ako sandali bago bumangon at tignan ang phone ko. Alas siete na ng gabi pero wala siyang tawag o text man lang.
Muli sana akong nahihiga nang marinig ang door bell.
Door bell?
Bakit siya magdo-door bell eh bahay niya 'to? Baka naman si Jenna nanaman ang nasa labas.
Mabilis akong bumangon at bumaba. Nang nasa harapan na ng pinto ay hinanda ko muna ang sarili sa sakaling pag sugod pero laking gulat ko nang mabuksan ang pinto. Mabuti ay naging mabilis ang kilos ko at agad kong nasalo si Zhaac na sa tingin ko ay lango sa alak. Umaalingasaw ang matapang na nainom niya na masakit sa ilong.
"Who are you? Why are you here?"lasing man ay diretso pa itong magsalita.
"Ano ba? Umayos ka nga!"
"Don't yell at me and can you please leave? Ilheezsa will get mad if she sees you here."
"Lasing ka, ambaho mo. Maligo kana at para kang baliw."
"No woman can enter this house except Mommy, Zhalia and her. No one..."
"Shut up, tara na sa taas, aalalayan kita."
"No! I can handle myself, and please. Close the door when you leave."
Ani'to bago naglakad patungo sa hagdan at nahiga.
Ayan, alak pa.
———
~❤
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...