~43 Anger

2.7K 113 6
                                    

***Anger***

                 NAGISING AKONG wala na si Zhaac sa tabi ko. Nang tignan ko ang bintana ay may araw na. Nang bumangon ay naramdaman ko pa ang sakit ng hita at likod ko. Dahil siguro sa nangyari kagabi. Aaminin ko, diretso ang naging tulog ko. Dala siguro ng sobrang pagod. Nagpapasalamat nalang na dahil hindi ako binangungot. Bagamat hindi talaga maganda ang nangyari.


Iyon ang bagay na kahit kailan ay hindi ko naisip na mararanasan ko. Like, para lang akong nasa palabas o isang kwento kung saan nasa kapahamakan ang bida. Maikukumpara ko iyon sa'kin dahil hindi nalalayo. Marami na akong nabasa o napanood na gano'n ang pangyayari. At ngayon naman ay mahirap pala talaga kapag nangyari na sa'yo. Nagpapasalamat nalang ako na walang nangyaring masama sa lahat. Mabuti rin ay nando'n ang mga kaibigan ni Zhaac na bukal sa pusong tumulong.


Nagtungo ako sa banyo upang maligo at pagkatapos ay inayos ang sarili. Nararamdaman ko na din ang gutom, marahil dahil wala akong kinain kagabi. Hinaplos ko ang aking t'yan dahil baka maapektuhan ang dinadala ko dahil sa kapabayaan.

"Sorry... Hindi ko kayo napakain kagabi."pagkausap ko sa mga ito kahit pa wala naman akong makukuhang sagot.

"Buntis ka?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang tinig na iyon ng babae. Standing, in front of me is a woman with a curly hair and heart shape face. Matangos na ilong, mapupulang labi, brown na kulay ng mata at ang makakapal na kilay at pilikmata niya. Nangingibabaw din ang kaputian nito.

May tipid na ngiti sa mapupulang labi nito habang mata sa matang naka-tingin sa'kin.

"O-Oo..."

"Ilang buwan na?"

"Two months."

"Congrats po."

Lumapad ang pagkakangiti nito na pati ako ay nahawa. Lumabas ang kabibuhan sa awra niya at nagmamadaling lumapit sa'kin. Mabilis naman na gumaan ang loob ko rito. Ito ang mali sa'kin. Mabilis akong magtiwala sa pamamagitan ng kagaanan ng loob.

"Tara sa kusina, ipagluluto kita."

"Ah, salamat."medyo nahihiyang sagot ko.

"Oo nga pala, ako si Vlera. Nasabi na sa'kin ni Sir Yio ang tungkol sa inyo. Huwag kang mag alala, mapagkakatiwalaan po ako."

Puno na ng buhay ang tinig nito. Nakakahawa rin ang positibong presensya niya kaya hindi ko maiwasang ngumiti at sumama na lamang dito pababa. Hahanapin ko din kasi si Zhaac. Nasa hagdan palang kami ay rinig na namin ang malalakas na sigaw at kalampag ng kagamitan kaya nagmamadaling nagtungo kami sa kusina.


"Hindi ko alam, Ul! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa'yo o sa kaniya! Tang*na! Kung totoo man ang lahat ng sinabi mo ay inaksaya ko lang pala ang ilang taon ng buhay ko para lang magalit sa'yo at paniwalaan ang lahat ng sinabi niya. Pinipilit at itinatatak niya sa isip ko na ikaw! Ikaw ang dapat sisihin. Na ikaw ang pum*tay kay Thacia!"

Mula iyon kay Justine na hilam ng luha ang mga mata at nag-aapoy sa galit. Nakakuyom ang dalawang kamao nito na puno ng dugo kaya nag alala ako. Lalapit palang sana kami nang marinig ko ang tinig ni Zhaac.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon