~16 His Family

4.4K 149 10
                                    

***His Family***

                Sumapit ang gabi na gano'n nga ang gawain namin. Kakain tulog lang. Iniisip ang bagay na 'yon. Paano nga kung mabuntis ako?

Bwakanangshet!

Ayoko pa talaga. Hindi pwede! Hinding hindi. Bawal pa.

Naiiyak na sumiksik ako sa gilid ng kama. Wala pa talaga sa plano ko ang gano'n. Oo, naisip ko na ibigay kay Brayl ang sarili ko no'ng una pero hindi ibigsabihin no'n ay gusto ko na magpabuntis. Tapos sa isang gabi lang ay nagawa ko ang bagay na lubos kong pinagsisisihan. I mean, medyo lang. Medyo pinagsisisihan ko.


Pero pa'no kung buntis nga ako?

Wala naman na akong magagawa sa bagay na 'yon kung sakali man. Hindi ako katulad ng iba na ipinalalaglag ang bata dahil lang sa hindi sila handa o ayaw pa nila. Kasalanan sa diyos ang bagay na 'yon at ayokong madagdagan ang kasalanan na mayroon ako. Ang tangi ko lang iniisip ay kung handa ba siya?


Bakla siya. Pa'no kung ayaw niya? Sa reaksyon palang nito kanina ay halatang ayaw din nito. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Kaya ko naman siguro ang sarili ko. Mabubuhay ako kasama si lola. Magtatrabaho ako ng maigi para may pera. Hindi ko kailangan ng kasama sa buhay.


Teka? Delay lang naman ako. Hindi pa sure 'di ba? Wala pa. May chance na walang laman.

Tama... Tama...

Pinigilan ko ang luhang naipon sa mata ko bago tumayo para maligo. Masyadong mainit ang panahon ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagligo nang bumukas ang pinto. Nasa shower ako at may shampoo sa ulo kaya wala akong makita. Agad akong nataranta kaya wala sa sariling kumilos ako para humanap ng twalya na dapat hindi ko nalang ginawa.

Madulas ang sahig kaya hindi sadyang nadulas ako pero bago pa man tuluyang matumba ay may matitipunong braso ang yumakap sa hubad kong katawan. Wala akong makita pero alam kong siya iyon. Mainit ang singaw ng katawan nito idagdag pa ang pamilyar na amoy niya.


"Can you please, be more careful?"inis na bulong nito. Inalalayan niya akong tumayo ng maayos at inalalayan sa kung saan.

Bumuhos ang tubig mula sa ulo ko pababa sa katawan. Hinayaan ko siya  na tanggalin ang bula sa ulo ko. Wala naman na sigurong dahilan para itago pa ang katawan ko na nakita na nito ng buo. Naka-pikit lang ako habang ginagawa niya 'yon hanggang sa balutan niya ako ng roba. Muli ako nitong inalalayan na lumabas ng banyo at siya pa ang namili ng isusuot ko. Again, I let him. Siya ang nagbihis sa'kin, maging sa pagsusuklay ng buhok ko.


Ang weird niya...

Nasa gano'n kaming sitwasyon nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at may apat na taong pumasok. Tatlong lalake at isang babae. Sa tingin ko ay nasa mid ages na sila pero ang ikinalaki ng aking mata ay ang pare-parehong mukha ng tatlong lalake.

Walang kahit na anong pagkakaiba bukod sa damit na suot.

"Mommy? Daddy? Anong ginagawa niyo dito with Tito Miguel and Tito Emiliano?"


"Deniel--your dad-- want us to visit you. Ilang linggo kana raw hindi pumapasok sa company. And now, we're surprise na may binabahay kana pala."sabi ng isa sa magkakamukha.

"No po! I mean, I'm his personal... assistant po. Yes, g-gano'n nga po."

"You're his P.A pero parang ikaw pa ang pinagsisilbihan nitong pamangkin ko."

"A-Ano po..."nagbaba ako ng tingin nang walang mahanap na angkop na salita.

"She's sick, Tito Miguel. And she's my responsibility dahil impleyado at nasa puder ko siya."

"Hindi naman siya mukhang may sakit."

"O-Okay okay naman na p-po ang pakiramdam ko."

"Bakit hindi niyo nalang sabihin na may relasyon kayo?"nagulat ako sa sinabing iyon ng ina ni Zhaac. Hindi pwede.

Bakla po ang anak niyo!

"Nako po---"

"Yeah, Mom. Girlfriend ko talaga siya. Right Baby?"

Hindi ako naka-sagot. Gulat sa mga nangyayari.

"Ayaw niya pa ho kasing sabihin sa lahat ng relasyon namin hindi pa siya handa."

"KYAAAAAHHH! Sabi ko na, hindi ka bakla eh!"matinis na sigaw ng mommy niya.

Anong hindi?!

"So ano? May aasahan na ba kami?"bumaba ang tingin nito sa t'yan ko.

Mas lalo akong nanlumo. Pakiramdam ko ay hindi na tinatanggap ng aking utak ang mga pangyayari. Ano nang gagawin ko?!

"What do you think, Mom?"

"WHAAAAAA! Deniel! Pa'no ba yan! Talo ka sa pustahan natin, Honey."

"Oo na, oo na."

Nangibabaw ang malakas na tawanan pero hindi kami kasali. Pareho kaming tahimik habang pinakikinggan ang mga tawanan nila. Nanakit tuloy bigla ang sentido ko. Yari sa'kin 'tong bakla na 'to mamaya. What do you think pala ah.


***

                    PANAY ANG kuwentuhan ng mga nakakatanda habang ako naman ay nasa ibang dako ang isip. Nag iisip ako kung paanong lulusutan itong pinasok ko. Ayoko na dito. Aalis ako at maghahanap ng trabaho para sa'min ni lola at para na din mabayaran ko siya. Wala na akong pake sa pang bablockmail nito sa'kin. Ang mahalaga, makaalis ako sa puder nito.


Anong girlfriend pinagsasabi niya? Anong tingin niya sa'kin? Panakip butas sa sikreto niya? Aba! Wala akong pake sa kaniya at kung ga'no kalaki ang pwede niyang ibayad kung sakali man na alukin ako nito.

"Hija, nasaan ang mga magulang mo para pormal kaming makapag usap."natigilan ako sa narinig.

Bumaba ang aking paningin sa pinggan ko na may kakaunting pagkain. Ni minsan ay hindi ko naikwento sa iba ang tungkol sa magulang ko. Ayaw ko silang pag usapan kahit kailan. Ni ayoko na silang makita o mapanaginipan man lang.


"Mommy, gabi na po, kailangan niyo nang umuwe. Tito Emiliano, Tito Miguel, Daddy, kailangan na po magpahinga ni Ilheezsa. Baka po mabinat dahil kagagaling niya lang sa sakit."

Nang mag angat ako ng tingin ay siya namang tanguan ng lahat. Halata ang pagtatanong sa bawat isa pero pinanatili nalang ng mga ito na tahimik.

Nauna kaming umakyat. Inalalayan ako nitong muli hanggang makarating kami sa kwarto ko.

"Bukas na tayo mag usap, ihahatid ko lang sila Mommy."

Tumango ako bago nahiga para magpahinga na. Bigla tuloy akong nawalan ng gana sa mga bagay ngayon. Ang gusto ko lang ay magpahinga at matulog.

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon