~8 En-Yu

5.1K 203 13
                                    

***En-Yu***

            NAGING MAAYOS naman ang lagay ni lola. Matapos ang apat na oras ay nagising na ito pero hindi pa pinapalabas. Tama nga ako. Inatake daw ito at nahirapan sa pag hinga. Mabuti nalang daw agad na nadala siya sa ospital.


Hindi man sabihin ni Lola pero alam kong nanghihina siya. Panay ang ngiti nito sa'kin. Gustong pagaanin ang loob ko.

"Kailangan mo magtrabaho. Si Zhalia na daw ang bahala sa'kin. Bago lang ang trabaho mo at baka tanggalin ka."pamimilit nito.

Gusto ni lola na pumasok agad ako dahil baka mawalan daw ako ng trabaho. Hindi siya tumitigil.

"Pero lola..."

"Ayos lang ako. Nand'yan naman ang kaibigan mo. Nako, napakabait no'n."

Sa huli ay pumayag din ako. Dumating din kasi si Zhalia na isa rin sa nagtulak sa'kin. Kaya lalo akong walang nagawa.

Maaga pa naman kaya may oras pa ako para mag ayos. Ngayon rin ang araw ng meeting niya with Mr. Cando. Alam kong kailangan ako do'n and I'm his secretary. I have to check his meetings sa iba pang investors.

Umuwi ako nang bahay para maligo at mag ayos para sa trabaho. Nang makarating ako sa building ay agad na sumakay ako ng elevator pero nakita kong nakasakay doon si En-Yu. Tama ba?

Nang bumaling sa'kin ang tingin niya ay may kakaibang ngiting ang dumaan sa mukha nito bago nawala. He greet me good morning bago ito mas lumapit sa'kin.

"Bakit tinanghali ka ata?"makwelang tinig nito.

"Ah, nagka-emergeny kasi kahapon. Hindi sana ako papasok pero pinilit ako ni Lola."

"Ah, gano'n... Ilheezsa 'di ba?"tumango ako. "Ilang taon kana?"

"Twenty six na. Bakit? "

"Ay, pwede pala tayo!"

"What do you mean sa pwede?"takang tanong ko.

"Date? Liligawan kita kahit hindi ako marunong."

Napa-awang ang labi ko sa sinabi nito. Nakakabigla naman ang pinagsasabi ng tanong 'to.

"Baliw ka ba?"wala sa sariling tanong ko.

"No, I'm not."

Mas lalo akong napanganga. Sandali itong natigil sa pag-tunog ng phone niya bago ito tumawa ng malakas. Pagkatapos nito ay itinaas niya ang phone habang nakafront cam.

"Can we take a picture?"

Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko. Basta nalang ako nitong inakbayan at click sa camera. Sandali rin itong nangalikot do'n at nasundan ng halakhak niya. Natatawang ibinulsa nito ang cellphone.

Nagulat ako nang isandal ako nito sa gilid ng elevator at akmang hahalikan nang bumukas ang pinto tandang nasa tamang floor na kami.

I can't move! Ni daliri ko ay hindi ko magalaw dahil sa gulat sa ginawa niya. Unti unting lumalapit ang mukha nito kaya mariin nalang akong napa-pikit.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon