***Part two***
AAKYAT SANA si Zhaac sa isa pang palapag ng kabahayan nang marinig ang pamilyar na boses na paulit-ulit na nagmumura. Nanggagaling iyon sa pinakadulong kwarto kaya kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang corner-in si Ramel. Pero bago pa man niya magawa ay buong pwersang binuksan ng matanda ang saradong pinto dahilan ng pag-atras niya.
Agad siyang pinaputukan ng matanda kaya wala siyang choice kundi ang itulak ang sarili sa gilid. Lagapak ang pagbagsak niya sa sahig at medyo nasaktan siya. Ang akala ni Zhaac ay babarilin siya ni Ramel pero tumakbo ito papalayo, papalabas ng bahay. Pinilit niya ang sarili na bumangon at hinabol ang matanda.
Nang makalabas ng bahay ay nakita niya itong pumasok sa madilim na gubat. Wala siyang takot na nararamdaman kaya sinundan niya ito. Hindi pwedeng matakas ang matanda. Hindi niya ito hahayaan. Sapat na ang ilang taon na nasayang para sa katarungan. Ngayon niya ito sisingilin kahit kapalit pa ay ang buhay niya.
Hinabol niya ang matanda at paminsan minsan ay pinapaputukan. Gano'n din ang ginawa nito hanggang sa umabot sila sa dulo. Nakatayo ang matanda sa dulo ng bato at nasisiguro si Zhaac na mataas ang kinalalagyan nila ngayon. Rinig ang malakas na hampas ng alon at ang simoy ng hangin.
"Sumuko kana."
Hinigpitan ni Zhaac ang hawak sa baril upang pigilan ang sariling barilin ito ng basta. Malakas na tawa naman ang sinagot ng matanda. Para bang may nakakatawa sa sinabi niya.
"Don't make me laugh, Ul. Ang pag suko ay wala sa bokabularyo ko."
"Wala ka nang matatakbuhan."
Inayos ni Zhaac ang sarili bago diretsong lumapit kay Ramel habang nakatutok parin ang baril. Hindi niya inalis ang tingin sa matanda at pareho nilang pinapakiramdaman ang bawat isa. Hindi naman siya pinaputukan ng matanda hanggang ilang hakbang nalang ang layo niya dito. Dalawa lang ang nasa isip niya. Mahuli ito o dito ito mam*matay.
"Isa kang duwag."
"Hindi ako duwag. Sadyang tanga lang talaga kayo para hindi ako makita. Ni hindi mo nga alam na katabi lang ng bahay mo kung saan ako matatagpuan."
Lalong humigpit ang hawak ni Zhaac sa baril. Anong ibig nitong sabihin? Na nasa malapit lang ito habang hinahanap nila ito sa malayo?
Muli siyang humakbang papalapit, limang hakbang ang kanilang pagitan.
"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin, dahil tatapusin ko na ang huling gabi mo."
Binaril niya sa hita ang matanda pero nananatili itong nakatayo. Ni hindi nga ito natinag. Diretsong nakatutok ang baril sa kaniya. Muli niyang pinaputukan ang isa pa nitong hita at sa pagkakataong ito ay nahirapan na itong tumayo. Lumaban din ng putok si Ramel at sa braso niya iyon tumama. Agad na nanuot ang sakit pero pinatatag niya ang sarili at umaktong hindi ganoong nasaktan.
Muli siyang humakbang ng isa.
"Sumuko kana o dito at ito na ang huling hinga mo."
"Aren't you gonna k*ll me? C'mon, alam kong gusto mo akong p*tayin."
"Yeah, you're right. But I want you behind the bars. Regretting all you're sins. Makulong habang buhay at sa loob ka narin m*matay."
"Wala akong pinagsisisihan. Dahil lahat 'yon ay in-enjoy ko."malakas itong natawa na nagpakulo ng dugo ni Zhaac. "Money, k*lling people, Thacia's body—"
Sa narinig ay walang pagdadalawang isip na sinugod ni Zhaac ang matanda. Pumaibabaw siya at pinaulanan ng suntok ang matanda na patuloy parin sa pag tawa. Nabitawan nilang pareho ang baril at si Ramel naman ay humigit ng malakas na pwersa upang magpalit sila ng pwesto.
"Pare-pareho tayong m*mamatay!"malakas na sigaw pa ni Ramel.
Kahit na nanghihina ay binigyan niya ito ng malakas na damba sa dibdib upang maalis ang matanda sa kaniyang ibabaw. Muli niya itong nilapitan at pinagsusuntok.
Ang hindi namamalayan ni Zhaac ay papalapit na sila ng papalapit sa bangin. Puno siya ng galit para pansinin pa ang paligid. Masyadong tuon ang kaniyang atensyon sa kalaban. Hindi na talaga niya alam ang tamang desisyon. Gusto niya itong mabulok sa kulungan pero may parte sa na gusto na itong ilagay sa impyerno. Hindi nararapat na mabuhay ang ganitong klase ng tao, o kung tao ba talaga ito.
Natuon ang atensyon ni Zhaac sa ginagawa sa matanda kaya hindi nito napansin ang mga paparating. Mula sa kaniyang likod ay ang limang kalalakihan na tauhan ni Ramel. Nag-uumapaw na ang kaniyang galit para dito. Sobra-sobra na ang mga kasamang ginawa ng matanda.
Natigil lang si Zhaac nang mangibabaw ang putok ng baril at kasunod no'n ay ang sakit na nanuot sa kaniyang likod. Nasundan pa iyon ng isa at isa pa. Para bang hinigop ang lahat ng kaniyang lakas at basta nalang na bumagsak sa lupa.
Bumangon si Ramel mula sa pagkakahiga. Hinarap niya si Zhaac na pinipilit ang sariling bumangon pero tanging pagluhod lang ang magawa nito. Malakas na umaagos ang dugo sa kaniyang likod dahil sa tatlong bala na bumaon doon.
"Nakakaawa. Sino ngayon ang magtatapos ang buhay?"
Nanlalabo man ang paningin pero nakikita parin ni Zhaac ang matanda. Nasa harap niya ito habang hibang na tumatawa. Nasa dulo sila ng bangin at hindi siya makakapayag na makatakas ito at ipagpatuloy ang masamang ginagawa.
Bigla ay pumasok sa isip ni Zhaac ang magandang mukha ng kasintahan. Ang naglalakihang pisngi ng mga anak. Ang pamilya niya. Hindi pwedeng habang buhay ang mga itong natatakot. Hindi niya hahayaang mawala ang kalayaan ng kaniyang mag-iina. Sapat na ang higit isang taong tumatakbo at nagtatago sila. Panahon na upang maging malaya at magawa ang lahat ng kanilang gusto sa labas ng bahay.
Kaya ang huling naisip ni Zhaac ang siyang makakatupad no'n. Alam niyang magagalit si Ilheezsa pero gusto niyang maging masaya itong muli. Malaya at walang takot na nararamdaman. Hindi man siya makakapagpaalam dito ay sigurado siyang mapapatawad siya ni Ilheezsa.
Gamit ang natitirang lakas ay tumayo siya at buong pwersang itinulak ang sarili sa bangin kasama ang matanda. Hindi na niya narinig pa ang malakas na sigaw nito dahil para bang bingi na siya. Nanghihina at ang gusto nalang ni Zhaac ay ang magpahinga.
Ipinikit niya ang sariling mata at muling inisip ang magandang mukha ni Ilheezsa at ng tatlong anak bago may ngiti sa labing tinanggap ang magiging kapalaran niya. Kung ito man ang huli niyang oras ay magiging masaya siya. Pagkatapos nito ay malaya na ang kaniyang pamilya at wala nang magtatangkang manakit dito.
———
Sorry po kung matagal ang UD. Nawawalan na kasi ng laman ang utak ko🤣 Parang hindi ko na alam kung pa'no ko 'to itutuloy.
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...