***Missing***
MATAPOS ANG pag uusap nila ng mga kaibigan ay nagmamadali na siyang umuwi dahil miss niya na agad ang dalaga. Nag punta siya sa DP dahil nabalitaan niya kung nasaan matatagpuan si Justine. Pero nang makarating sila sa lugar ay wala do'n ang hinahanap. Naka-alis na daw sabi ng ginang na may ari ng bahay na pansamantala sigurong tinuluyan ni Justine.
Bigo man ay hindi siya susuko. Hindi siya magiging malaya na makasama sa kung saan si Ilheezsa kung may panganib na nakaabang. Alam naman ni Zhaac sa sarili niya na kaya niyang protektahan ang dalaga. Pero hindi sa lagay nito. Noong nakaraang linggo ay may kung sino nalang nagpaulan ng bala sa sasakyan niya. Mabuti nalang at bullet proof ang sasakyan. Hindi nalang niya ipinaalam pa sa dalaga dahil baka ma-stress ito. Hindi iyon maganda para rito.
Nais niyang maka-usap si Justine dahil ayaw niyang umabot sila sa puntong papatayin nila ang isa't isa. Gusto niyang ayusin lahat at linawin. Na wala siyang kasalanan sa nangyari ilang taon na ang nakakaraan.
May pagmamadaling sumakay siya sa elevator patungo sa office niya. Lubog na ang araw at nasisiguro niyang gutom na ang dalaga at magmamaktol na ito. Nang makarating sa office ay pumasok agad siya sa kwarto pero halos kainin ng takot ang pagkatao niya nang walang nakasimangot na Ilheezsa ang sumalubong. Kinalma niya muna ang sarili.
Baka nasa kusina... O sa banyo.
Huminga muna siya ng malalim bago muling ngumiti at nagtungo sa kusina. Pero katulad sa kwarto ay wala do'n ang dalaga. Do'n na talaga niya hindi napigilan na matakot. Patakbo siyang pumunta sa banyo pero wala rin si Ilheezsa do'n. Nanginginig na kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Yio bago nagpatuloy sa paghahanap. Nagbabakasakaling tinaguan lang siya ng dalaga.
"Man, why?"
"Ilheezsa is not here. Wala siya dito sa kumpanya kung saan ko siya iniwan."
"Give me a minute."
Hawak parin ang phone na nilisan niya ang office upang pumunta sa lola ni Ilheezsa. Baka dumalaw ito ro'n at nakalimutan lang na magsabi. Pinutol niya muna ang tawag kay Yio at sinunod na tawagan si Ilheezsa pero out of coverage ang phone nito. Ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa nag ring ang cellphone niya. Si Brendel iyon.
"This is bad, man. May kung sino ang nag cut ng kuha ng CCTV. Mula 4:20 to 5:00 PM ang nawala. Iyon siguro ang oras kung saan nahagip si Ilheezsa. And the near CCTV's got hacked. Katulad ng nand'yan sa kumpanya mo ay nawala din ang iilang minuto."
"F*ck..."
"Need help, Ul?"
"No... Thank you, Bren."
Hindi na niya hinintay pa na magsalita ito bago ibinaba ang tawag. Muli niyang ni-contact si Ilheezsa pero tulad kanina ay out of coverage ito. Pabatong inihagis niya ang cellphone sa dash board. Kailangan niyang makita agad si Ilheezsa, kung hindi ay mababaliw siya.
Nang makarating sa bahay kung saan nakatira ang lola ni Ilheezsa ay nanlumo siya. Wala ito do'n at hindi daw napadaan. Nginitian nalang niya ang matanda dahil ayaw niya itong mag alala. Nilisan niya agad ang lugar bago nag isip kung saan pwedeng hanapin si Ilheezsa.
Pero halos pumutok na ang ugat niya sa ulo dahil hindi niya alam. Walang kahit na sinong kaibigan si Ilheezsa na pwede niyang puntahan. Ang mas ikinatatakot niya ay hindi ma-contact ang telepono ng dalaga. Sinubukan niyang i-track pero walang nangyari. Muli niya sanang tatawagan ang number ni Ilheezsa nang may matanggap na text galing sa numero na nasisiguro niyang kay Justine.
There's a picture of Ilheezsa while sleeping. May mensahe rin.
I won't hurt her. Pero alam mo na ang gusto ko at kung may gawin kang mali ay baka mag iba ang isip ko at tapusin ang mag ina mo.
Iyon ang nilalaman ng mensahe. Sinubukan niyang tawagan at i-track ang numero pero wala na iyon. Mariin siyang napapikit.
"F*ck!"malakas niyang nasuntok ang manobela.
Muling tumunog ang cellphone niya. May isa pang mensahe galing naman sa iba pang number.
Four months. Ibabalik ko siya pagkalipas ng apat na buwan pero alam mo na ang kapalit. Kaya mamili ka. Buhay mo o buhay ng mag ina mo. Bye man. See you after four months.
Katulad ng nauna, hindi na niya ma-contact ang numero. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niyang kumalma dahil kung hindi ay baka magpadalos dalos nalang siyang bigla.
***
SA HULI ay napilitan niyang humingi ng tulong sa mga kaibigan. Hindi kasi nagpa-function ng maayos ang utak niya. Wala siyang maisip na plano o ideya para mahanap ang dalaga. Hindi siya papayag na hindi ito makita ng apat na buwan. Baka sa mental na siya matagpuan ng pamilya niya kung sakali.
"Justine Delos Santos? He's your friend before, right? And after that incedent, you've never seen him again?"
"Yeah... I don't know why he's blaming me. Thacia is dead. At hindi ko kasalanan ang nangyari. Wala akong kinalaman sa mga nangyari."
Sapo niya ang ulo nang manumbalik sa alaala niya ang nangyari maraming taon na ang lumipas. Wala siyang kasalanan sa pangyayari. Pero kahit anong paliwanag niya kay Justine ay hindi ito makikinig. Siya at siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng nobya niya.
"Magaling siyang magtago, pero Ul, hindi niya ako matatalo. Akong bahala."it was Brendel. Nananatiling tutok ito sa computer niya.
May kung ano itong ginagawa na hindi niya maintindihan. Kaya niyang maintindihan lahat ng iyon pero blanko ang utak niya. Puro si Ilheezsa at Ilheezsa lang ang tangi niyang iniisip. Kaya niyang gumawa ng paraan para makita ang dalaga pero f*ck! Hindi niya magamit ang kaalaman niya dahil sa labis na pag aalala at takot.
Pero isa lang ang ipinapangako niya. Ililigtas niya ito. At kung may mangyari mang hindi maganda sa dalaga ay sinisigurado niyang gagamitin niya ang dalawang kamay upang pumatay.
———
~❤
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...