~56 Laban

2.1K 76 2
                                    

***Laban***

                    HINDI MAPIGILAN ni Ilheezsa ang umiyak nang mapag-alamang nakuha si Zhaac ng hayop na iyon. Katatawag lang ng mga ito at hinihingi ang tapes na hindi niya alam kung nasaan. Iyon daw kapalit ng buhay ni Zhaac. They let Zhaac talk to her at halos manlumo siya nang marinig ang labis na panghihina sa boses ng kasintahan. Pero kahit na gano'n ay nagmatigas si Zhaac. Sinabi nitong huwag ibibigay ang hinihingi ni Mr. Ramel Ventura. At ang kasunod niyang narinig sa kabilang linya ay kung paano nila bugbugin si Zhaac at ang daing nito bago naputol ang tawag.


Para bang pinipiga ang puso niya sa sakit na nararamdaman at kahit ang mga anak niya ay hindi iyon kayang tanggalin. Nag aalala siya dito at alam niya na sobrang delikado ang buhay ni Zhaac sa kamay ni Mr. Ventura. Kumikilos na ang mga kaibigan ng nobyo pero hindi talaga siya makakampante hangga't wala si Zhaac sa tabi niya.

Ayaw na niyang mawalan pa. Sapat na, na nawala na ang ina at ama niya. Hindi niya na alam ang mangyayari sa kaniya sa susunod kapag pati ito napahamak. Bukod sa Lola niya ay si Zhaac ang iba pang nagparamdam sa kaniya ng totoong pag mamahal. Hindi nito ipinaramdam na mag-isa siya, kahit pa palagi silang nag aaway noon.

"Deniel, ano na?"

"Calm down, Honey. Just wait a sec— bingo! En-Yu, call your Dad. I need back ups. Kheileb, their location is near your private beach house. Paki-block ang lahat ng pwedeng labasan."

"On it, Tito."

"Weince, ready your helicopter."

"Yes po, Tito."

"Elvin, we need guns."

"Nasa sasakyan na po."

"Yio, don't let them know that we're coming. I know, you can do it."

"Hm"

Nagkaniya kaniyang kilos ang lahat at sinunod ang utos ni Deniel. Wala namang maintindihan si Ilheezsa kundi ang alam na ng mga ito kung nasaan si Zhaac. Nanginginig parin siya sa takot pero gusto niyang sumama. Ngayon niya pagaganahin ang katigasan ng ulo dahil kung uupo lang siya dito at maghihintay ng balita ay baka masiraan siya ng bait.

"Tito, sasama po ako."

"No, you, stay here."

"Pero hindi po ako mapapakali dito. B-Baka... Baka may mangyari sa kaniya..."

"Wala kang maitutulong do'n hija. Baka mag-alala pa si Zhaac kapag may mangyari sa'yo doon."

"Pero..."

"Just relax, okay? Magiging maayos lang siya, hm?"

Napayuko si Ilheezsa nang mahimigan na disidido ang ama ni Zhaac na huwag siyang isama. Pero tama din naman ito. Wala siyang maitutulong doon na kahit ano. Baka nga maging pabigat pa siya dahil sa katigasan ng ulo. Ang tanging magagawa lang niya ngayon ay ang manalangin at maghintay sa mga susunod na mangyayari.

Muli siyang naglakad para sana maupo at do'n niya nakita ang Mommy ni Zhaac at si Zhalia. Puno ng pag-aalala ang mga ito pero hindi tulad niya na natataranta. Si Elizabeth ay nakaupo sa single sofa habang sapo ang sariling sentido.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon