***Epilogue***
INILAPAG KO ang bungkos ng puting bulaklak sa taas ng puntod. Ilang buwan ko na siyang hindi nadadalaw. Busy rin kasi ako sa Cleesha Cafe na pinatayo ko noong nakaraang taon lang. Mabilis iyon na sumikat at talagang hindi biro ang dami ng costumer. Balak ko na nga rin na magpatayo niyon sa iba pang lugar kung kakayanin.
Busy din ako sa pag-aalaga sa mga anak ko. Mag-aaral na naman na sila ngayong darating na pasukan kaya kailangan ko silang tutukan. Gusto ko rin kasi na ako at ako parin ang mag aasikaso sa mga ito lalo pa't wala siya. Mahirap man pero nandito naman sila Mommy Liz at Daddy Deniel. Sa kanila parin kami nakatira dahil iyon din ang gusto ng mga ito. Ang bahay naman na pinagawa ni Zhaac ay hindi ko parin matirhan dahil sa bukod sa malayo ay ayoko pa.
Hindi ako sanay do'n at para bang malungkot kapag kami nalang ng mga anak ko ang nakatira. Si Lola kasi ay wala na rin. She passed away two weeks after that day. Tanggap ko naman na ang lahat ng nangyari at kahit na sobrang hirap ay nagpakatatag ako dahil kailangan. May mga anak akong dapat alagaan.
"Mommy, nakikita po ba tayo ni Daddy?"
Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon ng anak kong babae. Si Acleezsa. Nakatingala ito habang tinitingnan ang mga ibon na lumilipad.
"Of course, lil sis."tinig naman iyon ni Iezxul habang nakatanaw din sa langit. Si Niexul naman ay nakatingin sa puntod na nasa harap namin.
Parehong tahimik ang dalawa kong lalake pero alam kong magbabago pa ang pag-uugaling iyon. Anim na taon palang sila pero matatalino. Nasisiguro ko din sa ama nila sila nag mana pagdating sa katalinuhan. I mean, hindi ako gano'n katalino noong nag-aaral ako. Sakto lang para maka-graduate.
"Mommy... Sabi mo po, kamukha po namin si Daddy 'di ba? But... What does he really look like?"seryosong tanong ni Niexul.
"Mommy! What do you think? Nakikita ba tayo ni Daddy mula dito?"
Hindi ko nasagot pa ang tanong ni Niexul dahil nangulit nanaman si Acleezsa. Napakabibo talaga ng batang ito. Hindi ko man gano'n na maalala pero nasabi sa'kin ni Lola na makulit ako noong bata ako.
"Yup. Daddy can see us up there."
"Pero Mommy, hindi ko siya makita mula dito."
"Cleezsa, don't ask Mommy. Gusto mo bang mag cry ulit siya?"
"No... I'm sorry Mommy."
"It's okay Baby. Mommy's okay now. Hindi na iiyak si Mommy."
Nakita kasi nila na umiiyak ako noong last na dumalaw kami dito. I don't want them to see me like that again. Hindi ko lang talaga mapigilan ang pagiging emosyonal ko. Mabilis akong umiyak lalo pa't pag naaalala ang mga nangyari noon. Napapadalas lang ngayon. Siguro dahil stress ako minsan sa trabaho o kung ano...
Sandali lang kaming nanatili doon dahil nagreklamo na ang anak ko na nagugutom na sila.
"Mukhang matatagalan bago kami makadalaw ulit. I love you..."iyon lang at iginiya ko na ang tatlo pabalik sa sasakyan. "Manong sa Cleesha Cafe mo nalang po kami dalhin tapos balik na po kayo sa mansion."
"Sige po ma'am."
Pare-parehong nakaupo sa unahang upuan ng van na sinasakyan namin ang tatlo habang ako naman ay sa likod. Agad kong naramdaman ang brasong pumalibot sa aking baywang kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Soft Beast ( COMPLETE )
RomanceWARNING: Matured content | R18 | SPG | Even with no money, Ilheezsa entered a bar that only high people could enter. She intended to get drunk until she passed out. Ang rason kung bakit? Handa na niyang sagutin ang matagal na niyang manliligaw. Ngun...