~47 Babies

3.1K 110 1
                                    

So ayon guys. Hindi ko talaga alam kung may pagputok pa ba ng panubigan kapag CS ang panganganak?.

Pasagot sa may alam.

***Babies***

MAINGAT NA binuhat ko si Acleezsa. Naghihilom pa rin kasi ang tahi ko at kaunting galaw lang ay kumikirot. dalawang linggo palang simula nang isilang ko ang mga anak namin. Hindi naging madali ang lahat. Sobrang sakit na para bang hindi ko kakayanin. Pa'no nalang kaya kung posible kong maipanganak ang mga bata ng normal delivery? Baka matuluyan ako.


Pero kahit pa nahirapan at nasaktan ako masasabi kong masaya. Dahil nasilayan ko na ang tatlo. Kahit pa natakot ako ng sobra. Inisip ko nalang na sana maging ligtas sila pagkalabas. Pumasok pa nga sa isip ko na, pa'no kapag hindi kinaya ng katawan ko? Alam kong maraming mag aalaga sa kanila, lalo na ang ama nila. Pero gusto kong ako ang susubaybayan sa kanila hanggang sa magkaroon sila ng sariling pag iisip.

Hindi ko ipaparamdam sa kanila ang naranasan ko noon. Na walang ama at ina na nasa tabi mo. Tanging lola lang pero mabait naman. Habang natutulog ako noong araw na inilalabas sa katawan ko ang mga bata ay nasa madilim lang ako na lugar. Walang kahit na ano o sino bukod sa'kin.

Walang kahit na anong pangamba akong nararamdaman. Naglalakad lang ako doon at nang may maaninag na liwanag ay siya namang pag bukas ng mata ko. Unang bumungad sa'kin ay si Zhaac. Kalong ang isa sa anak namin. Nakakatuwa lang isipin na unang bukas ng mata ko ay sila agad ang tumambad sa'kin. Kaya kahit nanghihina ay nagawa kong hawakan ang anak kong babae,halikan siya at aminin ang nararamdaman ko para dito.


Wala akong kahit na anong takot na naramdaman. Purong pagmamahal at saya lang. Lalo na nang tugunin nito ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag amin rin nito. Iyon ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Tatlong anak at mapag mahal na kasintahan. Kahit na sino sigurong makaalam ay walang maniniwala sa amin na umabot kami sa ganito.Wala naman kaming dapat na ipaliwanag at nasa pang-unawa na nila iyon.


Nananatiling nakahiga ako sa kama habang hawak ang aking prinsesa. Si Zhaac naman ay natutulog sa aking tabi habang nasa magkabilang braso niya ang dalawang lalake naming supling. Lumipat na rin kami sa kwarto kung saan una kaming tumuloy. Binuhat niya pa ako dahil hindi ko pa kayang lumakad.


Pareho silang tulog at kami naman ni Acleezsa ay gising. Kagaya ng sa ama ay abuhin din ang mga mata nito. Pero iba ang pagka-gray. It's like silver colored eyes. Ang kay Iezxul ay pure gray at sugar gray naman ang kay Niexul. Hindi pa man gano'n kalinaw na makita ang difference sa mata nila pero sigurado ako na gano'n nga ang kulay ng mga mata nila. Ang kay Zhaac kasi ay sterling gray. Wala man lang nakakuha ng kulay ng akin. Pero ayos na sa'kin ang gano'n. Mas masaya nga akong nakuha nila ang ganda ng mata ng ama.


Masaya kong pinagmamasdan ang mag-ama ko nang bumukas ang pinto. Mula doon ay pumasok si Mama at Justine. May parehong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa'kin pero nang madako ang tingin ni Justine sa lalakeng mahimbing na natutulog sa tabi ko ay mabilis na nag bago ang mood nito.

"Kumusta ang mga apo ko? Kamusta ang pakiramdam mo?"tanong ni mama nang makalapit. Naupo siya sa tabi ko at nilaro ang maliit na kamay ni Acleezsa kahit may gloves ito. Si Justine naman ay pumunta sa kabilang gilid upang kunin si Iezxul.

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon