~18 Tita Elizabeth

4.1K 156 5
                                    

***Tita Elizabeth***

                 DINALA NIYA 'ko sa kwartong tinutuluyan ko. Pinaupo sa gilid ng kama bago muling sinipat.

"What happened?"

"Ano sa tingin mo?"

"I'm asking you, babae."

"Ano nga sa tingin mo? Nagbonding kami sa C.R?!"

"Are you hurt?"

"Malamang! Ikaw ba naman dagaanan ng damuhong 'yon, hindi ka masasaktan?! Tapos natumba pa kami kanina at nagkahilaan ng buhok. Pakiramdam ko pa, tumitibok ang anit ko sa sakit."

"WHAT?! SHE DID THAT?!"

"Oo..."

Hinilot ko ang sariling sentido dahil parang pati 'yon ay nabanat. Nagmamadali namang umalis ang isa. Dahil wala akong pake ay nahiga nalang ako para mag pahinga.

Sa susunod nalang ang plano ko...


***

                 NANG MAGISING ay naramdam ko ang magagaang haplos sa aking buhok. Gusto ko ang ginagawang iyon ng kung sino kaya tumagilid ako para humarap sa taong 'to at yumakap. I heard her giggles at pinagpatuloy ang ginagawa. Muli akong hinila sa malalim na pagkakatulog.

Nang magising ay siya namang bungad sa'kin ng Mommy ni Zhaac. Nagmamadali pa akong bumangon at pinunasan ang bibig kung tumulo ba ang laway ko habang natutulog. Good thing, wala naman.

"A-Ah... A-Ano po, ano po ang ginagawa niyo d-dito po?"utal kong tanong. She just smiled.

"Nakarating sa'kin ang nangyari between you and Jenna kanina. Are you okay? Did she hurt you?"

"Ayos naman po... Medyo masakit lang ang braso at ulo ko."bumadha ang pag aalala sa mukha nito.

Pag aalalang tanging kay lola ko lang nakita. Sa nag iisang pamilya ko.

"Gusto mo bang dalahin ka namin sa ospit---"

"Nako, 'wag na po. O-Okay naman na po ako."

"You sure? Sabihin mo sa'kin kung---"hindi nito natapos ang sasabihin nang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong kalalakihan.

"Is she awake---oh, gising kana. Okay kana ba hija?"tanong ng isa sa mga lalakeng magkakamukha.

Hindi ko na alam kung sino ang tatay ni Zhaac!

"Okay naman na siya, Emiliano. By the way, hija. They are Zhaac's uncles. They are triplets."

Napatango ako sa sinabing iyon ng Mommy ni Zhaac. Kaya pala magkakamukha ay hindi lang basta magkakapatid ang mga ito. Triplets pa.

"And I am Elizabeth Yamaz, Zhaac's mother. You can call me Tita Liz."

"Call me Tito Deniel."

"Tito Emiliano here!"

"And you can call me Tito Miguel."

Napatango nalang ako. Wala ni isang salita ang namutawi mula sa'kin habang titig sa tatlo. Pilit akong humahanap ng pagkakaiba nila pero tanging damit lang talaga ang pinagkaiba ng mga ito.

Nang matauhan ay tsaka ko lang naalala si Zhaac."Ahm... Nasaan po si Zhaac?"I asked Tita Liz.

"Ow, I don't know. Pinalayas ko siya kanina lang dahil sa kapabayaan niya."

"Po?"

"Yes, you heard it right. Dapat sa kaniya 'yon dahil pabaya siya. Where is he when Jenna attacked you? Sabi niya, nasa kwarto, natutulog. I don't like his answer."

"Pero po, may kailangan kaming pag usapan."

"Okay, fine. He's outside lang naman
But, mamaya na kayo mag usap okay? You have to tell us what happened earlier. Anong ginawa niya sa'yo?"

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sabihin ang lahat. Walang pinalampas. Kung magtanong ito ay para itong imbestigador. Hanggang sa lumayo na ang usapan namin. Dalawa nalang kami ni Tita Elizabeth ang naiwan sa kwarto dahil pinaalis niya ang tatlong lalake.

Nag umpisa si Tita na pag usapan ang ibang bagay. Hanggang sa nauwi na nga kami sa relasyon kuno na sinabi ni Zhaac. Medyo hindi ako komportable na pag usapan ang bagay na 'yon pero marunong si Tita magdala ng usapan.

Kaya niya akong pakalmahin sa pamamagitan ng presensya niya. Ngayon ko naramdaman ang kulang sa buhay ko. Kahit ilang beses ko na sabihing sapat na sa'kin si lola ay may panahong naiisip ko. Anong pakiramdam na may inang nag aasikaso sa'yo araw araw? Anong pakiramdam na may amang magtatanggol sa'yo?

Nah. I can protect my self. Kaya kong alagaan ang sarili ko at si lola. I don't need them. At kung sakali man na magkaroon ako ng sariling pamilya, hindi ako tutulad sa kanila. Magkakaroon ako ng pamilyang buo at kailanman hindi ko ipaparanas sa magiging anak ko ang pinaranas nila sa'kin.

"Nasaan nga pala ang mga magulang mo, hija?"tanong nito.

Matagal bago ako nakasagot.

Wala naman masama kung magsasabi ako ng kaunti.

"Ahm... Hindi ko po alam. Si lola lang po kasi ang kasama ko."

"Ow, sorry. Where's your lola?"ramdam ko sa tinig nito ang paumanhin.

"Hindi niyo ho itatanong kung nasaan ang magulang ko?"

"No. Kita ko sa mata mong ayaw mo na pag usapan ang tungkol sa kanila. I'm not gonna force you to talk about them."

Sa hindi malamang dahilan, nangilid ang luha ko. She can understand me...

Sa buong hapon na 'yon ay nagkwentuhan kami ni Tita Liz. Tinuruan pa ako nitong mag-bake ng cookies dahil paborito daw iyon ni Zhaac. Para na din mabigyan ko daw si lola. Napuno ng tawanan ang kusina. Kung magkwentuhan kami kanina ay para bang matagal na kaming magkakilala. Walang ilangan. Purong tawanan at paminsan minsan ay seryosong usapan.

Tulad nalang ng pagbuo ng pamilya. Sa paraan ng pagsasalita nito ay parang gusto na niya kami ni Zhaac na gumawa ng pamilya.

Kung alam lang nila...

Nakita ko siya kanina na naka-yukyok sa labas ng gate, parang batang napagod sa paghahanap. Sila Tito naman ang siyang nakagwardya sa kaniya para hindi makapasok kaya nang naihatid ko na sila sa gate siya namang pagliwanag ng mukha nito.

"Ilheezsa!"pagtawag nito na hindi ko pinansin.

"I will visit you ulit, hija."buong higpit ako nitong niyakap na tinugon ko naman. I like her hugs and the way she caress my hair when I was asleep.

"Maraming salamat po, Tita Liz."

"Mommy! Uuwi na kayo?"hindi din pinansin ni Tita ang tanong na iyon ng anak.

"No... Salamat, hija. He maybe looks like a heartless pero mahina ang batang 'yan. Sa edad na twenty nine ay bawal pa din siyang mabasa ng ulan dahil mabilis na inaapoy ng lagnat. Kaya sana alagaan mo siya."she whispered.

Talaga?

"Makaka-asa po kayo, Tita."

"Pa'no, aalis na kami. Take care  okay? Kakausapin din namin ang magulang ni Jenna to make sure na hindi na mauulit 'yon, hm. Bye~"

"Mommy... Are you ignoring me? Why all of you are ignoring me? Even Ilheezsa"bulong bulong ng isa. Doon na lumingon sa kaniya ang ina.

"Ignore your face! Uuwi na kami. Take care, Okay? Alagaan mo ang sarili mo. Lalong lalo na si Ilhee. Bye, love you!"

"Bye son!/Bye, Ul!/See you again,Ul!"paalam din ng tatlo na mabilis nagpaharurot ng sasakyan.

Nanlaki pa ang mata ko sa nakita pero natauhan din nang may yumakap sa'kin.

"Sorry..."

Iyon lang sinabi nito bago binaon ang mukha sa leeg ko. Pasimple nalang akong natawa bago hinaplos ang buhok nito.

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon